John Paul Demacar ang Angel ko

409 5 1
                                    

CHAPTER 3

nahilo si Greta

dahilan para sya matumba at mawalan ng malay...




"Hey Greta Wake up!!"

sambit ni JP habang

hawak ang ulo ni greta

at akmang bubuhatin.






__

JP's POV

pagkatapos ng klase

naisipan ko munang

wag umuwi at mag-ikot ikot

muna sa school na

pinag-aaralan ko

isa sa mga paborito kong puntahan noong bata ako ay ang lugar na pinupuntahan namin ng lolo ko
na syang may ari ng paaralang ito,

ito ay ang Mini Garden,
na ngayon ay hindi na dinudumog ng tao dahil sa isang
insidenteng naganap noon,
dalawang taon na ang nakalilipas.

hindi naman ako naniniwala sa mga haka haka ng mga tao tungkol sa multo sa lugar na ito,

hindi dahil sa hindi ako
naniniwala sa multo,
kundi dahil hindi ko pa
nakikita o nararamdaman
man lang yung sinasabi nila

tanaw kona ang mini garden at natanawan ko rin si Greta na naruruon pala ng mga
sandaling iyon

Palapit na sana ako sa kanya
upang samahan sya,

Subalit bigla syang tumayo at naglakad patungo sa CR na nasa sulok ng Mini Garden

pero bago pa nya marating
ang CR na iyon,
bigla nalang tumumba si greta habang naglalakad
na ikinabigla ko,

kaya dagli ko syang
pinuntahan at Binuhat

"Greta Wake Up!"
Yan ang sinasabi ko habang buhat ko sya

tinititigan ko ang mukha nya habang tinutungo ko ang Clinic
sa school na ito.

Nice! Maganda pala si Greta

napakaamo ng mukha na tila walang Problema

Pati ang amoy nya,
nalalanghap ko ang simpleng pabangong gamit nya

sa wakas narating ko rin ang clinic

masyado akong napagod ng binuhat ko si greta

ang bigat nya kasi
medyo hindi ako sanay magbuhat ng ganun kalayo

pero Ok lang kasi natulungan ko naman si Greta

--

Umalis na si JP sa Clinic matapos sabihin sa nurse ng school ang nangyari.

--

JP's POV

aalis nalng ako sa Clinic,
diko kayang makasama ng matagal si Greta,

diko alam pero iba talaga ang nararamdaman ko pag Kasama sya

napakasimpleng babae naman nya pero baket tila sa kabila ng pagkasimple nito Natatago ang Kakaiba nitong Ganda

Ahh basta aalis nako sa Clinic,
bahala na ang mga Nurse sa kanya.

hindi na rin naman nya ko
siguro kailangan


---

matapos mahimatay ni Greta,
nagising nalang sya sa nakakasilaw na liwanag.

Hindi familiar sa kanya ang lugar na kanyang kinalalagyan.

"Oh Miss Buendia gising kana pala
nahilo ka kanina dahilan para mahimatay ka,
pasalamat ka nakita ka
ni John Paul na syang nagdala sayo dito sa Clinic
kung hindi Baka kung
anu ng nangyari sa iyo"
sabi ni Nurse Bea


"J----John-Paul? sino yun?"
nagtatakang tanong ni Greta


"oo,
si Sir.John Paul Demacar!
Apo lang naman sya ng May ari ng School na pinag-aaralan mo"
sambit ni Nurse Bea


" ganun po ba? Utang ko pala sa taong yun ang Buhay ko?"-Greta


"oo, pasalamat ka nakita ka nya,
kung hindi baka kung napanu kana"
-Nurse Bea


bahagyang napangiti si Greta
nagpapasalamat sya at
tinulungan sya nung
John Paul na apo
daw ng may ari ng School


---

GRETA's POV

nagising ako na nasa Clinic na

dinala daw ako Nung

John Paul Demacar na yun,

siguro mabait yun?

kasi instead na mag utos sya,

sya pa ang nagkusang magdala saken sa clinic

sabi kasi ng Nurse

panu nya ko nadala dito sa clinic?

OMG! binuhat nya kaya ako?

hala nakkahiya!

apo daw yun ng may ari ng school

HaaaaaAayyy sana makita ko yung JohnPaul na yun at ng makapagpasalamat ng personal
nahihiwagaan tuloy ako
kung sino sya




---




nang makalabas ng Clinic
agad na naalala ni Greta yung babae na nakita nya kaninang umiiyak,

agad nyang tinungo ang CR sa mini garden

bagaman nakasara padin ang CR,
tahimik na ito at wala ng
kahit anu mang
Higbi na syang naririnig.

Akmang Bubuksan nya na ang pintuan para siguraduhin
kung naroroon pa ang babae

ng Biglang may Humawak sa kanyang Balikat na tila pinigilan syang magbukas nito... .  .    .


SINO ANG HUMAWAK SA BALIKAT NI GRETA?




ABANGAN......

JMS UNIVERSITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon