SIMULA

294 134 35
                                    

NAGISING ako sa ingay na nangyayari sa palagid ko. Kainis, napakaingay alam naman nilang may natutulog na tao.

Sinubukan kong takpan ng kamay ang dalawa kong tenga pero rinig ko pa rin ang wang wang galing sa kotse ng mga pulis mula sa malayo. Rinig ko rin ang mga ingay na ginagawa sa paligid. 'Yung ingay ng kotse at 'yung mga boses na nag-uusap.

Tangina, anong oras na. Wala ba silang balak magpatulog?

Sa sobrang inis ko ay napaupo ako sa malamig na semento habang kinakamot ang ulo ko.

Hindi ko na kinaya yung ingay kaya sumigaw na ako. "Tangina ano, hindi ba kayo magpapatulog?!"

Biglang nanahimik ang paligid pero rinig ko parin yung ingay ng police cars mula sa malayo.

Rinig ko pa rin ang sagutan ng mga tao sa harap ko kaya naiiritang lumingon naman ako sa pinanggagalingan ng ingay at dun nalang ang panlalamig ng katawan ko ng makita ko sila.

May hawak silang isang katawan at lahat sila ay may hawak na baril. Nabitawan nila ang hawak nilang katawan at tumuon ang atensyon sa akin.

Tinutukan nila ako ng baril at nung kumilos ako ay bigla nilang kinalabit ang gantilyo.

Laki ng pasasalamat ko dahil madilim ang paligid at nasa harap ko lang ang isang poste kaya hindi ako natamaan ng bala.

Dali-dali akong tumakbo papalayo habang hinahabol nila ako. Tumakbo ako ng mabilis at tumago sa likod ng malaking basurahan. Wala na akong pakialam kung magkasugat ako dahil sa pagkadapa mailigtas ko lang ang buhay ko.

Rinig na rinig ko ang tibok ng puso ko at ang yabag na gawa nila dahil biglang tumahimik ang paligid. Napakapit ako ng mahigpit sa damit na suot ko habang tahimik na lumuluha.

Bago pa man sila makalapit ay narinig ko na ang sigaw ng isang pulis. "Taas ang kamay!"

Thank God at may rumorondang pulis.

Sumilip ako mula sa kinaroroonan ko at nakita ko ang limang pulis na nakatutok ang baril sa mga lalaki.

Unti-unti namang nagtaas ng kamay ang mga lalaki.

"Baba niyo ang baril niyo!" Sigaw ng pulis na nasa gitna.

Dahan-dahan namang nagbaba ng baril ang mga lalaki. Binitawan nito ang kanilang mga armas at unti-unting nagtaas muli ng kamay ngunit hindi nakaligtas sa paningin ko ang muling pagbunot ng baril ng lalaking nasa dulo at ipinutok sa mga pulis.

Kanya-kanyang hablot ng mga baril ang mga lalaki na nagsanhi ng ingay sa paligid. Ito rin ang dahilan ng palitan ng bala malapit sa kinaroroonan ko.

Bumalik ako sa pagsandal sa basurahan at humikbi ng tahimik upang hindi madamay sa patayan na nangyayari.

Tama na po, hindi ko na po kaya.

Munting bulong ko sa isip ko habang patuloy pa rin ang paghikbi at pagpikit ko dito sa gilid.

Nagitla at napadilat ako nang biglang may bumalagtang katawan sa harapan ko. Kahit madilim ay tiningan ko ang mukha niya.
May tattoo ito sa may bandang mata na isang dragon, singkit din ito kaya mabilis mong malalaman na chinese ito.

Nanginginig ako habang nagdarasal na sana ay matapos na ang lahat. Bumalik muli ang pakiramdam, yung takot at pangamba na bumalot sa akin noon ay bumabalik ngayon. Narinig ko pa ang takbuhan at habulan kahit sa malayo na nagsasabing may nakatakas sa mga lalaki samantalang namatay naman ang iba.

P-please, i-itigil niyo na po ito.

Mahinang dasal ko sa isip ko. Dumilat ako ng dahan-dahan nang biglang mawala ang tunog ng mga baril.
Bumilis ang paghinga ko nang narinig ko ang mga yabag ng paa sa paligid.

Nakayuko at patuloy ang pag-iyak ko ngunit natigil ito sandali nang may nakita akong isang pares ng combat boots sa harap ko.

