~~
Aubrey Madison Clarke
Unti-unti kong tinatahak ang maingay, mausok, at magulong lugar na ito. Kung bakit? Ay sa kadahilanan na may kung anong tsimis ang kumakalat sa aking paligid na nagsasabing niloloko lang ako ng fiance ko.
Ayan na, unti-unti ko ng naaamoy ang hindi kaaya-ayang mga amoy dito sa bar na ito. Sana mali sila, sana wala siya, sana hindi kita makita dito na may kung anong milagrong ginagawa kasama ang ibang babae dahil sinisigurado ko sa iyo Ethan Grey na hinding-hindi kita mapapatawad.
Nangatog ang tuhod ko ng sa 'di kalayuan ay nakita ko ang pigura nito. At... hindi! Guni-guni ko lang ito. Isa lang itong masamang panaginip. Hindi ito totoo! Lumapit ako para masiguro na hindi siya 'yon.
Ilang hakbang na lang at makikita ko na ang sagot sa mga tanong sa utak ko. Ikinalma ko muna ang sarili ko dahil nagha-hyperventilate na ako sa sobrang kaba. Hahakbang na sana ako ng bigla itong lumingon at....
"A-Aubrey?" nauutal niyang binanggit ang pangalan ko kasabay ng paglaki ng kanyang mga mata
Nagulat ako. Ah mali, nagulantang ako! May kung anong kapiraso sa puso ko ang nawawasak. Hindi ko na ito pinansin. Nilapitan niya ako.
"A-Aubrey, baby, b-bakit p-paano ka napunta dito?" tanong niya ng may halong pagkagulat
"Who are you ba? You're so pampam naman! Can't you see we're having fun here, then you make harang-harang to our daan." sabat naman ng malanding babae sa harapan ko
'"You shut your mouth!" pagsuway ng walang kwenta kong fiance
"Why ba? Eh---"
"Just SHUT your fcking mouth!" pagputol niya sa sasabihin nung babaeng haliparot
Hawak pa din siya ng babaeng kalampungan niya kanina. Hinihila siya nito. Malandi. Ang lapit niya sa akin, gustong-gusto ko siyang suntukin, ipakain sa buwaya, ipalunok sa dinosaur, ipalapa sa tigre, ibitin pabaliktad sa isang dagat na napalilibutan ng maraming pating, tadtarin ng pinung-pino, at kung anu-ano pa na mga brutal na pwedeng gawin sa tulad niyang walang hiya!
"So-sorry baby.. No, no baby don't cry" pagpapaamo nito sa akin pero hindi ko pinapansin, hindi ko rin namalayan na tumutulo na pala ang luha ko
**PAAAAAK!**
Hindi ko na napigil ang sarili ko at nasampal ko na siya ng sobrang lakas. Mahal kita Ethan pero nagawa mo akong lokohin.
**PAAAAAK!**
Isa pang malutong na sampal ang pinakawalan ko naman sa malanding babae na nasa harapan ko na kanina lang ay grabe kung makadikit at makipaglampungan sa fiance ko.
"Ouchy! How dare you sampal-sampal my beautiful face?!" reklamo niya pero 'di ko siya pinansin, sa halip pinandilatan ko pa ng mata
I was not like this until then. Hindi ako 'yong tipo ng tao na kapag galit ay nakakasakit na physically, because I don't want them to suffer in my own hands. Pero sa puntong ito, hindi ko kinaya. Nagpatianod ako sa galit na nararamdaman ko.
"B*llshit Ethan! How dare you do this to me? Did I do something wrong? Did I annoyed you or anything? I never betray you and I never will Ethan. You shoud've at least know that! For pete's sake!" hindi ko na kaya 'to. Pakiramdam ko talaga eh mawawalan ako ng malay ng wala sa oras dito, but hell no Aubrey! Don't you even dare.
"Ano Ethan? May pagkukulang ba ako sa'yo? Hindi ba ako sapat para sa'yo? Am I not a good kisser? Damn you idiot!" this is not totally me. Hinayaan niya akong magsalita ng magsalita dahil alam niya sa sarili niya na nagkamali siya. You're an asshole Ethan.
"And for you, yeah you bitchy flirt woman! How dare you? How dare you kiss MY FIANCE? Ay mali, let me re-phrase my last line, MY EX-FIANCE. Ha! Whatever it is, well now I don't fcking care. Magsama kayong dalawa. Go to hell!" I shouted to them then I ran outside that bar
"AUBREY MADISON CLARKE! Wait for me, let me explain first!"
I heard him shout, but I don't have the guts to look back.
I ran as fast as I can. I didn't let him to catch me. Magsama sila ng babae niya. Kaka-propose pa lang niya sa akin kahapon para magpakasal, now what? Tss. Hindi ko na alam kung saan ako dinadala ng mga paa ko, basta ang alam ko malayo sa taong mahal ko, malayo sa taong 'yon na niloko lang ako.
Tumigil ako sandali. Kinuha ko ang cellphone ko at nagpabook ako ng flight papuntang America, kung nasaan si Mama. Doon na muna siguro ako magpapalipas ng galit ko sa walang kwentang 'yon. Ikukwento ko sa kanya ang lahat ng mga nalaman ko sa lalaking iyon kahit na botong-boto si Mama kay Ethan.
Hindi ko na alam kung saan ako pupunta. Tinawagan ko ang mga kaibigan ko. Sinabi kong mag-celebrate kami para sa isang espesyal na okasyon. Espesyal dahil ise-celebrate namin ang break up na naganap sa amin ng fiance ko. Paniguradong tatadtarin nila ako ng mga sermon at tanong nila dahil sa kagagahan ko. Tss.
Ilang sandali pa nagsidatingan na ang mga babaita bukod sa wala naman silang ginagawa, eh masyado silang excited sa pagtadtad ng sermon at tanong sa akin.
"O, ano natauhan ka na ba?" tanong ni Julie na bestfriend ko since college
"Sabi naman kasi namin sa'yo 'di ba na may ibang babae 'yang g*gong 'yon! Hindi ka kasi nakikinig" pangaral nila sakin
"Uwaaa! Uwaaa! H-hindi ko naman k-kasi alam na magagawa niya sakin 'yon eh. K-kasi.. ang s-sabi niya mahal niya ko" nauutal na ako, bibigay na naman ako nito ano mang oras
Kitang-kita mo sa mga mata nila na super concern sila sa'kin. Masyado daw kasi akong martyr. Ewan ko, mahal ko 'yung tao eh.
Dapat ko ba diktahan ang puso ko kung sino ang dapat mahalin nito?
"Shhh... shhh... tahan na. Hindi mo kasalanan 'yon. Ayaw ka lang naman namin masaktan kaya namin 'yon nasabi eh" pinapatahan na ko ng bestfriend ko, kaya mahal na mahal ko 'tong babaeng 'to eh kasi nandyan siya kahit na anong mangyari sa akin, maganda man o masama.
"Mag-party party na nga tayo! Wohooo! Party! Party!" sigaw ng isa naming kaibigan para kumalma na ang atmosphere sa paligid at matigil na ang pagda-drama ko
After ng madrama naming tagpo ay napagpasyahan na namin na dumiretso sa loob ng isang bar. Doon ko ilalabas lahat ng sama ng loob ko kay Ethan.
"YEAH! WOHOOO! PARTY! PARTY! DAMN YOU ETHAN!" wala na ako sa sarili ko dahil nakarami na ako ng shot
"GO TO HELL WITH YOUR B*TCHY GIRL! MAGSAMA KAYO!" sigaw ko habang nagsasasayaw
Pinagtitinginan na ako dito ng mga tao, pero wala akong pakialam sa kanila dahil broken-hearted ako! Kaya 'wag na 'wag silang makikialam.
Medyo sumasakit na ang ulo ko ah. Darn it!
"Huy Aubrey! Okay ka pa? Nakadami ka na" 'yon na 'yung huli kong narinig sa kanila dahil nawalan na ako ng ulirat.
~
**Kriiing** **Kriiiing**
"Ugh! Ang sakit ng ulo ko! Wala akong maalala sa nangyari kagabi." bulong ko sa sarili ko ng tumunog ang alarm ko, sino ba nag-alarm ng pagka-aga-aga?
"Nandito na pala ko sa amin. Sino kayang naghatid sa akin?"
"Teka anong oras na ba?" sabay tinignan ko ang cellphone ko at OH NO! Late na ako sa flight ko papuntang America. Sht!
Dali-dali akong bumangon at nagdala ng iilang gamit ko. At dumiretso na ako sa airport para magpabook ulit ng panibagong flight kasi paniguradong naiwanan na ako.
Anong gagawin ko do'n?
Hindi ko alam.
Hindi ko pa alam.
Patatawarin ko ba siya?
Bibigyan ng isa pang pagkakataon?
Magiging okay ulit kami at kakalimutan ang mga nangyari sa bar?
Magsisimula ng panibagong yugto ng buhay namin?
BINABASA MO ANG
Love at First Flight (On-Hold)
Teen FictionNa-Love at First Sight ka na ba? Eh Love at First Flight? Siguro hindi pa 'no? Read this story para malaman mo kung paano ma-Love at First Flight. :)