Chapter 3
Miaracle's POV
"Oh Miaracle? Himala dumalaw ka." ani Zaina. Nandito kase kami ngayon sa Restaurant ni Zaina, nagulat ata dahil sa tuwing pupunta ako dito nagsasabi ako pero this time hindi.
"Yes, ayaw mo ba?" pabirong tanong ko sa kanya.
"No, no syempre gusto. By the way anong ginagawa mo dito? Visiting me or kakain?"
Tanong niya."Wala naman akong pakelam sayo kaya obviously kakain. HAHA!" pang-aasar ko sa kanya.
"Ehem." I heard Jake's fake cough. Oo nga pala, kasama ko sya.
"What..the..hell? And who's this Mia? Care to tell me?" ngayon lang din ata napansin ni Zaina na may kasama ako.
Agad ko namang pinakilala si Zaina sa kay Jake. "Zaina, this is Jake my friend. Jake, Zaina pokpok sa kanto- ah i mean my friend. " pagkasabi ko nito ay biglang sumama ang tingin sa akin ni Zaina. Aba kala ata matatakot ako.
"Nice meeting you Zaina."
"K, Mia halika nga dito usap tayo saglit." ani Zaina at hinila ako sa bandang gilid ng Restaurant kung saan hindi kami maririnig ni Jake.
I glared at her. "Baket?"
"Sino 'yun?" sabay nguso nya kay Jake na tumitingin sa paligid.
"Pwet mo may rocket. Char, hindi mo ba narinig? Jake name nya."
"Fuck you bitch. I mean ano mo sya? Boyfriend? Well, wala namang bago kung boyfriend mo sya." hindi na ako makapagsalita dahil tuloy tuloy ang pagsasalita nya. Tsk.
"Bakit hindi mo manlang pinakilala sa amin ni Fen? Kelan pa yan? Saan mo nakilala?"
Sunod-sunod na tanong nya sa akin. Argh! Ang dami. "First of all, we're friends. Sa hotel ko sya nakilala, guest namin." sasagot pa sana sya kaso baka tumagal pa ang paguusap namin, kakain lang kami dito tapos babalik na ako sa hotel.
"We'll eat here." I didn't wait for her to say anything, binalikan ko na si Jake na nakatingin sa akin.
"Done?"
"Yes," umupo na kami sa table namin at nilingon ko si Zaina na mataray ang tingin sa akin. Dito kami kumain sa Restaurant ni Zaina dahil ayokong makipag 'date'or something like that sa hotel namin. Ewan ko ba, kasi madalas iniisip ko kapag nasa hotel ako ay trabaho lang.
It's been almost a week since Jake and I have been together, I mean we're not in a relationship pero lagi kaming nag hang out na dalawa. Nagsimula ito sa text nya sa akin. Hindi ko alam kung paano nya nakuha ang number ko dahil business card ko naman ang binigay ko sa kanya. He asked me for a date. Kaso tinanggihan ko sya right away, sabi ko sa kanya na I don't date with our guests. Tapos hindi sya nag-reply so I guess that time, naintindihan nya.
Kaso bigla ulit nag-message tapos sabi pa ay nag check out na sya sa hotel namin. Tinawagan ko agad ang receptionist at tinanong about sa info nya, nag check out nga sya after one night stay.
Kaya naman ay pumayag na din ako sa gusto niya. Madalas siyang mag-padala ng flowers sa office ko. Minsan nga ay nahihiya na ano dahil nakikita iyon nila Engr. Haevynn at Arch. Morisson. Mas lalo pa akong nahihiya kapag papasok ako sa office dahil galing ako sa lobby sinasabihan ako ni Engr. Haevynn na may bulaklak nanaman.
"Thanks for the breakfast Jake, mauuna na ako." pagpapasalamat ko sa kanya after akong ihatid sa hotel.
He smiled at me and pinched my cheek. "You're welcome. So, mamaya sunduin kita?"
YOU ARE READING
Every tear a Waterfall (HPGIRLS SERIES #1)
RomanceHypepoks Girls Series #1 Miaracle Samantha Canseco