Chapter 6

8 8 0
                                    

"Okay.You can take your break time now." sabi ng Teacher namin ng sa Science at saktong nag bell na


Maaga ako na pumasok ngayon para makwento kay Kianna yung plano.
Pumasok talaga ako ng maaga para may time na makipag chikahan HAHAHA


"Ready ka na mamaya?" tanong ni Kia habang nag liligpit ako ng gamit ko

"Oo naman,Excited na rin ako" sabi ko habang ngiting ngit pero sa totoo lang kapag naiisip ko na mag cconfess ako mamaya ay kinakabahan ako ng konti.


Lumabas na kami ng room ng matapos na sa pag aayos.



"Happy Birthday Hash" bati ni Kia kay Hashler na nang makita si Hashler sa labas ng room nila


"Thank's Kia!Punta ka mamaya ah"
sabi niya kay Kianna tapos ako tinignan ko lang siya at pumunta na sa loob ng room nila para puntahan si Gyana.


Sabay naman talaga kaming apat kapag breaktime.Pero di ko sure kung sasabay si Hashler ngayon.


"Baliw ka!Hindi mo parin pinapansin si Hash?" habol na sabi sakin ni Kianna dito sa room nila Gyana


"Hindi mo binati si Hash?" tanong ni Gy habang nag aayos ng gamit niya at nag hello siya kay Kianna



"Hindi ko nga pinapansin,Batiin pa kaya?" sabi ko sa kanilang dalawa



"Grabe namang selos yan,Umabot ng 1 week" pang aasar ni Kia kaya tinarayan ko siya


"Batiin mo na kase"pag pipilit sakin nung dalawa


Ayoko nga.May surprise mamaya eh.



"Hindi niya ako pinapansin kaya hindi ko rin siya papansinin okay?"
sabi ko at lumabas na kami ng room para pumunta ng Cafeteria


"Antagal niyo talaga kumilos" iritang sabi ni Hash na nag hihintay pala sa hallway


"Ano ka ba!Hindi ka pa nasanay"
sabi ni Gy at sabay sabay na kaming bumaba


"Callina! Pa picture daw!" sabi nung isang lalaki at itinuro yung matangkad na kaibigan yata nila


"Yeah.Sure" sabi ko at lumapit na


"Ayiee" pang-aasar nila dun sa lalaki kaya natawa ko


"Hi,Sorry ang kukulit nila" nahihiya na sabi nung lalaki


"Hello,Okay lang no" sabi ko at nag paalam na matapos niyang mag pasalamat


"Iba talaga ang Callina namin" pang aasar ni Kia sakin



"Iba talaga yan,Akalain mo gusto ni Brent" sabi ni Gy kaya tinarayan ko siya




Alam ko na sasabihin niyan na sunod




"Brent?Brent Santiago?OMG Crush mo yun ah!Kaya pala pinag drive" kunwari na nagulat na sabi ni Kia na parang hindi alam yung totoo



"Gusto ni Brent para sa pinsan niya" sabi ni Gyana kaya hinila ko yung buhok niya at tawa lang sila ng tawa



"Andaya hindi nyo ko sinama nung nakaraan" pag tatampo ni Kia kunwari



Siyempre naman kwinento ko kay Kia  yung nangyari nun.Alam niya na nag assume ako na may gusto si Brent sakin.Tawa pa nga siya ng tawa.


Why Is It So Hard To Say?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon