Chapter 1 : A Bedtime Story

148 4 2
                                    

*Allaine's POV*

Gabi na at nanonood kami ng TV nang may dumating na katulong para sabihin na may naghahanap kay Phoebe. Grabe no ? Gabi na pero dito na yata matutulog to. Wag naman sana. 

"Sino po yung naghahanap kay Phoebe?", ani Lance. 

"Joshua daw ho.", ani ng katulong.  

"Uy, Phoebe, sinusundo kana yata. Uwi ka na.", pagtataboy ko sa kanya. 

Tinignan nya lang ako na masama at nagwika. 

"Paalisin nyo po. Nagpaalam naman po ako sa magulang ko na dito ako matutulog eh.", ani Phoebe. 

"Di nga ? Seryoso?", tanong ko. 

"Seryosong seryoso.", wika nito na masayang masaya. 

At sa kasamaang palad pa, wala ng available na guest room kasi lahat ay nililinis pa. Naku naman! Magseshare pa yata kami nito sa kwarto e kasama ko na dun ung tita ni Lance na si Tita Chae. 

-- 

"Nandito na tayo sa kwarto.", nakasimangot ako habang nagsasalita. 

"Ano.. Sorry kung makikitulog pa ako dito. May iniiwasan kasi ako eh. Kaya pwedeng bati na tayo?", wika ni Phoebe. 

Teka? Ba't parang bumait to? 

"Sino naman ang iniiwasan mo?" 

"Mga taong gusto akong maging fiancee. E wala naman akong gusto sa kanila tapos pinipilit nila ako.", ani Phoebe. 

"Kawawa ka naman pala.", wika ko. 

"Oo nga eh, ganito yata talaga pag sobrang pretty." 

Bigla akong napakapit sa hamba ng pintuan.  

"Ang hangin bigla. Pakihinaan yung electric fan.", wika ko sabay humalakhak. 

"Hahahahaha!", tawa rin sya. Para na kaming tanga. 

"O, masayang masaya kayo sa galak ha?", ani ni Tita Chae. 

"Tita. Si Phoebe po, kaibigan namin ni Lance. Phoebe, si Tita Chae.", pagpapakilala ko sa kanila.  

After the introduction and a little chit chat, Tita Chae asked a question. 

"Sino sa inyo ang may gusto ng bed time story?", she said with a cheerful voice. 

"Me!", we said in unison.

---

".. And they live happily ever after. The end.", pagtatapos ni Tita sa kwento ni Sleeping Beauty. 

"Tita, answerte ni Princess Aurora no? Nagsleep lang sya tapos paggising nya e may prince na sya." 

"Oo nga. Kaya kayong dalawa e matulog na. Malay nyo, pag gising nyo e may prince na din kayo.", natatawang wika ni Tita Chae. 

"Kayo po Tita?", tanong ni Phoebe. 

"Edi matutulog na din.", sagot nito. 

"Hindi yun eh. Kayo po dumating na po ba yung prince nyo?", paglilinaw ni Phoebe. 

"Uhmm..?", Tita murmured something. 

Happily Ever After Just Took Time (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon