"Nasaan ang kapatid ko?"
Kwinelyuhan ko siya at diniin sa pader. Napaiwas naman siya ng tingin.
Ang lalaking 'to! Sampong taon kong iniwan sa kaniya ang kapatid ko, tapos madadatnan kong wala siya paguwi ko!?
"Sumagot ka! Ano?"
"Ano kasi... a-ano.."
"Ano nga!? Bilisan mo dahil naiinip na akong basagin 'yang bungo mo!"
Nanginginig niyang hinawakan ang kamay ko. Matalim ko naman itong tinignan, pinapahiwatig na hindi ko nagustuhan ang paghawak niya dito.
Agad niya naman tinaas ang dalawang kamay. Kinakabahan siyang ngumiti sakin.
"Nakaraang taon kasi... may pumunta ditong mga nagta-trabaho sa isang school"
Tumaas ang kilay ko.
"Tapos?"
"Binigyan nila ng scholarship si Alina.."
Binitawan ko 'na siya pagkatapos niyang sabihin yun. Umupo ako sa maliit na couch niya dito sa maliit niyang apartment.
"Saang school?" Tanong ko, medyo kalmado na kumpara kanina.
"Hmm... ano nga uli pangalan non? Ah— Hades Academy!"
Kumunot ang noo ko. Werdo ng name.
"Normal 'ba yang school nayan?"
"Aba, syempre! May sarili nga silang dorm at siyaka malaki ang allowance dun! Tinanong ko 'nga kong pwede 'ba akong mag enroll bilang scholar 'aba sinabahan 'ba naman ako ng ungas mong kapatid na hindi pwedi dahil matanda na 'daw ako! Abay matinde! Magkapatid nga talaga kay—Aray ko!" Binatukan ko 'nga.
Siraulo talaga!
"Alam mo 'ba kung saan mapupuntahan?"
"Aba! Syempre... Hindi."
"Трахни тебя, Робино (Tangina mo Robino!)" sinapak ko 'na. Wala e ginago talaga ako nito.
"Hoy! Ano sinabi mo? Baka minura mo 'na ako niyan ah!"
"Oo! Namuka! Saan nga!?"
"Try mo i-google?" Suggestion niya.
"Inuutusan mo ako?" Tinaasan ko kamao ko sa harap niya.
"Sabi ko 'nga ako na gagawa"
Inihipan ko pataas ang potangena kong bangs. Kainis kausap tong bakulaw nato. Bakit ko 'ba naisipan na sa kanya iwan ang kapatid ko?
15 years old ako at 8 year old naman si Alina nang iniwan ko siya dito sa pilipinas para pumunta sa Russia. Pinanganak talaga ako sa Russia. Namatay ang tatay kong pure Russian at nahiwalay naman ako sa nanay ko'ng half filipino/Russian. 8 year old ako simula ng mabuhay ako magisa sa kalsada hanggang sa may kumupkop saaking malaking sindikato. Hindi naman literal na inampon. Ginawa lang nila akong kriminal. 14 ako nang mapadpad ako sa pilipinas dahil may ilegal na transaksyon doon ang sindikato kong saan ako kabilang. Nakilala ko uli ang nanay ko pero malapit na siyang mamatay nun at iniwan pa sakin ang half sister kong si Alina.
Wala na rin siyang pamilya kundi ako kaya wala akong nagawa kundi alagaan siya. Isang taon lang dahil pinaghahanap na ako ng Organisasyong pinagta-trabuan ko. Kung di ako babalik baka manganib buhay ng kapatid ko. Buti nalang may kakilala ako dito sa pilipinas na pwedeng pagiwanan sa kaniya. Si Robino Alcazar. Isa siyang illegal bomb maker pero nag retiro na siya at wala akong pakealam kung ano man ang dahilan ng hinayupak nayun. Basta malaki ang pinapadala ko sa kaniyang pera para sa kapatid ko. Nakikinabang din naman siya dun kaya walang kaso sa kaniyang alagaan kapatid ko. May tiwala din naman akong wala siyang gagawin ditong masama.
"Wala akong makita, e. School 'ba yun? Ang alam ko yun talaga ang name ng school niya"
"Wala ka 'bang number niya?"