Tiningala ko ang aking ulo at nakita ko isang lalaking nakauniporme ng pulis habang magulo ang buhok. Malaki rin ang pangangatawan at maayos ang kanyang tindig. Familiar ang mga ito.

Lumakas ang kabog ng dibdib ko nung lumuhod siya sa harap ko at kinuha ang kamay ko. Nanginginig na binawi ko ito ngunit pilit niyang kinukuha ito.

"Team! May civillian dito!" Sigaw niya sa mga kasama niya at maya-maya lang ay narinig ko na ang tunog ng ambulansya. Kahit ang boses niya ay pamilyar.

Kinabig naman niya ako at pinasandal sa kanyang dibdib at inakay papunta sa ambulansya. Napansin ko rin na mas dumami ang mga pulis sa paligid at mga SOCO na kinukuha ang ilan sa mga bangkay. Pati ang kanyang amoy ay pamilyar.

Nanginginig ako habang may maliit na hikbing maririnig hanggang sa makapunta kami sa may ambulansya kung saan inabutan ako ng isang tela panlaban sa lamig ng gabi.

"Hey, anong pangalan mo?" Tanong sa akin nung pulis na kasama ko.

Inangat ko ang tingin ko at dun ko lang napansin na kulay green ang kanyang mata. May matangos na ilong, perpektong panga at may mapupulang labi.

Natigilan siya ng makita ang mukha ko. Ako rin, hindi ko inaaasahan na sa ganitong sitwasyon ko siya makikitang muli. Kaya pala pamilyar ang kanyang tindig at amoy.

Zachary Alejandro

Hindi ko pa rin siya sinagot at nakipaglabanan ng titig sa kanya. May kung anong sumapi sa katawan ko dahil biglang nag-init ang aking pisngi nang nakita kong tumingin din siya pabalik sa mga mata ko.

I miss those green eyes and red lips that were used to be mine.

Isang tikhim ang nagpawi ng hipnotismo na siyang naging dahilan ng pag-iwas namin parehas.

"Okay, I will ask you again. What's your name and where do you live?" Malamig na tanong niya sa akin na parang hindi ako kilala. Na parang hindi niya ako nakasama.

Umiling lang ako sa kanya at nagsimula na namang tumulo ang mga luha ko.

Lumingon siya sa mga kapwa niya pulis at kinausap ang mga ito. "She looked traumatized by the incident so we will consider her as a Person Under Investigation. We still need her statement and for that, mananatili muna siya sa Department natin para sa imbestigasyon." Mahabang lintaya niya sa mga kasamahan niya.

Sabay-sabay naman ang pagtango ng mga ito ngunit wala sa kanya ang tingin kundi nasa akin. Alam ko ang tingin na binibigay nila sa akin kaya muli akong nangamba. Nakasuot lamang ako ng isang short shorts at isang malaking t-shirt na madumi. Mas hinapit ko papalapit sa akin ang tela na nakalagay sa balikat ko.

"Alvarez, ikaw muna ang magbantay sa kanya." Utos nito sa isang pulis nakatingin sa akin.

B-Bakit? A-Ayaw ko sa kanya.

Isang ngisi naman ang ibinigay nung Alvarez bago sumagot. "Yes, sir!" Sabay gala muli ng kanyang paningin sa aking katawan.

Tumiim ang bagang niya nung nakita kung paano ako pasadahan ng tingin ng lalaking pulis na kasama niya.

"On the other thought, ako na ang bahala sa kanya. Mas ligtas siya sa akin," aniya.

Nakita ko ang pagkadismaya nung Alvarez dahil sa sinabi ni Zach. "Capt. naman e, akala ko ba ako ng bahala?" Pangungulit niya.

Agad akong umiling, mas gugustuhin kong bumalik sa lansangan kaysa sa kanya ako mapunta.

Tumalim ang pagkakatitig sa kanya ni Zach ng makita ang pag-iling ko. "I know what's the best for her kaya sa poder ko siya mamamalagi. I know her better than you do," madiing sagot ni Zach.

Ngumisi naman 'yung isang pulis, halatang inaasar siya. "Capt., kilala mo ba 'yan?"

This time si Zach na ang ngumisi. "Yes, she was my girlfriend."

His Delicate TriggerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon