Chapter 1

30 1 0
                                    

Chapter 1

Miaracle's POV

"Mia," tawag sa akin ni zaina. Kanina pa kase ako nagkukulong dito sa kwarto. Mga isang oras na din simula nung naka-uwi na kami.

Agad akong nag-ayos ng sarili nung pumasok yung dalawa sa kwarto ko. Naka pajama na sila samantalang ako ganun pa 'din ang suot.

"Zai, Fen. Akala ko hindi sya katulad ni Kaizer. Na hindi nya ako lolokohin," nagsisimula pa lang ako mag-sabi ng nararamdaman tumutulo nanaman yung luha ko.

"It's okay Mia, everything's gonna be alright." Zaina hugged me.

Mas lalo akong napaiyak sa ginawa ni Zaina. Kilala talaga nila ako, kapag may ganitong sitwasyon, yakap nila ang nakakatulong.

"Iiyak mo lang yan Mia, hayaan mo na 'yun. Hayaan nating dumating sa kanya yung Karma," Si Fenella na tumabi sa akin. "sabi sayo eh gago 'yung lalakeng 'yon!" Binato pa nito yung unan ko. Hays.

"Hindi ko naman kasi alam. Kung alam ko lang sana edi hindi ko hinayaang mahulog ako sa gagong 'yon." Fuck, I remember when he told me that he wouldn't hurt me. Damn him.

"Sa susunod kasi makinig ka sa amin ni Fen. Please lang."

"Ah!" Nasaktan ako nung binatukan ako ni Zaina. Kahit kelan talaga 'to. "Sorry na, kung pasaway ako. Alam niyo na marupok. "

"Okay na, huwag ka na mag-sorry. Makinig ka nalang sa amin next time. Besides, dapat hindi iniiyakan ng magagandang babae ang katulad non. Pero sa case mo iyak ka lang hindi ka naman maganda. Char." Tumawa sila ng malakas kaya mas lalong naging busangot ang mukha ko.

"Bwiset ka Fenella!"

"Just kidding, pinapatawa lang kita." Tumayo si Fenella at pinulot yung unan na tinapon nya. Ayan kabobohan ibato mo pa.

"Pero putangina talaga nung babaeng 'yon eh! Huwag lang magpakita sa'kin 'yon, kundi sa Hospital uwi non." Tatawa sana si Zaina kaso binato sya ni Fenella ng unan.

"Tangina mo Zaina, tapos na diba? Tama na." ani Fenella.

"Pag ikaw na broken tignan mo talaga,"

Eto nanaman sila, "Tumigil na nga kayong dalawa"

"I'm sleepy. Matutulog na ako. You, Mia magpahinga ka na. Iiyak ka pa bukas." pang-aasar ni Zaina. Hintayin ko talagang ma-broken 'tong babaeng 'to.

"Same, talk to you tomorrow. Mag-uusap pa kami ng boyfriend ko." Sabi naman ni Fenella tsaka paalis ng kwarto ko.

Napatigil naman si Fen sa paglalakad sa sinabi namin ni Zaina, "Wala kang boyfriend Fenella. "

"Stop dreaming bitch. Haha." Tsaka tumayo si Zaina sa kama.

Hindi pa ako inaantok pero pagod na 'yung mata ko. Maghuhubad na sana ako kaso nasa pinto pa pala sila Fen. "What do you need? Matulog na kayo."

"Wala kang naaalala?" Zaina asked. Ano bang meron?

"Huh?" nagkakatakang tanong ko.

"Seriously? Nakalimutan mo? Agad?" Tangina nito ni Fenella. "Ang dami nangyare ngayon sa tingin mo naalala ko lahat?" sabi ko.

Sabay sila umirap sa akin tapos sumenyas ng pera. Ow fuck. Naalala ko na. Tig 10 thousand nga pala sila. Mga bwiset! Broken na nga ako peperahan pa ako.

"Don't worry mabait naman kami kaya hindi muna namin kukunin yan ngayong gabi. Bukas after breakfast pa." Sabi ni Fenella tsaka lumisan na.

Kinindatan naman ako ni Zaina, "Whoo! Money money come to mommy!" Tsk. Mga mukhang pera talaga.

Every tear a Waterfall (HPGIRLS SERIES #1)Where stories live. Discover now