//tuldok//

10 1 0
                                    


aminin man natin sa hindi,
alam nating lahat ay may huli,
lahat may hangganan,
lahat may katapusan.

ngunit hindi natin alam kung kailan nga ba
kaya hindi tayo nakakapaghanda.
hindi natin namamalayan, tapos na pala.
gaya ng mga napapanuod na pelikula
at kung minsa'y pati ang ating saya.

kung bakit sa dulo'y may lungkot,
na hindi natin alam, tayo pala'y umiiyak na't sumisinghot.
mga tawanang nagwawakas,
mga nagtatapos na palabas.

kaya dapat alerto ka,
hindi natin alam, nasa dulo na pala.
nasa wakas na.
na wala na, tapos na.
tuldok na. tama na.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 24, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TUGMATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon