🙂

1 0 0
                                    

Hindi ko alam kung may alam ka na may ibig sabihin ang konting tawa ko sa mga biro mo at pag sama sayo kung saan ka pupunta.


Magkatalikuran tayo noon sa isang kainan malapit sa pinapasukan nating eskwelahan. Ikaw kasama mo yung mga kaibigan mo samantalang ako mag-isa lang kumakain

"Hoy saan ka na ? Magisa lang tuloy akong kumakain , oh? Sabi ko nga bibilisan ko na eh " binaba ko na kaagad ang cellphone kong hawak at binilisan ang pagkain ng matapos ako inayos ko kaagad ang gamit ko at handa nang tumayo pero pagkasuot ko ng isang strap ng backpack ko hindi ko sinasadyang napunta ang kamay ko sa ........

Tumayo siya bigla nang kinagulat naman ng mga kaibigan niya at humarap sa akin na gulat na gulat ang itsura niya

"Bakit mo hinawakan pwet kooo!"
Yan ang sabi mo kaya napatingin lahat ng tao sa ating dalawa at ako ito tulala sa itsura mo

Sa loob loob ko " ang conservative naman nito" pero nanlaki ang mata ko ng bumalik sa sistema ko na nakatingin na ang lahat atin

Tumawa pa nga ang isa mong kaibigan na nagpabasag ng katahimikan dito , eh sa nakakatawa ang tawa niya , yung papunta ng spongebob? Hindi ko na din napigilang tumawa ng malakas at napahawak pa ako sa kamay mo habang humihingi ng sorry

Pero tinaasan mo lang ako ng kilay at tinabig ang kamay ko kaya yumuko ako at nagsorry paalis

Pumasok na ako sa classroom at sa ubod ng swerte nga naman meron ako , nandoon ka sa pangalawa sa unahan. Abalang abala sa pagbabasa ng mala isang dangkal na libro at dahil nga akoy ubod ng kaswertehan akong uupo sa nagiisang , natitirang upuan sa harapan mo

"Ikaw nanaman ? Baka hawakan mo nanaman ako " niyakap mo pa katawan mo at akala mong tatalon pa ako sayo

Pero akala mong napakaconsevative na tao may tinatago din palang kataranduhan sa katawan , hindi mo nga namang aakalain na mabilis tayong magkakasundo.

Kahit maliliit na banat at knock knock jokes mo na ubod ng kakornihan tatawanan ko

" Knock knock " kinalabit mo pa ako at lumapit pa para sumandal sa likod ng upuan ko

"Ano nanaman yan ?"  Pasungit sungit ng onti para kulitin mo pa ako

Nagsasalita ka , tapos tumawatawa ka hindi ko pa nga maintindihan mga jokes mo kasi ang lalalim ng pinanghuhugutan pero ako ito tumatawa na lang kasi mas lalo kang natatawa kapag tatawa ako

Lalo na't nalipat ako sa tabi mo , dun sa likod kung saan tayo nakaupo. Akalain mo gumawa pa tayo ng rule na magpapaalam ang isa't isa kapag aalis ng upuan kasi sabi mo

"Hirap kayang maiwan na lang ng basta basta , tapos babalik na lang ng bigla" kahit yung mukha mo nagbibiro lang , pero yung banat mo naman talaga ay sa girlfriend mong binanatan ka ng " its not you its me"

Syempre kahit biro yun natuwa nanaman ako

Ugali mo pang hawakan mo ang ulo ko at guluhin ang buhok ko sa tuwing magpapaalam ka nang umuwi
At kung kasabay naman kita pauwi hindi mo nakakalimutang lagi ako igilid sa tabi mo dahil muntikan lagi akong mahagip ng sasakyan



Hindi ko alam kung may alam ka na sa tuwing malungkot ako ikaw ang una kong tinatakbuhan


Umiiyak ako noon sa classroom mag isa dahil may problema ako. Naisipan kong lumabas na para hanapin ka. Binuksan ko ang pinto at ikaw na kaagad ang bumungad sa akin,  kitang kita ko ang gulat mo at napabalikwas pa sa pagkakasandal

Sana.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon