Beenie
May 2014
Hindi ako proud na sabihing, tinatakasan ko lang ang problema ko.
Kahit hindi naman talaga, pero parang ganun na rin kasi ang eksena ko. Ayoko na kasing masaktan. Nakakasawa na. Bawat gabi umiiyak ako, bawat umaga nalulungkot ako, kulang nalang bangungutin ako ng kaluluwa niya nang matapos na ang paghihirap ko.
Sobrang miss ko na siya.
Mula Baguio papuntang Quezon City. Bumiyahe ako para makaalis. Masaya? Dati oo, masaya ako dati, kaso ngayon.
Kabaligtaran na.
Mas lalo kong naramdaman ang kalungkutan. Pero mas lalo ko siyang maaalala kapag nanatili pa ako sa Baguio, buti nalang nandito yung tito ko sa side ni mama sa Q.C., mas close ko kasi si tito Arvin kesa sa iba kong mga tito at tita.
Mas mabuti narin sigurong nandito nalang ako kaysa tumunganga ako doon sa Baguio.
Kaya buti nalang din at may titirhan ako dito kahit panandalian lamang. Napatigil din ata ako sa pag-aaral ng halos isang taon sa kakahintay, sa pagbabantay, sa pag-aalala, at sa pagluluksa sa isang taong mahal na mahal ko ng buong puso.
Para lang sa kanya. Ginawa ko ang lahat ng yun para lang sa kanya. Dahil mahal na mahal ko siya. Dahil siya ang iniibig ko, siya ang tinitibok ng puso ko, siya ang mundo ko, at dahil siya ang first love ko.
Sabi nila pinaka memorable daw yung mga first love. Totoo nga. Kulang ako sa paghahanda, kulang ako sa preparasyon, para sa mga future events na alam kong mangyayari. Kaya siguro ganito kasakit ang nararamdaman ko ngayon.
Ang eksena namin dati ay parang kay Jamich na nababalitaan ko ngayong mga nakaraang linggo.
May cancer daw si Jam. Nakakalungkot. Nakikita ko si Mark sa kaniya. Sweet, thoughtful, caring, mabait, everything.
Parang si Mark ko lang si Jam. Pati sakit ata ginaya niya eh. Parehas ata sila ng type ng cancer ni Jam. Lung cancer kasi yung kay Mark. Wala lang, na connect ko lang.
"Beenie, gutom ka na ba? May adobo pa jan oh"
"Sige po tito A, kakaen nalang ako, ako narin po maghuhugas"
"Oh sige, wag magpuyat ah, mag e-entrance ka pa bukas"
"Opo"
Oo nga pala, mag e-enrol na ako. After almost a year, mag aaral na muli ako, si tito na namili ng papasukan ko, graduate din sya dito at mukhang okay naman ang buhay niya kaya doon nalang din ako pinasok. May kotse, 2 storey house, garahe, at nasa subdivision kami. Hindi ko nga alam kung ano ang tawag sa subdivision namin eh.
Halos araw araw ko siyang iniisip. Ay hindi pala. Araw araw ko siyang iniisip. Ganito talaga pag mahal mo ang isang tao. Ganito din pala pag hindi ka maka move-on. Mahirap.
Ayaw ko siyang kalimutan kasi mahal ko siya, pero gusto ko siyang kalimutan kasi nasasaktan parin ako. Hanggang gayon. Masakit parin. Nagpapakatatag nalang ako sa mga tao sa paligid ko these past few months. Pero mahirap lokohin ang sarili mo.
Hindi ko na rin alam ang gagawin ko. Nag se-search nalang ako ng mga blogs at quotes tungkol sa "moving on".
At eto ang pinaka best na nakita ko. "Moving on is not about forgetting them, moving on is about accepting the fact that they're not in your life anymore".
May point naman yung sumulat. But it's easier said than done.
Alam mo yung bawat oras na, parang tinutusok ka ng karayum, maliit lang ito, pero napakasakit, lalo na kapag binaon ito at sobrang dami at sabay sabay.
BINABASA MO ANG
Usapang Umibig Na (Completed)
RomanceSabi nila true love never dies. Sabi nila first love doesn't always work out. Sabi nila pagsubok ang pagmamahal, at sabi nila sugal ang pag-ibig. Ano nga ba talaga ang totoo? Kwento ito ng apat na tao, na nakipagsapalaran sa pagibig, na natutuong m...