"Waaaaah! OMG, ang gwapo talaga ni Light!"
"Hulog talaga siya ng langit sa University na ito"
"Siya ang dahilan kung bakit ako pumapasok eh"
"LIGHT! ANAKAN MO AKO!"
Oh sandali! Baka isipin niyo, Meteor Garden ito o kaya Boys over Flower o baka naman Hana Yori Dango? Pwes, uunahan ko na kayo! Malayong malayo ang kwneto ko sa mga asian drama na yan. Nagkataon lang na ganyan sila tuwing papasok o uuwi ako galing Campus. Hindi ko nga din alam kung bakit ganyan sila eh? Parang ngayon lang nakakita ng lalaking may itsura! Pero nakasanayan ko na rin dahil sa halos tatlong taon ko sa Dale University, ganito na lang ang laging eksena.
"Iba talaga yung charisma mo, Light? Akalain mo, pati yung iba nating mga professor nakikisali sa mga babae at binabae na salubungin ka pauwi." - Daisuke
"Hindi lang mga professor natin, Yuke ang nakikisali. Tignan mo si Dean sa may office niya, akala mo kung sinong maskuladong fit na fit ang damit habang nagda-dumbbell pero kung tinitigan si Light mula ulo hanggang bay@g" - Yuan
BUUUUUUUUUUURN" - Daisuke and Yuan
"Magtigil na nga kayong dalawa! May makarinig pa sa inyo, madamay pa ako eh. Lalo ka na, Yuan! Yang bunganga mo kung makaputak parang tayo lang ang tao sa campus!"
"Bakit? totoo naman ang sinabi ko ah! Hindi lang mula ulo hanggang bayag! dahil pag kalagpas natin ng office niya, kung pagpawisan akala mo dahil sa binubuhat niyang dumbel pero yung totoo dahil sa matamnbok mo puwetan" - Yuan
Halos tatlong taon na, simula nang lumipat ako sa lugar na ito galing probinsya para mag aral ng college. Pero hindi ko inaasahan na ganito ang mangyayari sa akin pagdating ko dito sa Dale University. Sa simula, nakakatuwa pa dahil kahit papaano may mga taong nakaka-appreciate sa akin. Pero nung tumagal na, hindi na nakakatuwa kundi nakakainis na tapos dadagdagan pa ng dalawang pasaway na kaibigan. Tapos na talaga ang laban!
Liwanag Lagdameo ang tunay kong pangalan pero mas gusto kong tinatawag na Light dahil sino ba naman kasing magulang ang magpapangalan sa anak nilang liwanag dahil lang may nakita silang liwanag nung una silang nagkita. What a great love story, di ba?! Dinamay pa nila ang anak nila, sa liwanag!
Maraming nagsasabi na suplado daw ako at mayabang dahil hindi ko sila pinapansin o niningitian. Una sa lahat, nag aral ako sa Campus na ito hindi para makipag ngitian kundi para matuto kaya wag na wag na nilang asahan na papansinin ko sila. Tanging sina Daisuke at Yuan lang ang pinapansin at kinakausap ko sa Campus dahil simula nung lumipat ako dito sa Dale University sila yung una kong mga naging kaibigan at sila rin yung tumulong sa akin na mag-adjust sa lugar na ito.
Hindi lang yun, nagkataon din na halos magkakalapit lang kami ng bahay kaya mas naging close kami kahit maiingay at magugulo sila.And speaking of bahay, bakit parang bukas lahat ng ilaw ng bahay ko? Pati yung gate, bukas! Sa pagkakaalam ko, sinarado ko ang gate at pinto ng bahay. Tsaka maliban sa akin, sina Daisuke at Yuan lang naman ang nakakapasok ng bahay ko. Eh may pinuntahan yung dalawang kumag na yun eh. So, sino ang nasa loob ng bahay ko?
Dali dali akong pumasok ng bahay para malaman kung pinasok ba ako ng magnanakaw pero pagpasok ko, maayos naman ang lahat ng gamit maliban lang sa dalawang maleta na nasa gilid ng lamesa. Hindi pa rin ako napanatag kaya dahan dahan akong naglakad hanggang sa makarating ako sa may kusina. Pagkarating ko roon, nanglaki ang mga mata ko sa aking nakita, literal na nanglaki! Dahil may isang lalaking lumabas ng aking banyo na hubo't hubad, wala kahit anong suot na damit.
"ANONG GINAGAWA MO SA BAHAY KO?!"
"HA? BAHAY MO? EH BAHAY NAMIN ITO EH!"
"Paanong naging bahay niyo ang bahay ko?!"
_End of Introduction_
*Author's Note...
Pagpasensyahan niyo na kung ganyan ang introduction ko ah, 7 years na kasing lumipas nung huli akong nagsulat dito sa wattpad pero sa magustuhan niyo pa rin... Love you all!
YOU ARE READING
Sky and Light
RomantikSi Light ay isang Tahimik at Supladong Crush ng Buong Campus, makikilala niya si Sky na isang Cute at Pasaway na Transferee sa kanilang University... Unang kita pa lang ni Light kay Sky ay naiirit na siya dito pero paano kung ang taong kinaiinisan...