Hindi mo alam sa simpleng tawa mo sa mga biro ko at pagsama kung saan nandoon ako , masaya ako
Nagulat ako nung araw na yun nang may pasigaw na nagsalita sa likod ko
""Hoy saan ka na ? Magisa lang tuloy akong kumakain , oh? Sabi ko nga bibilisan ko na eh " akala mo para kang hindi babae kung magsalita eh , pero natawa naman ako sa pagmamadali mong kumain , hindi ko nakikita pero rinig na rinig ko ang ingay ng kutsara mo sa plato nagreklamo pa nga kaibigan ko eh
Patapos na akong kumain ng biglang para akong nabato sa nangyari sa akin
Nahawakan niya yung pwet ko , solid muntikan ko na ngang pagkamalan na sinadya niya , kaya napasigaw akoNatahimik bigla ang mga tao , yung iba gulat yung iba naman syempre mga kaibigan ko tumatawa , ito isa tawang tawa ng sobra halos malalaglag pa sa kinauupuan tinitigan ko yung babae na nagpipigil din ng tawa
Nakakatawa naman din yung kakaibang tawa ng kaibigan ko pero nagulat ako at tumawa yung babae ng sobra sa harapan ko habang nagsosorry
Nasa classroom na ako at naisipan ko munang magbasa ng libro nang maramdaman kong may uupo sa bakanteng upuan sa tabi ko
" Ah eh sorry kanina ah , hindi ko naman sinasadya " yung itsura mo na ang cute para kang batang nagsosorry dahil hindi ka natulog ng tanghali
"Alin dun sa dalawa ? Sa paghawak o sa tawa mong wagas?" Hirap itago ng ngiti ko dahil nagpeace ka sa isang kamay at finger hearts sa isang kamay naman
Gusto kong tawanan ka ng sobra kaso baka umiyak ka na eh hahahaha
Minsan nagtataka na ako sayo eh , tumatawa ka sa mga biro ko kahit sinasadya kong walang connect pero di bale na sobrang nakakahawa ang mga tawa mo
Naging magkatabi tayo at hindi ko aakalain na seseryosohin mo yung biro ko , pero totoo naman alis siya ng alis sa upuan niya
Minsan kinakausap ko nawawala bigla makikita ko na lang lumipat sa ibang upuan para makipagkwentuhanBakit hindi niya ako kwentuhan ng kwentuhan ? Mag isa tuloy ako dito
Isa gustong gusto kong makita sayo ay sa tuwing naiinis ka sa akin , sobrang cute mo kaya ko madalas naguluhin ang buhok mo
" Ano ba?! Bakit hindi mo guluhin ang sarili mong buhok " unang beses kang nagalit sa akin dahil sa ginawa ko kaya napatigil ako pero binawi mo kaagad
" Joke lang ! tuwang tuwa kang guluhin eh pengeng lima at least ang magkakapera ako sa ginagawa mo " lakas lagi ng tawa ko sayo
Ikaw yung tipong minsan maingat at madalas tanga , sa tuwing magkasabay tayo sa pag uwi walang araw na hindi ka muntikan madisgrasya kaya lagi kitang tinatabi , ikaw yung tao na parang gusto lalong alagaan , may pagkaclumsy ka pero gusto ko lagi akong nasa tabi mo
Hindi mo alam na gustong gusto ko na ako ang una mo ng tatakbuhan sa tuwing nakikita kong nakabusangot yang mukha mo
Ito yung unang beses kong nakitang mugto ang mga mata mo
Pagbukas mo ng pinto pabalikwas pa ako sa gulat pero yung puso ko parang naging lantang gulay nang makita ang lungkot sa mata mo
Nagkatitigan tayo ng ilang segundo , kitang kita kong nagpapakawala ng mga luha ang mga mata mo
walang salita lumabas sa bibig ko pero na din napigilan