Chapter 6: I'm jealous

9 1 0
                                    

Matapos kaming magusap ni Light, di na siya nagpaparamdam sa akin, kahit isang text wala akong natanggap galing sa kanya, kaya di maalis sa isip ko ang nangyari...

'Hmmmm... tama ba ang ginawa ko?'

'okay lang kaya siya'

'nasaktan ba siya nang sobra sa mga sinabi ko kagabi?'

'should I text him?'

'Kamustahin ko kaya si light'

'arggghhhhhh, ano ba 'yan... Naguguilty ako tuloy, tssss kakainis'

Kaya para di ko na maisip ang nangyari, ibinuhos ko nalang ang oras ko sa paggawa nang flyers nang bagong coffe bean product ni boss na ipapamigay namin sa labas ng cafe.

Sa sumunod na araw, gumising ako nang maaga at pumunta sa cafe para maasikaso ang mga kakailanganin sa shooting nang video AD ng products ni boss.

"Yo Ehm, morning" Sabi ni Kyle pagkapasok niya ng cafe

"Morning" Sabi ko

"Ang aga mo naman pumasok Ehm" Sabi ni Kian

"Oo nga... bat ang aga mo naman ngayon?" Tanong ni Kyle

"Hehe, marami kasing kailangang asikasuhin para sa shooting ng video AD, kaya inagahan ko talaga para walang maging problema sina boss" sabi ko

"Ahhhhh kaya pala, nanjan naba si boss?" Tanong ni Kyle

"Oo, nasa office niya kasama yung kinuha niyang video editor at camera man na tutulong sa atin sa shooting"

"Ganun ba... Ano nga pala ang maitutulong namin?" Tanong ni Kyle

"Uhmmmm... paki handa naman ng mga produktong kakailanganin natin sa shooting" Sabi ko kay Kyle

"Sige sige" sagot ni Kyle

"At eto pala Kian, tulungan mo akong mamigay ng fylers mamaya sa labas ng cafe." Sabi ko

"Okay, maglilinis na muna ako ng mga mesa at upuan, tutulungan na lang kita mamaya" Sabi ni Kian

"Sige sige thank you" Sabi ko

"Ehm..." Tinawag ako ni boss

"Bakit po boss?" Tanong ko

"Please make sure na everything is ready pagdating ni Light, okaayyy" Sabi ni boss

"Okay boss, ihahanda na po namin ang mga kakailanganin ni Light sa shooting" Sabi ko

"And, pakicontact pala si Light, tanungin mo if parating na siya" Sabi ni boss

"Ah sige boss itetext ko siya" Sabi ko

Habang tinitext ko si Light, medyo na o-awkward lang ako, kasi di ko alam kung paano ko siya iitext pagkatapos ng nangyari sa aming dalawa noong sabado. Kaya naglakad lakad ako sa labas ng cafe para makapagisip ng itetext sa kanya.

........................................................................

*Light*

*asan ka na?...Papunta ka naba?*

........................................................................

Pagkatapos kong itext si Light, tinulungan ko sina boss na ayusin ang cafe para sa shooting ng video AD namin, habang nagaarange ng mga gamit, chinecheck ko din from time to time kung nagreply na ba si Light sa text ko... Pero ni isang reply wala akong natanggap.

"Ehm, so nasaan na si Light, papunta na ba siya dito?" Tanong ni boss

"Uhmmm, di pa po kasi siya nagrereply sa text ko boss" sagot ko

REMEMBERWhere stories live. Discover now