Chapter 2

28 2 0
                                    


"Congrats! You pass the scholarship test! You're one of the luckiest student to be accepted in Hades Academy!"
Umagang-umaga ito agad ang bumungad sa akin.

Napatakip ako ng bibig. Hindi pa kasi nag to-toothbrush. Medyo bad breath.

"T-talaga po?" Kunwari hindi makapaniwala.

Two weeks ago...

"Wag 'kang mag-alala nakagawa na ako ng paraan para isa ka sa mapili nila." Paliwanag ni floyd. Naka upo sa ngayon sa harap ko dito sa sala ng condo unit ko.

"Okay.."

"Hindi naman nila mahahalata na 25 years old kana dahil sa kutis mo mukha kalang 18 at iisipin nilang ganyan kalang talaga dahil may pagka foreigner ang features mo."

Napatango-tango lang ako. Tama nga naman siya. May mga muscles ako pero sa tiyan ko 'lang halata. Blonde ang kulay ng buhok ko kaya ipapa dye ko nalang ito ng itim bukas para hindi naman masiyadong agaw pansin.

"You shouldn't be careless in that school. Wag ka agad gagawa ng gulo. As much as possible stay low key. Hindi magandang umagaw ng atensyon dahil baka ikaw agad ang gawin nilang target-"

"Cut the crap. Pano ko maitatakas ang kapatid ko?"

Bumuntong hininga siya.

"Magtatago ako ng Speedboat sa pinaka tagong parte ng isla. Bibigyan kita ng mapa papunta doon. Kapag nakagawa kana ng paraan para ma approach ang kapatid mo at ma convince na tumakas sundan niyo ang mapa to scape fast. Simple as that."

"Ganon 'lang?"

"Off course, mas madali kung magpapakilala ka kaagad sa kapatid mo para agad na makaalis."

Tumango ako bilang pagsangayon.

....

"Malayo po 'ba ang HA?" Tanong ko sa babaeng naka formal suit.

Ngumiti siya sakin. Iba ang ngiti niya. Tila nagpapahiwatig ng kakaibang babala.

"Kailang talagang sumakay sa bangka para makarating dun?"

Ngumisi ito. Kung di 'lang ako nagpapanggap baka lumubo na labi nito sa suntok ko. Kairita!

"Yes, Hades Academy is a unique school. Trust me, that school will be a lot of fun for you."

Tumango nalang ako. Pinagmasdan ko siyang nasa pangpang habang kumakaway sa papalayong bangka.

Pwede naman speedboat para mas mabilis. Sabi niya bukas pa makakarating sa isla. Waste of time. Pinagmasdan ko nalang malawak na karagatan.

Hindi ko alam kung paano ako magpapakilala sa kapatid ko. Isang taon ko 'lang siya nakasama at sampong taon na ang nakakalipas non. Bata pa siya dati at baka hindi niya na ako naalala ngayon. I wonder if matatanggap niya 'pa ako. Alam niya'ng nag e-exist ako pero hindi niya kilala ang itsura ko o ang pangalan ko. 18 years old na siya. Dalaga na siya ngayon. Napangiti ako. Nangako ako dati na papahalagahan ko ang nagiisang pamilya na meron ako.

Kung hindi lang sana nakatali ang leeg ko sa mafia organization ay baka malapit na kami ng kapatid ko ngayon.

Pero kahit anong gawin ko... nakatatak na sa aking katawan ang simbolo ng pagiging makasalanan. Sa batang edad natuto akong kumitil ng buhay ng walang halong awa o pagsisi. Kung dati ay ginagawa ko 'lang yun dahil sa kawalan ng pag-asa sa buhay, ngayon ay ginagawa ko na iyun upang buhayin ang kapatid ko. Kailangan ko ng maraming pera dahil gusto kong ibigay ang lahat sa kanya.

Magdidilim na ang paligid. Sinandig ko ang ulo ko at pumikit. Mas mabuting matulog nalang. Mainipin akong tao at baka mabaliw lang ako sa pagkabagot.

....

Third Person Pov

"Alina.."

Nilingon niya ang kaibigan. Nakaupo siy sa kama at nakaharap sa bintanang pumapagitan sa dalawang kama. Pinagmamasdan ang bituin sa kalangitan.

"Hmmm?"

Huminga ng malalim ang kaibigan. Umupo rin ito sa kama. Ang mga mata nito ay puno ng lungkot at kawalan ng pag-asa.

"Pano kung isa satin ang maging next target?"

Bumuntong hininga siya.

"Hindi iyon mangyayari.."

"Pano nakakasiguro? Natatakot ako Alina... ayuko pang mamatay.." niyakap nito ang mga tuhod at mahinang humikbi.

Binalik niya ang tingin sa mga bituin.

Hindi mangayayri 'yun... hindi ako mamatay. May kakampi ako sa paaralang ito.

"Walang mamatay na isa saatin. Matulog kana Jonna" ani niya.Humiga na siya sa kama para matulog.

Hindi niya hahayaang mamatay ako.

————-

(Not a perfect writer)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 25, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hades Academy: Assassination schoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon