Simula

24 2 0
                                    

This is a work of fiction. Names, characters, places, events, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Warning: This story contains expletive words, Violence, brutal scenes that some reader may find unpleasant or disturbing. Read at your own risk.

Prologue

"Kawawa naman siya.."

"Tsk. Bat ka maawa diyan? Deserved niya ya-"

Sinipa niya ang trashcan sa tabi ng dalawang studyanteng nagbubulungan. Masama niya itong tinignan.

"Hindi kayo tatahimik!?"

Nakakulubot ang mga labi nito sa galit. Kinuyom niya nanginginig na palad.

Nagmamadali namang kumirapas paalis ang dalawa dahil sa takot na madamay sa kaniya.

Napahinga siya ng malalim. Frustrated niyang ginulo ang buhok sa inis.

"Shit! Bakit ako 'pa?"

Wala na ang tapang na pinapakita niya sa lahat. Nawala na ang maangas at kayabangang meron siya nakaraan lang. Takot at pangamba nalamang ang tanging natira.

Tatlong buwan palamang siya simula ng pumasok sa paaralan. Isang katangahang pagkakamali. Isang siyang gamer. Hilig niya ang paglalaro ng mga action,adventure at nakakatakot na laro. Gusto niya yung laging may thrill. Hanggang sa napadpad siya sa isang website.

"Hades Academy"

Pangalan ng paaralan ang nakalagay. Kasunod ay ang picture ng isang malaking isla at sa gitna ay ang malawak at mukhang palasyong paaralan. Wala ng ibang impormasiyon na nakalagay bukod sa pinaka ibaba na may text na "Enroll now"Walang kamalay-malay niyang pinindot ito.

After 3 days isang suited man ang kumatok sa pinto ng kanilang bahay. May kasama itong babaeng pormal din ang suot at may hawak na ipad. Namangha siya nang sinabi nito na natanggap siya sa paaralan.

One of the luckiest students to be accepted in Hades Academy and to gain hundred thousand allowance every month. Legit dahil agad siyang inabutan ng pera.

"Fuck! Fuck!" Sigaw niya.

Isang mabilis na pana ang lumipad sa gilid ng pisngi niya. Bumaon ito sa puno kung nasaan siya nakasandig. Nanlaki ang kaniyang mga mata.

Agad siyang tumakbo. Napahinto nang makita sa harapan ang isang lalaking may hawak na katana. Nakangisi ito sa kaniya. May mahabang peklat sa kaliwang mata na mas nakapagdagdag sa nakakakilabot nitong aura. Naisipan niya uling tumakbo sa kabilang dako hallway. Naramdaman niyang malapit na ito kaya agad siyang pumasok sa isang room na walang tao. Madilim dahil walang bintana kaya wala siyang makita na kahit ano. Naupo siya sa sulok. Halos pigil ang hininga sa kaba.

Narinig niya ang tunog ng bakal ng katana na sumasayad sa sementong daan. Napatakip siya sa kaniyang bibig.

Minumura niya na sa isip ang babaeng nagsabi sa kaniyang isa siya sa swerteng studyanteng nakapasok sa HA. Nakalimutan niya'ng pangalan nga pala ng school ay Hades. One of the gods in mythology. The king of underworld. Isang mundong nagsasalamin sa empyerno. The place of sinners and dead.

"Huli ka.."

Naramdaman niya ang malamig na bagay sa kaniyang balat. Isang matalim na kutsilyo ang madiin na nakadikit sa kaniyang leeg. Unti-unti niyang nararamdaman ang hapdi. Hindi nagtagal ay may dumaloy na dugo pababa sa kaniyang collar.

Nanlamig ang kaniyang katawan. Halos tumigil ang kaniyang paghinga sa takot na sa isang galaw lamang ay babaon na ito ng tuluyan sa kaniyang leeg.

"Hehehe, panalo na ako—" Boses ito ng isang babae.

Hades Academy: Assassination schoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon