PROLOGUE

4 0 0
                                    

"Avi we're here!"

Bigla naman akong nagising sa sinabi ni Sky. Nakasakay kami sa Victory Liner papuntang Baguio. Sky and I are blockmates in UP Diliman. Since wala kaming midyear, we decided to go back to Baguio. When I opened my eyes, nasa BGH na pala kami and it's nearly 12 noon. I immediately fixed my things para mabilis na kaming makakababa.

"Sino susundo sayo?" I asked her.

"Mom and dad will pick me up para sabay na kaming maglulunch," she excitedly told me. Well, friends ko ang susundo sakin dahil busy si mama magluto ng lunch namin at home.

When the bus stopped sa terminal, andun na kaagad yung parents ni Sky, but my friends are no where to be seen.

"Nako, iha mauna na kami ah. May reservation pa kami sa restaurant."

"Okay lang po tita. Ingat po kayo ah! See you sa pasukan, Sky," pagpapaalam ko sa kanila. Sky and I are friends pero di kami nagkikita sa Baguio. I just don't want to mix my Manila and Baguio life together.

After a while, I heard someone shout my name. "Avi, sorry we're late!" Patakbong sabi sa akin ni Keane at Aaron. Silang dalawa ang sundo ko.

"Tara na! Nagugutom na ako," sabay abot ko ng bag sa kanila. I'm like their little sister kaya ayaw nila akong pinaghihintay or pinagbubuhat pero okay lang naman sakin. "Asan yung iba?"

"They're at your house na. Ang daming niluto ni tita," masayang sabi ni Keane. Typical, PG tong dalawang to eh.

I immediately entered Aaron's car pero sa likod ako umupo at si Keane naman sa front seat. "Naks, new car," bilib na sabi ko kay Aaron. Kakakuha niya lang ng driver's license niya tapos binilhan na agad siya ng Ford nila tita.

The drive to our house was fast dahil sa Legarda lang naman bahay namin.

"Jollibee delivery," sigaw ni Aaron sa labas ng bahay. Di namin napigilan tumawa dahil kamukha niya talaga si Jollibee.

"Anak, andyan ka na?"

"Yes ma! Kakarating lang po namin," sabi ko habang binubuksan ko yung gate. Si mama naman nakaabang lang sa pintuan.

"Avi, you're here!" rinig kong sigaw ni Charity sa loob. Sabay naman silang tumakbo papalabas ni Megan para salubungin ako ng yakap. "I missed you girls."

"Na-miss ka rin namin. Ang tagal mo rin kasing naging busy sa Manila," malungkot na sabi ni Megan.

"At least andito ka na!" excited na bati ni Charity.

"Asan sila Cliff, Carl, at Jem?" tanong ko habang hinahanap pa ng mga mata ko ang iba ko pang kaibigan. Marami talaga kami sa barkada kaya di ko maintindihan kung bakit ang unti lang nila ngayon.

"Don't worry, papunta na silang lahat dito. Kasama rin nila sila Emil, Saint, Mary, at Choleen."

I guess I'm really back with my friends. Two months together with no school. We can go back to the things we all used to do.

I can't believe I'm really back. I'm about to have the most memorable summer of my life.

Once Upon a SummerWhere stories live. Discover now