"Wala! Binago nun number niya nagagalit sakin kapag tinatawagan ko!"Hindi naman nakapagtataka kung bakit.
"Kung kailan marami na akong oras maka bonding kapatid ko siyaka naman siya umalis! Tangina mo talaga Robino!"
"Oh! Bakit ako? E, siya may gusto mag-aral dun! May pagka amazona din kaya yang kapatid mo!"
Napailing nalang ako.
"Alis na 'ko, wala ka'ng kwentang kausap."
"Teka! Pano mo hahanapin si Alina?" Nagtatakha siyang tumingin sakin.
"Ako 'na bahala"
Lumabas na ako sa lungga niyang nabubulok na at subrang sikip 'pa. Pagnagsalubong uli ang landas namin baka maihagis ko siya sa aquarium na puno ng mga piranha. Ang laki ng perang pinapadala ko tapos diyan niya lang patitirahin ang kapatid ko? Tangina talaga nitong si Robino. Kaya siguro tinanggap ni Alina yung scholarship sa school dahil may dorm dun at makakalayo siya sa tukmol na'to.
Sinuot ko 'na ang helmet ko at sumakay sa Triumph Bonneville motorbike ko. Mabilis ko itong pinaharurot.
Sinuot ko ang earpiece ko at dinial ang number ni Floyd.
"What's up, Alexandra?"
"Nasan 'ka?"
"Hmm... I'm at work, why?"
Narinig kong may biglang sumabog sa kabilang linya. Nasa work nga.
"Do you know where to find this school name Hades Academy here in the philippines?" Tanong ko.
"Shit—wait!"
Hininto ko ang motorbike sa tabi ng kalsada kung saan wala masiyadong sasakyang dumadaan.
Nakarinig ako ng kalabog. Sa tingin ko may bakbkang nagaganap sa kabilang linya. Naghintay akong matapos siya.
"Done?"
Narinig ko'ng hinihingal siya. Tsk, weak!
"Yup! Ano nga uli yung tinanong mo?"
Napahugot ako ng malalim na hininga. Paulit-ulit, potangena.
"Hades Academy, do you know kung nasaan?"
Ilang minutong katahimikan bago siya sumagot.
"Why are you interested in that school?" Seryoso niyang tanong.
"Pake mo 'ba? Mag e-enroll ako dun bakit?" Inis kong bara sa kaniya.
"Tsk, pinapatakbo ng malaking sindikato ang paaralang 'yan dito sa pilipinas. Wag kanang magbalak na pumunta at baka gumawa ka 'pa ng gulo"
Agad akong kinabahan sa sinabi niya.
"Tangina, dun nagaaral kapatid ko hinayupak ka!"
"What!? Shit! This is trouble!"
"Sabihin mo sakin ang lahat ng nalalaman mo patungkol sa paaralang yun." Seryoso kong utos.
Halos mabasag ko 'na ang bote ng beer sa higpit ng hawak ko. Nandito ako ngayon sa veranda ng condo ko. Tinatanaw ang nagiilawang mga gusali sa harap. Malapit ng mag alas dose pero hindi parin ako makatulog dahil sa mga nalaman ko.
Hades Academy. That school is hell. Yun ang sabi sakin ng gagong Floyd. They'll recruit students and call them one of the luckiest. Ipapalabas na nakapasa sa scholarship at bibigyan ng malaking allowance.
Lumagok ako sa beer na hawak.
Fucking shit. Ang tanga talaga ng batang yun.
The purpose of that school is to train the strong one's into becoming a fucking assassins. Then the weak will be their training dolls. At ngayon nasa bingit na ng kamatayan ang bobo kong katapid.
Isa 'lang ang naiisip kong gawin.
Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ng shorts ko. I dialed Floyd number. Isang ring lang sumagot agad siya.
"What's the plan?"
"Gawin mo ang lahat para maka pasok ako sa HA."
———-
(Not a perfect writer)
BINABASA MO ANG
Hades Academy: Assassination school
Acción"The only way to escape is to be evil" Meet Cassandra Yahontov, isang Russian girl na myembro ng isang malaking mafia organization sa russia na tinatawag na spider. The mafia has it chains around her neck. The reason why she left her 8 years old hal...
