Jonard
June 2014
Kung mayroon man akong alam na kasabihan tungkol sa pagibig, yun ay ito ay isang sugal.
Lahat dapat itaya mo, lahat ibigay mo, pagkatapos nun, hintayin mong mag play out ang laro, fifty fifty kasi kung maibabalik pa sayo ang itinaya mo plus yung panalo mo or ikatalo mo lahat pati ang pinangsugal mo.
Lahat itataya mo para sa pag-ibig. Ang pag-ibig kasi ang isang emosyon na punung puno ng kaguluhan sa buong mundo, lahat ng tao mararamdaman ito, lahat pinagkakaguluhan 'to, lahat ng klase ng tao, mararanasan ito, mayroon ding mga taong gagawin ang lahat makuha lamang ito.
Kahit special child. Kahit isang taong may sakit. Kahit may kulang ka pa na major or minor organ, kahit na may nawawala man sayo physically, basta, lahat ng klase ng tao, mapagdadaanan nila ito, in one way or another. May paraan yan si tadhana. Dahil nakatadhana na ito, matagal na.
Monghe lang dre? Hindi no. Napansin ko lang yun.
Kadalasan pa, hindi mo mapapansin na tinuturo ka na pala doon ni tadhana. Malalaman mo nalang pag nandiyan na siya. Within your radar, within arms length, within your reach and in front of you.
Nasa coffee shop ulit ako, kung saan ko unang nakilala si Beenie, ang babaeng tinitibok ng puso ko. Alam kong wala ako sa lugar na makialam sa sitwasyon niya noon pero, hindi ko natiis, ang lungkot niya tignan, para siyang wasak na wasak, kaya napagpasyahan kong tulungan siya hanggang sa makakaya ko, umaangat parin ang kagandahan niya kahit ganoon ang estado ng kaniyang kalagayan eh, kailangan mo lang talagang huminto at pansinin siya. Madali namang makita eh, halata kasi.
Maganda siya oo. That's that.
Wala akong magawa today, walang pasok, walang assignments, no nothing, wala. Kaya ako napadpad dito sa coffee shop. Nagpapalipas lang ng oras. Nagbabakasakali na baka magbago na ang tingin ni Beenie sakin. Na nakamove on na siya, na nakalimutan na niya yung dati niya, na kaya na niya muling magmahal.
Ako nama'y handang maghintay, ngunit kinukuha ko agad ang oportunidad kapag nandiyan na sa harapan ko.
Sa bawat oras na lumilipas, sa upuan na inupuan namin dati, nakatingin lamang ako sa tinititigan niya nung una ko siyang makita, nakatingin sa kalsada. Nagtaka ako noon kung ano ang tinitignan niya, kaya nung bumalik ako kinabukasan, dito rin sa parehas na puwesto, sa parehas na upuan, at sa parehas na table, nalaman ko kung ano yung tinitignan niya.
Tinitignan niya mismo yung kalsada, yung mga kotseng dumaraan dito, yung mga lumiliko, at dumederetso, pati narin ang mga taong naglalakad, at tumatawid. Nakakaaliw nga naman ang mga taong naglalakad, ang mga sasakyang dumadaan, nakakawala ng stress. Relaxing siya kumbaga. Laging mayroong bago. Life goes on.
"Tapos dun napunta! ay!" Sabi nung babae sa likod ko, biglang may lumanding na bracelet sa hita ko.
Red beads siya na may shape ng sea shells, simple lang, at maganda tignan.
Sa kaniya siguro.
Kinuha ko at pinakita ko sa kaniya. "Miss, sa inyo po ba to?"
"Ay oo, nako iho salamat" Binigay ko na sa kaniya yung bracelet niya.
"Sige po" Sabi ko.
Ibabalik ko na sana ang tingin ko sa street na kung saan nawawala ang aking sarili, ngunit napatingin ako sa isang familiar na babae, nakatayo malapit sa entrance ng shop, nakayuko, natatabunan ng buhok yung mukha niya, may hinahalungkat sa bag niya na nakapatong sa table. Familiar yung buhok eh. Plus yung height.
Hindi ko alam kung tadhana ang naglalapit sa aming dalawa pero, andito na eh. Papalampasin ko pa ba? Siguro dapat ko nang isugal to, habang may oportunidad pa.
BINABASA MO ANG
Usapang Umibig Na (Completed)
RomanceSabi nila true love never dies. Sabi nila first love doesn't always work out. Sabi nila pagsubok ang pagmamahal, at sabi nila sugal ang pag-ibig. Ano nga ba talaga ang totoo? Kwento ito ng apat na tao, na nakipagsapalaran sa pagibig, na natutuong m...