True Love Never Dies

56.6K 512 135
                                    

Raphael

October 2014

Marami na akong naririnig na nagsasabing, "True love never dies".

I cannot attest to that dati, malay ko ba kung anong experience nila jan sa sinasabi nilang true love na yan. Ako kasi, wala pa nyan, kahit first love, tignan mo, tignan mo. Unli?

Karamihan sa mga kabataan ngayon, as early as 10 nagkaka syota na sila. Diba?

Nakakainis.

Ang aga nilang magmahal. Ni hindi mo rin alam kung pag-ibig nga ba talaga yun or infatuation lang. Malay mo hindi sila magtagal diba?

Ako? Wala ako niyan. Weirdo ako. At least, yun ang sabi ng iba.

Di uso ang love love sakin. Crushes pwede pa, pero yang love na yan, wala. Zero. NSSB. No syota since birth.

Oh, and take note, I'm 19! Freaking 19! Mag dadalawang dekada na ako sa mundong ito at wala parin akong naging syota ni isa. Halos lahat ng kakilala kong classmates nung highschool at classmates ngayong college ay puro may syota at nagkasyota na.

Unfair ba?

Parang.

Ewan ko rin, minsan kasi ayaw ko yang love na yan, pero minsan gusto ko rin. Mahirap i-explain.

Try ko lang.

Ayaw ko kasi, alam mo yung, from your years and years of research, sa panonood mo ng tv, telenovela, romance movies, pocket books at pati sa internet, lahat yun, iba-iba ang pinagsasasabi.

Merong sawi, merong happy ending, merong namamatayan, meron sacrifices, merong hiwalayan, merong saktanan, merong nag ca-carnal knowledge (para mga sa hindi nakakaalam, ask google nalang), at meron ding iyakan, pati ako napapaiyak dahil sa sobrang intense ng sitwasyon.

Kasi nafefeel ko din kahit papaano ang pinapanood ko, ang mga nakikita ko sa kung saan saan, ang mga naririnig ko sa radyo at ang mga nababasa ko.

Nasa coffee shop lang ako ngayon, linggo eh sem-break din kasi, tapos malapit nang mag November 1, kelangan mag unwind habang bakasyon pa. Kasama ko yung bestfriend ko ngayon. Kinekwentohan ko lang sya ng experience ko, kasi hindi ko pa nakukwento sa kanya.

Some bestfriend right? Ang hirap din kasi eh. Anyway.

Naguguluhan ako, kasi ang daming involved na feelings, at mas maraming nasasaktan kaya parang ayaw ko na. Minsan pa nga'y nagiging bitter ako, yung tipong pag may dadaan na magjowang mga nasa "teens" ang age bracket I'll make this weird face of disapproval sa kanila.

Judgemental na ang dating ko tuloy. Sorry na, medyo bitter, kahit hindi naman kagagaling ng break-up. (Noon)

Tapos makikita mo pa silang magkahawak ng kamay, HHWW pa sa mall ang trip, tapos sabay groufie.

Pwe!

Arte nyong dalawa, maghihiwalay din kayo!

"Bitter lang pre?" Sabi ni Peter.

Bitter talaga eh noh? Hindi ko pa kasi na e-experience ang nararamdaman nila kaya siguro ganito ako, kaya tuloy minsan gusto ko namang magkaroon ng kung anong meron sila.

Nagmamahalan.

"Kala ko ba hindi ka magsasalita?" Tinaasan ko sya ng kilay.

"Okay, sige" Tinaas naman niya yung mga kamay niya as a sign of defeat. Good dog.

Alam mo yung feeling na yung parehas kayong masaya, yung parehas kayong natutuwa sa isa't isa, yung parehas kayong nagpapakilig ng isa't isa, yung mga ganun.

Usapang Umibig Na (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon