Chapter 1:

55 10 0
                                    


Chapter 1

Chloe

Nakagat ko ang aking ibabang labi habang inililibot ang aking paningin sa loob ng aking kwarto.

Something seems wrong.


Katatapos ko lang idikit ang bagong biling poster ng Winner sa pintuan ng kwarto ko. Kanina pa ako nakakulong dito dahil hindi ako natutuwa sa itsura ng kwarto ko. Anobayan. Ang redundant ng salitang kwarto. Muli kong pinasadahan ng tingin kabuuan ng aking kwarto. May mali talaga.


"Chloe! Matagal ka pa ba? Kanina pa kami naghihintay ha. Nakakahiya sa sandali mo."


My eyes rolled in the most bitchy way I can imagine as if Hera could see me. Bigla kasing nairita 'yung eyeballs ko nung marinig ng tenga ko ang pagkatok niya. Iniwan ko na muna ang pag-iisip sa kung ano ang mali sa idinikit kong poster at tinahak ang daan patungong pinto.


"Mygad Chloe---," Nabitin sa ere ang mga susunod na salitang lalabas sana mula sa bibig ni Hera nang buksan ko ang pinto.


"Sorry talaga Hera pero may malaki kasi akong problema! Hindi ko naman pwedeng iwan nalang ang kwarto ko hanggat hindi maayos ang lahat diba? Nakakainis alam mo ba? Kanina ko pa kasi pinapasadahan ng tingin ang----," naputol rin ang aking sasabihin nang muli siyang magsalita.


"HINGA!"


"...."

"..."


"..."

"Okay! Ano yung malaki mong problema?" Tanong niya nang makalipas ang ilang segundo.


Humugot ako ng malalim na hininga at hinila siya papasok sa aking kwarto. "Nakikita mo ba 'yan? May mali kasi talaga e. Kanina pa dapat kita bababain pero... Hay naku! Ano bang mali rito?!"

Natampal ni Hera ang kanyang noo at napatitig sa akin. Itinaas ko naman ang aking kilay.

"MALI ANG LAHAT. MALING MALI! Bakit mo naisipang idikit sa pinto ang poster?! Ano ka ba naman Chloe. Hindi ba't sinabi ko sayong sa kisame mo dapat ilagay para pagmulat mo ng mata, sila agad ang makikita mo." Humugot din siya ng isang malalim na buntong hininga at hinila ako sa braso. "Pero mamaya na natin problemahin yan dahil naghihintay na si kuya. Bilis!"

"Teka lang Hera——"


"Faster Chloe! Sinasabi ko sayo malalagot na ako kay kuya!"


Dali-dali siyang naglakad pababa ng hagdan habang hila hila ako— MUNTIK NA AKONG MAHULOG! Buti nalang nakakapit ako sa katotohanang sahig ang sasalo sa akin at masasaktan lang ako. Hah! K.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 10, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Childish Love [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon