⚠️ATTENTION!⚠️ Plagiarism is a Crime
🤍🤍🤍🤍🤍🤍
His Home Her Shield
"Mother & Son"
🤍🤍🤍🤍🤍🤍
"NAY, hindi na ba talaga kayo titigil sa kaiiyak?" Naawang tanong ni Benjie sa kanyang ina. Ilang araw na rin itong umiiyak.
"Huy Benjie, ako nga ay tigilan mo!" Singhal ng nanay niyang sumisinghot pa rin.
"Nay naman, TV lang po yan pero kung makaatungal kayo para namang kayo ang namatayan ng asawa... ARAY!" Malakas na sigaw ni Benjie sabay himas ng ulo dahil sa lakas ng kutos na natanggap mula sa ina.
"Siraulo!" Singhal nitong na umisa pa ng hampas, nakaiwas nga lang si Benjie kaagad. "Kung ano-ano kasi yang pinagsasabi mo. Kung naririnig ka ng tatay mo ngayon, masahol pa sa kutos ang matitikman mo!" Natatawang singhal ni Nanay Selina sa kanya.
"Nay, di na po ako maririnig ni Tatay." Tatawa niya ring ganti. Ang sarap nilang pakinggan na mag-ina kung mag-asaran.
"Ah ganun?! Wala na pala ha! Multuhin ka sana ng tatay mo!" Nakanguso nitong sabi, malakas pa rin ang tinig nito.
"Nay naman." Mabilis na nilapitan ni Benjie ang ina para amuin. "Wala namang ganyanan. Alam n'yo namang takot ako sa tatay eh. Lalo na ngayong pwede na siyang magmulto." Umiiwas si Selina sa yapos ng anak ngunit mabilis ang kilos ni Benjie kaya naabot at nayapos pa siya ng anak. Mas mabuti na yung maagap na mayakap ang ina, mahirap na at baka mabutas na ang ulo niya sa kutos nito.
"Sira! Patay na ang tatay mo takot ka pa rin sa kanya?" Natatawa nitong sabi. Malambing namang sumagot si Benjie sa pang-iinis ng ina.
"Nay, hindi naman talaga ako takot kay tatay, nirerespesto ko lang po siya. Pero takot akong multuhin ni tatay dahil inaasar kita." Mas malakas na tawa ni Nanay Selina ang paumailanlang sa buong kabahayan.
"Mabuti at alam mo." Masaya namang saad ni Selina, naluluha-luha pa. "Dahil kung hindi, magsisindi ako ng kandila sa tatay mo at magsusumbong ako sa kanya at hihingiin ko sa kanya na multuhin ka niya." Patuloy nitong pang-aasar sa anak.
"Nay naman! Grabe ka sa akin." Natawa si Selina sa pagpadyak ng paa ng anak habang nagsasalita.
"Umayos ka nga, Benjie. Kalaki mong lalaki, takot ka sa multo?" Malakas ang tawang nitong sabi.
"Hindi ako takot sa multo, Nay. Kay tatay lang." Namumula ang mga pisngi nitong pag-amin. Talagang hindi napigil ni Selina ng tumawa ng mas malakas pa.
"Aba. Mukhang nagkakatuwaan kayong mag-ina ah." Sabay silang napalingon sa bagong dating.
"Hi, Tito Sirius." Bati ni Benjie sa tiyuhin. Kapatid ng tatay niya.
"Ano na naman ang ginagawa mo dito, Sirius? Bubwisitin mo naman ba ako katulad nitong pamangkin mo ?" Nakangiting bati ni Selina sa bayaw. Natigilan si Benjie sa nakitang tuwa sa mga mata ng ina.
"Nay, hindi na kayo nasanay kay Tito Sirius. Sabi nga ni Tatay nung nabubuhay pa siya, pangalan lang daw ni Tito ang serious at misyon na ni Tito Sirius sa durasyon ng kanyang buong buhay ang bwisitin ang araw mo simula pa nung mga bata pa kayo." Natatawang pag-alala ni Benjie sa kwento ng ama nung nabubuhay pa ito at umakbay sa sa tiyuhin.
"Dahil itong Tito Sirius mo, ayun kay Kuya Marcus, yan ang kursong kinuha nito sa kolehiyo." Susog naman isa pang bagong dating.
"Tita Lana!" Siya si Lulana, nakatatandang kapatid ng tatay ni Benjie.
BINABASA MO ANG
His Home Her Shield
Romance⚠️ATTENTION!⚠️ Plagiarism is a Crime She strongly dislikes holidays which reminds her of a painful past, she's numbing her heart He's a loving, caring and gentle soul there's no reason for his heart to feel this way, yet, his heart wanting a home. O...