Flight 3

135 2 0
                                    

~~

Aubrey Madison Clarke

Oh gulay! Wala na hindi na talaga ako abot sa flight! Sayang lang 'yung pina-book ko. Pero bibilisan ko na lang para hindi ako abutan ng traffic. Monday pa naman ngayon at paniguradong ma-traffic.

**Kriiiing!**

**Kriiiing!**

"Ay tumalon!" gulat na banggit ko dahil may tumatawag sa cellphone ko

Si Julie lang pala, akala ko kung sino na. Kung sino na? Okay fine! I admit it, akala ko si Ethan 'yung tumatawag. Akala ko tatawag siya para sabihin na "Aubrey, please 'wag kang umalis. 'Wag mo 'kong iwan dito, let me explain first" pero asa ka pa Aubrey! Ni hindi nga alam ng tao na aalis ka 'di ba?

**Kriiiing!**

"Ay ano ba!" Nagtinginan tuloy 'yung ibang tao na malapit sa'kin dahil sa reaksyon ko. Psh. Bigla ko naman naalala na may tumatawag nga pala. Sinagot ko na 'yung cellphone ko at paniguradong nag-aalburoto na itong si Julie

"Hello Julie?"

"A-Aubrey! A-ano eh.. kasi" utal utal niyang sabi. Ano kayang problema nito?

"Huy! Bakit? May problema ka ba??" mahinahon kong tanong kay Julie

"Ano.. si..ano.. kasi.. ano..."

"Julie pwede ba? I don't have time for your jokes or pranks. Kung sasabihin mo lang na nami-miss mo ako, madali lang naman sabihin eh" inis na sabi ko sa kanya, hindi na kasi nakakatuwa 'yung pag 'Ano.. kasi.. si ..ano' niya eh

"Hindi! Kasi.. si Ethan.. hinahanap ka niya sakin!" dahan-dahan niyang sinabi ang mga 'yon kaya naman ako ay natulala

"Huy! Bruha? Ano nandiyan ka pa ba? Humihinga ka pa ba?" dagdag pa nito

"Sige bye na Julie. 'Wag na 'wag mong sasabihin sa g*gong 'yan kung nasaan ako! I'll miss you best. Mwaah!" paalam ko sabay baba ng telepono. Ayoko muna siyang kausapin. Hindi ngayon. Hindi pa ako handa na kausapin siya. Alam ko naman na hindi ang pagtakbo ang solusyon sa problema kong ito eh. Pero paano ko siya haharapin? Baka mamaya eh bumigay na naman ako at maniwala sa mga palusot niya.

"Haay! Sabi ko na nga ba eh. Late na ako sa flight ko." bulong ko sa sarili ko, syempre hindi ko pwede lakasan, pagkamalan pa ako na baliw eh.

Dali-dali ako pumunta sa bilihan ng ticket. At naupo sa mga bleachers na inilaan para sa mga pasahero.

"Mom?" pambungad ko kay Mommy ng sagutin niya ang tawag ko

"Oh yes sweetheart? Bakit ka napatawag?" mahahalata mo ang lambing sa tono ng pananalita ni Mommy

"Ah ano Mom, I'm going there" tanging naisagot ko sa tanong niya

"Saan sweetie? Dito ba sa America?"

"Yes Mom. I have a lot of things to tell you. Lalong-lalo na tungkol kay Ethan" kumukulo ang dugo ko sa tuwing babanggitin ko ang pangalan niya, pero syempre may halo pa rin itong pagkalungkot dahil sa nangyari

"What about it? Nag-away ba kayo ni Ethan?"

"Ahm, sasabihin ko na lang sayo Mom kapag nandiyan na ako. Bye. Loveyou"

"Ah okay sweetie. Take care. Loveyoutoo." then I hang up my phone. I call her through skype kasi masyadong mahal kung tatawag ako sa kanya kust through load 'di ba? Eh roaming number pa naman 'yon.

Oh geez! Sobrang tagal ng hihintayin ko dito. Deym! Hindi bale na basta makalayo ako dito. Lalo na sa kanya. 

Love at First Flight (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon