Aera's Pov
Biglang dumilat ang mga mata ko sa pagtulog nang makaramdam akong kakaiba habang natutulog .
pakiramdam ko ay may kasama ako sa'king kwarto ."Teka ? ang pagkakaalam ko sa sala ako nakatulog ? " tanong ko sa'king sarili .
Bigla akong napayakap sa'king sarili dahil humangin ng napakalakas at bukas pa pala ang bintana ng kwarto ko kaya pumasok ang malamig na hangin sa kwarto .
Tumayo ako para sana isara ang bintana ng aking kwarto pero napatingin ako bigla sa may likod ng pintuan ng kwarto ko . parang kaseng may naaaninag akong tao na nakatayo sa likod ng pinto .
nang makita kong wala naman tao ay saka ko naman isinara ang bintana pero nakaramdam ako ng kakaiba ..Bigla akong kinilabutan , pakiramdam ko ay may tao sa likod ko .
nakaramdam ako ng panginginig habang nakatayo , natatakot akong humarap dahil baka kung ano makita ko .
pero nilakasan ko nalang loob kahit natatakot nako , huminga muna ako ng malalim at saka dahan-dahang kong tinignan kung may tao nga sa likod ko .Napaupo ako sa nakita ko...
yung lalaking nakita kong naka all black na damit kanina sa may building ay syang nasa harapan ko ngayon ..
Pulang pula ang kanyang mga matang nakatigtig sa'kin at nakatawa pa ito habang pinagmamasdan ako ..
Buong katawan ko ay nanginginig , diko nagawang magsalita o sumigaw dahil parang napako ang bibig ko sa sobrang takot .
hanggang sa naramdaman kong tumutulo na ang mga luha ko habang unti-unti din syang lumalapit sa'kin .Nang nasa harapan na nya ako ay nakangising nakatingin parin sya sakin .
Nakaramdam ulit ako ng panglalamig nang biglang bumukas ang bintana sa kwarto at saka may pumasok na isang malakas at malamig na hangin .
napatingin ako sa bintana dahil iba ang hangin nayun , nang ibalik ko ang tingin ko sa lalaking nakaitim ay wala na ito sa harapan ko . bigla syang naglaho kasabay nang malakas na hangin .Nang mawala na ang nakakatakot na lalaki ay saka ako nakahinga ng maluwag pero nanginginig parin ang buong katawan ko at tumutulo padin ang mga luha sa mata ko .
Napakaraming tanong ang pumapasok sa isip ko ...
"Sino ba sila ? "
"bakit sila nagpapakita sakin?"
"anong kailangan nila ?? "
Sunod-sunod na tanong sa isipan ko at saka lamang ako humagulgol ng iyak sa'king kwarto .
hanggang sa nakatulog na lamang ako habang umiiyak
"Aera ???.. "
"Aera ??.."
Tila mabibiyak ang ulo ko sa sakit ng magising ako , nagising ako dahil sa lakas ng lola imay ko mula sa labas ng aking kwarto kasabay ng malakas nyang pagkatok sa pintuan .
Napatayo ako bigla sa sahig dahil diko namalayan na dun na pala ako nakatulog matapos ang nangyare kagabi .Muli konh inalala ang nangyare nung gabing yun ..
Yung lalaking maputi at pula ang mga mata at ang kakaibang malamig na hangin kagabi .. Lahat yun bumalik sa alaala ko ..
Napatingi ako sa pintuan dahil sa lakas ng katok , naalala ko kanina pa pala ako tinatawag ni lola imay kaya dali-dali kong binukasan ang pintuan at nagmadali din naman pumasok sa loob si lola imay na halata sa muka ang pagaalala .."dyos ko ?! Anong nangyare sa kwarto mo ??? .. " sabi ni lola ng makapasok sa kwarto ko .
Saka ko lamang din napansin na sobrang kalat pala ng kwarto ko. Nagsikalatan ang mga papel na nirereview ko at ang mga libro ko na nakalagay sa lamesa ng kwarto ko .
Ganun pala kalakas yung hangin na yun?

BINABASA MO ANG
NEXT TO ME
SpiritualGenre : Horror , Action And Romance Themesong : Lovely By Billie Eilish Ft. Khalid