~~~~~~~~
Nagising ako kinabukasan na pagod na pagod. Parang ayaw pang bumangon ng katawan ko mula sa kama. Patuloy paring tumutunog ang alarm clock at wala akong balak na patayin iyon. Napabalikwas nalamang ako nang bigla akong dinaganan ni Clint. Argghh.. Ang bigat kaya niya.
Ginagawa niya talaga ito sa tuwing hindi pa ako bumabangon at may nais siyang sabihin. Hindi ko nga alam kung bakit pa niya ako kailangang daganan kung pwede namang gisingin ako sa mas marahang paraan.
Papungas-pungas pa akong bumangon at humarap sakanya. Tinanong ko siya kung may sasabihin ba siya dahil alam kong hindi baon ang ipinunta niya kundi ang ibang bagay.
"Ate, may meeting pala bukas sa school para sa aming ga-graduate. Makaka-attend ka ba? Kahapon ko pa sana ito sasabihin sa'yo kaso may bisita ka."
Oo nga pala. Huling taon na niya ito sa high school.
"Aattend ako. Don't worry. Gagawan ko iyan ng paraan." sabi ko at nginitian siya.
"Okay lang naman ate kung hindi, alam ko namang busy ka. Magtatanong nalang ako sa kaklase ko kung ano yung napag-usapan kung sakaling hindi ka nga makakapunta bukas."
"Hayss.. A-attend nga ako. Kulit nito!" sabi ko sabay gulo ng buhok niya. Nginitian naman niya ako kahit naiinis na sa panggugulo ko ng buhok niyang halos isang libong beses nang dinaanan ng suklay. Ewan ko nga ba sakanya at parang mahal na mahal niya ang buhok niya.
"Ate naman, sirain mo na ang lahat, huwag lang ang buhok ko! Tss.." yan ang palagi niyang sinasabi sabay ayos ng kanyang buhok.
Napatawa nalang ako ng mahina at sinabihan siyang umalis na. Alas-siyete na rin kasi ng umaga at baka ma-late pa siya. Alam ko ring nakakain na ito dahil siya naman minsan ang nagluluto ng agahan.
Nang makaalis na siya ay pumunta ako sa banyo. Teka... Alas-siyete?? Shit!! Dali-dali akong naligo at nag-ayos. Kaunti lang din ang kinain ko at dali-daling pumara ng taxi.
Eksaktong alas-otso ng umaga ay nakarating ako sa Samiego building. Phew! Akala ko talaga male-late na ako. Buti nalang at eksakto lang ang dating ko, kundi baka nabugahan na naman ako ng apoy ng baliw kong boss.
Napatampal naman ako ng wala sa oras. Hayss.. Oo nga pala. Paano ko haharapin ang baliw na iyon pagkatapos nung nangyari kagabi?? Huhu.. Paano na ako ngayon?
Bago pa ako makaupo sa cubicle ko ay biglang tumunog ang intercom.
"Pin², punta ka dito sa office ni A... Now na!" sabi niya na parang nagmamadali.
Teka, kay Rye ang boses na yun ah?!
"Oy,oy.. Ano namang ginagawa mo riyan? Alis!" Narinig naming sabi ng kung sino ngunit parang malayo ang nagmamay-ari ng tinig nito.
"Hehe..walaaa.. Umupo nga lang ako sa upuan mo eh..hehe." Sabi ni Rye. Walanghiya talaga, hindi pa niya pinatay ang intercom kaya rinig na rinig ng buong floor namin ang kaganapan doon.
"Who the hell told you that you can sit in my fucking chair?!" Mala-kulog na boses ng taong nagsasabi nito at mukhang papalapit na rin ito sa kinaroroonan ni Rye dahil bahagyang lumalakas na ang boses...
Teka... Kung hindi ako nagkakamali ay kay Aster ang boses na iyon.
Bigla naman kaming nakarinig na parang natumba. Yung parang lumagapak sa sahig. Napailing-iling nalang ako dahil mukhang tama ang naiisip ko.
YOU ARE READING
A Stupid Erudite
General Fictionᴍᴇᴇᴛ ɪɴғɪɴɪᴛʏ ʀᴏsᴇ ᴄᴜᴇᴠᴀs. sʜᴇ's sɪᴍᴘʟᴇ. sʜᴇ's ᴀɴ ᴇʀᴜᴅɪᴛᴇ. sʜᴇ's ɴᴏᴛ ʀɪᴄʜ ᴀɴᴅ sʜᴇ ᴅᴏᴇsɴ'ᴛ ʙᴇʟɪᴇᴠᴇ ɪɴ ʟᴏᴠᴇ. sʜᴇ ʙᴇʟɪᴇᴠᴇs ᴛʜᴀᴛ ʜᴇʀ ɪɴᴛᴇʟʟɪɢᴇɴᴄᴇ ᴄᴀɴ ʜᴇʟᴘ ʜᴇʀ ᴛᴏ ʙᴇ ᴏɴ ᴛᴏᴘ. ᴍᴀᴀᴀʙᴏᴛ ᴋᴀʏᴀ ɴɪʏᴀ ᴀɴɢ ᴛᴜᴋᴛᴏᴋ ɴᴀ ɪɴᴀᴀsᴀᴍ-ᴀsᴀᴍ ᴋᴜɴɢ sᴀ ɢɪᴛɴᴀ ᴘᴀʟᴀɴɢ ᴀʏ ᴜɴᴛɪ-ᴜɴᴛɪ ɴ...