Aera's Pov's
"Sino ka ? "
Biglang naglaho ang isang misteryosong lalaki na laging nagpapakita sa'kin tuwing hating gabi .
*tumatakbo*
Napahinto ako sa isang magubat na lugar , diko alam kung bakit ako napunta sa lugar na yon ..
basta ang alam ko lang tumatakbo ako ng napakabilis pero diko alam kung san nako papunta .Muling lumitaw ang misteryosong lalaki sa harap ko , nakatingin lamang ito na parang may gustong sabihin .
"Sino kaba ? "
"bakit ako nandito ? "
"nasang lugar bako ? "
Sunod-sunod kong tanong sa lalaki , hanggang sa unti-unti na naman sya nawawala na parang isang bula .
dahan - dahan syang naglalaho sa harap ko hanggang sa usok nalang natira sa kanya .
sinubukan kong hawakan sya pero huli na . nawala na naman sya , pinagikot-ikot ko ang ulo ko para hanapin sya ngunit diko na sya nakita .Napaupo nalang ako sa lupa at diko maiwasang matakot dahil pakiramdam ko di na ako babalikan ng misteryosong lalaki .
sa gitna ng gubat ay kitang-kita ko ang mabilog na buwan mula sa ulap ..
hanggang sa umiyak nalang ako ng umiyak sa takot at puro tanong sa isipan ko .*umiiyak*
"sino ba sya ? "
"gusto ko sya makilala "
"anong kailangan nya ba sakin bat lagi syang nagpapakita sakin ?? "
sunod-sunod na tanong sa'king isipan na alam kong wala narin makakasagot .
umiyak ako ng umiyak sa gitna ng madilim at mausok na gubat ."Aera ? "
Napabalikawas ako ng bangon sa'king higaan at hingal na hingal na parang may hinahabol mula sa'king pagtulog .
Pero teka ? sino ang tumawag sa pangalan ko eh wala naman palang tao sa kwarto kundi ako lang ?
biglang may bumukas ng pintuan ng kwarto ko at pumasok si lola imay"ayy juskong bata ka ! bat pawis na pawis ka ? anong nangyare sayo ha ??? "
Pag-aalalang tanong ni lola imay saka ko naman hinawakan ang buong mukha ko ..
oo nga basang basa ako ng pawis pero bakit ?
malakas naman ang aircon sa kwarto ko ?
naalala ko may tumawag ng pangalan ko kanina habang natutulog ako ..
"ahh lola ? "
"hmm ? " sagot ni lola imay habang nagliligpit ng higaan ko .
"tinawag nyo po ba pangalan ko kanina bago po kayo pumasok ?" kita ko sa mukha ni lola ang pagtataka
"ha ? hindi iha . bakit ? " pag-aalalang tanong niya sakin .
"wala po " maiksing sagot ko .
imposible din kase si lola imay ang tumawag ng pangalan ko dahil napakalapit ng boses sa tenga ko ang malamig na boses na yun at isa pa boses lalaki ang narinig ko kaya imposible talagang si lola imay yun .
" baka napanaginipan mo na naman mama mo ? " napalingon ako sa sinabi ni lola .
"baka nga po , hayaan nyo po la pagtapos ko po sa school dadalawin ko po si mama mamaya bago po ako umuwi " sagot ko kay lola imay
BINABASA MO ANG
NEXT TO ME
SpiritualGenre : Horror , Action And Romance Themesong : Lovely By Billie Eilish Ft. Khalid