Chapter 5: Sorry we're just friends

10 2 0
                                    

Nang sumunod na araw, gumising ako ng maaga para iligpit ang mga basura sa apartment ko, para makuha ito ng garbage collectors pagdating nila. Habang nagliligpit nang mga basura may biglang tumawag sa akin sa cellphone ko...

*Calling ringtone*

"Sino na naman kaya ang tumatawag sa phone ko, ang aga pa ah..." Sabi ko

Kinuha ko ang aking cellphone para sagutin ang tawag, pero nagulat ako nang makita kung sino ang tumatawag...

"Uyyyy... Si Light??? Hayyyy... ano na naman kaya ang sasabihin niya" Sabi ko

"Hello, bat ka napatawag? may kailangan ka ba??" Sabi ko

"Nasaan ka ngayon?" Tanong ni Light

"Uhmmm.... palabas na nang apartment para magtapon ng mga basura, bakit?" Sabi ko

"Nandito na ako" Sabi ni Light

"Huh?! Nandito? Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko

"Nandito sa labas ng apartment mo" sagot niya

"Huh?! Sa labas" Sabi ko

Nagulat ako nang makita ko si Light sa labas ng apartment ko at naghihintay.

"Anong ginagawa mo dito, ang aga pa ah?" Tanong ko

"Nakalimutan mo na ba?" Tanong niya

"Na?..." Tanong ko

"Na tutulungan mo ako sa pagremodel ng kwarto ko sa bahay" supladong sagot niya

"Ahhhh, Oo nga pala, hehe sorry nakalimutan ko" Sabi ko

"Tsss" Sabi ni Light

"Sige maliligo lang ako, wait lang, okayy" Sabi ko

"Okay, hihintay nalang kita dito labas" Sabi niya

"Sure ka? Medyo umiinit na ang sikat nang araw, pumasok ka nalang muna sa apartment ko, doon ka nalang maghintay" Sabi ko

"Sige" sagot niya

Pagkapasok namin sa loob ng apartment ko...

"Sorry maliit lang kasi ang apartment ko, pero di naman dito mainit" Sabi ko

"Okay lang" Sabi niya

"Ah sige, umupo ka na muna diyan sa couch habang naghihintay sa akin maliligo lang ako, kapag nauhaw ka naman kumuha ka na lang diyan nang maiinom mo sa ref" Sabi ko

"Okay, sige maligo kana" Sabi niya habang tinitignan ang apartment ko

Nagdali dali akong pumunta sa banyo para maligo, para hindi maghintay nang matagal si Light, pero pagkatapos kong maligo, naalala ko na wala pala akong dalang towel at underwear sa sobrang pagmamadali na makaligo...

"Shett, yung towel ko... nakalimutan kong kunin sa Kama, haysttt ano bayan..." Sabi ko

Dahil sa di ako makalabas ng banyo para kunin ang towel, sinabihan ko si Light na kunin ito para saakin.

"Uhmmm, Light?!" Sabi ko

"Hmmmm..." sagot niya

"Pwede bang humingi ng pabor sa'yo?" Tanong ko

"Ano 'yon?" Sagot niya

"Pwede mo bang kunin ang towel ko sa Kama, nakalimutan ko kasi e, hehe?" Nahihiya kong tanong

"Ahhh, okay... " at kinuha ni Light ang towel ko sa kama

"Here" Sabi niya sabay abot ng towel sa akin

"Thank you talaga" Sabi ko

"Sure, no worries" sagot niya

'ahhhhh, p*ta nakakahiya' Sabi ko sa isip ko

REMEMBERWhere stories live. Discover now