A/N
sana magustuhan nyo
ang mga magaganap dito hah?1st tym ko talaga gumawa ng ganito sana magustuhan nyo:)))
sa yugtong ito papasok na ang character na pinangalan ko sa akin haha
-WilL
__________________________
CHAPTER 4
bubuksan na sana ni greta ang pintuan ng may humawak sa kanyang Balikat... . . .
"Miss nakasara na yang CR,
Sinarado na ng Janitor ng School" sambit ng lalaki na humawak sa kanyang balikat"nasaan na yung babae kanina?
pumasok sya dito kanina eh nakita ko"-Greta"ahhh si erika siguro yung tinutukoy mo? wala na sya dyan lumabas na kanina" nakangiting sabi ng
misteryosong lalakenapatitig si greta sa lalake,
Gwapo ito na mukhang
walang dalang problema sa buhay dahil sa maaliwalas nitong mukha na tila palangiti"Miss baka matunaw ako sa tingin mo haha, By the way Im Will, nakita nadin kita dito kanina, do you like this Place Miss?"-Will
"oo,
nagustuhan ko ng tumambay dito kasi ang ganda ng mini garden eh tsaka walang tao,tahimik,
makakapag-isip ako ng maayos"
sambit ni greta at umupo sila sa upuang nasa mini garden"oo maganda talaga dito.
sa katunayan eto ang paborito kong tambayan nuon paman"-Will"matagal kana pala sa school
na to?"-Greta"Oo 3 years nakong nandirito,
last year na sana ngayon"
sambit ni Will"baket sana?"-greta
"ahh wala its a long long story,
Basta pag gusto mo ng makakausap andito lang ako hah? dito sa mini garden,
lagi akong nandirito"-WilLnagtataka si greta kung baket sa unang pagkikita palang nila ay pakiramdam nya agad na
pumalagay ang loob nya dito.."Nice meeting you Will!
but I have to go magagalit si itay pag ginabi ako ng uwi,by the way im Greta"-Greta
naiwang mag-isa si Will na nakatingin sa Papalayong si Greta
----
WILL's POV
andito ako sa favorite Garden ko,
ewan koba simula nung mangyaring insidente daLawang taon na ang nakalilipas
bigla ko nalang natagpuan ang sarili kong nasa Garden na ito
Ang alam ko
Masaya kasi ako pag nandito ako,Tambayan kasi namin ito nuon ng kapatid ko pati ng mga Kaibigan ko.
kaya lagi akong nandirito para sumaya at mawala ang Lungkot na aking nararamdaman,
dito sa mini garden
natagpuan ko ang isang babae
na napagalaman kong si greta pala,simpleng babae sya pero maganda,
sayang ngayon kolang sya natagpuan kung kailan
Ganito na ako
pero Ok lang,ang hangad kolang
yung maging kaibigan ko sya,mukha kasi talaga syang mabait,
palagay ang loob ko sa kanya,
Nakita ko syang tinatangkang Buksan ang CR na
Dalawang taon ng nakasarado,dina to mabubuksan ng kahit na sino kasi sinarado na ito buhat pa nuong maganap ang trahedyang gumulat sa lahat.
sabi kasi nila kapag nabuksan yun
magagambala daw ang multong
Nakulong na sa CR na iyon
kaya lahat pinagbabawalang Bumukas o lumapit man lang
sa CR na iyon,Pinigil ko sya sa pagtangkang
buksan ang CR na iyon,
para hindi sya mapahamak.nakipagkwentuhan din ako saglit sa kanya,
mabait pala sya,
bumagay ang ugali nya sa awra
ng kanyang mukha
natutuwa akong kausap sya,pero kinailangan nyang magpaalam dahil kailangan nya ng umuwi sa kanila.
samantalang ako,
eto naiwan parin sa mini Garden na ito.
----
"W----wag kang lalapit!
W---ag Kang lalapit!"
takot na takot na sambit ni Greta habang nagsusumiksik sa
dulo ng Cr sa Minigardenhindi nya alam kung baket sya napunta sa CR ng school na kanyang pinapasukan.
ang alam nya lang
takot na takot sya
sapagkat isang nakapangingilabot na babae ang palapit ng palapit sa kanya,Ang babaeng iyon ay nakaUniform ng School nila na nababahiran ng dugo mula sa sumisirit na sugat sa leeg nito.
nakapangingilabot ang Mukha nito na tila naaagnas at natatapyas ang balat gawa ng pagkabulok ng mukha nito,
namumula rin ang mata nitong tila lumuluha ng Dugo na may kasamang tila likidong dilaw,
konting pagitan nalang ang distansya nya sa nakapangingilabot na babae.
"Ahhhhh!!! W----w--a-g k--a-n-g
L-----a----l---a--p-i-t!!!!
W---ag kang l---a-l-apit!!!
U--T-ANG NA L--O-OB!!!" takot na sambit ni Greta
"GINAMBALA MO AKO!!
HINDI KITA PATATAHIMIKIN!!!"
Sambit ng babae habang unti unting inaabot ang leeg ni Greta"Aaaaa--aa-hhh-hhhHh!
bitawan mO ako!!
Diyos ko tulungan mo ko! !".........
ANU ANG NANGYARING KABABALAGHAN KAY GRETA?
ABANGAN....
__________________
A/N
Salamat sa pagbabasa:)))
visit my Facebook account Just Search Will De Vera
thank you!-WillDeVera
BINABASA MO ANG
JMS UNIVERSITY
HorreurHorror,Mystery,Suspense,Love Story and Romance :))) Yan ang Nakapaloob sa JMS UNIVERSITY Siguradong magugustuhan nyo ang kwentong pagmamahalan at kababalaghang nakapaloob dito, Nawa'y Tangkilikin nyo at unawain ang bawat Tagpo at kaganapan sa Kwento...