Chapter 1: Disclaimer: Not A Fan
"Ang boring." Out of nowhere kong naibulong habang nagdidiscuss ang Professor namin about the societal issues na nadiscuss ni Jane Austen sa Pride and Prejudice. But mostly, more on sa feminism ni Elizabeth Benneth ang nababanggit niya. (Trivia: My second name is actually from Jane Austen's novel, Pride and Prejudice. Si Papa kasi according to Mama, ay mahilig magbasa ng books and he promised to name his daughter Elizabeth. Cute ano?) Although, Prof. Herran is a straight man, he's not supporting the patriarch system sa Pinas. Mostly, sa norm na superior-thinking ng mga straight men out there.
Actually, that's one thing I like about him. He believes that every gender must be equally treated; seen all as just human beings.
Prof. Herran is a very diligent and intelligent professor, nga lang, pag nagpapagawa kasi 'to ng mga activities and feedbacks about sa mga nilelesson namin at mga walang katapusang readings for analysis and whatnots, talagang sasagarin ang utak namin sa pagpipiga ng ideya.
Ayaw na ayaw pa naman niyan sa puchu-puchung gawain. Gigil siya sa mga tamad gumawa. Buti na lang at kahit mas madalas ko pang gawin ang mag-cram, magaganda pa rin ang output ko sa kanya. He usually gives off some comments on our reports. May mga hina-highlight pa yan sa gawa namin tas mag-lalagay ng comment sa side. Be it negative or positive, lalagay niya. He is very meticulous to our grammar, spelling and punctuation. Perfectionist kumbaga.
Kaya nakapag-build na ako sa kanya ng love-hate feeling eh. Minsan love ko si Sir kapag lenient siya, pero hate na hate ko 'yan pag nagpapagawa ng essays or nagpapa-quiz.
The class passed by like a blur for others pero para sa akin, sobrang tagal lumipas ng araw na'to. What a very boring and random Friday for me. Ugh!
While I was busy fixing my things, nakita ko namang palapit sa akin ang ka-block kong si Walter. Very western ang name, 'no?
"Hi Allison!" He greeted first. Nung matapos na akong magligpit ng gamit, saka lang ako lumingon. I greeted him also and even waved my hand for a friendlier aura para ipakita sa kanya.
Grabe, tanda ko pa nun na naging crush ko 'to nung nagkaroon kami ng debate nung first year college kami sa isang class eh. He was very convincing that time kahit na oppose ako sa side niya. Hindi kasi sila ang pumili ng kung anong side itetake nila that time eh kaya nagulat ako naipaglaban (at naipanalo niya) ang cons side niya on that debate. Very political kasi si Walter, and when it comes to politics, lagi siyang may say or side comment. Di ko alam bakit mas pinili niya ang Com Lit kesa Law. Feel ko fit siya dun.
"May lakad ka ba today?"
Hindi naman kami super close like best friend levels na ni Walter pero kami lang kasi magkasundo dito sa block naming ito at isa pa, magkakilala na kami noong junior high school students pa lang kami kaya ganito. Kami lagi magkasama.
"Wala naman, bakit?"
"May bacsilog na doon sa tapsilogan sa malapit. Tara?" Pumalakpak agad ang tainga ko pagkarinig ng tapsilogan. Aba! Hindi ako tatanggi diyan!
Isa ring factor kung bakit close kami ni Walter ay pareho kaming G kapag pagkain. Food buddy ko na 'to nang malaman kong halos parehas kaming PG lalo na pag street food. May kaya naman siya pero mas enjoy niya daw ang simpleng pagkain, like tapsilog. Can't blame him. Solid talaga sarap ng tapsilog and other silog foods na meron! Sino bang may ayaw nun?
"Talaga? Sige, tara, nagugutom na nga ako actually eh. Wala na akong naintindihan sa leture sa gutom ko."
He laughed and pinched my nose. Agad ko namang tinapik nang may kalakasan kamay niya kasi mamumula nanaman ilong ko. Mas lalo siyang natawa.