//bahala na//

18 1 0
                                    

isa, dalawa, tatlo...
halika makinig ka rito,
pakinggan mo itong alay ko saiyo;
pakinggan mong mabuti mahal ko.

sa ngiti mo'y ako'y nabighani,
hindi ko alam, pero iyon ang nangyari.
unang tingin ko saiyo'y labi mong nakangiti ang una kong napansin,
at oo, tila ba'y napakagandang tanawin.

hindi nagtagal ay palalim nang palalim,
hindi ko alam kung anong aking  gagawin.
kung ito ba'y aking ililihim,
o, kung sayo'y aking sasabihin.

hindi kasi ako sigurado,
kung mapapansin mo ba ang isang katulad ko.
kaya't nagdadalawang isip ako,
kung aamin ba ako sayo.

pero sige susubukan ko,
wala namang mawawala diba?
aamin na ako sa pagtingin ko sayo,
at bahala na kung may pag asa ba.

TUGMATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon