CHAPTER 2

6 0 0
                                    

A few uneventful weeks have passed at bored na ako sa bahay. Busy naman kaming lahat planning our trip to Patar pero di kami masyado nagkikita magkakaibigan dahil may inaasikaso pa yung iba sa school nila.

Today is the day na magkikita na ulit kaming lahat. I immediately went to the bathroom to prepare. I decided to wear my usual clothes in Manila, black skater skirt and plain red long sleeves with black dwarf boots. Nagpaalam na muna ako kay mama before leaving at pumara na ng taxi sa labas.

"Manong, sa porta vaga po," sabi ko habang hinahanap yung phone ko sa bag. I'm going to chat my friends kung nasaan na sila. Sigurado naman akong late nanaman yung mga yun.

Avi Monteverde: Saan na kayo? I'm here na!

Syempre dapat advance tayo, kapag sinabi kong papunta pa lang ako for sure mas late yang mga yan.

Aaron Villanueva: Sunduin ko lang si Cha

Megan Ramirez: OTW

At syempre, seen na lang yung iba pero sure na pupunta yung mga yun.

"Ma'am andito na po tayo."

"Ay, sorry po. Ito po bayad," sabay baba ko na agad. Pumasok na ako agad sa Porta Vaga at nag-elevator papuntang Zentea. This is our usual milktea shop bago pa dumating yung famous milktea shops. Every after dismissal nung senior high namin, dito kami pumupunta kaagad to hang out before going home.

Once I reached Zentea, I decided to pick a table for our group. Umupo na ako kaagad dun sa long table na may sofa sa labas, yung malapit sa saksakan. I like this place, mahangin at ayos lang kahit sobrang ingay namin. Sa sobrang dalas namin dito, namumukhaan na kami nung mga naghahanda ng drinks. We even tease them sometimes.

I immediately brought out my phone to play ML habang hinihintay ko mga kaibigan ko. Gusto ko sabay-sabay kaming oorder.

Five minutes.

Ten minutes.

Fifteen minutes.

Thirty minutes has passed bago ako may nakitang may nakatayo na sa harap ko. 

"Umupo ka na dyan. Wala pa ba yung iba?" I asked without looking. Syempre busy pa akong maglaro. Rank game kaya to! I heard that person pulled out a seat in front of me pero di siya nagsasalita.

"Order ka na kung gusto mo," sabi ko to break the ice pero wala pa rin.

"Hintayin lang natin sila, for sure paparating na rin sila." Ano ba naman yan?! Ayaw magsalita nitong dumating na to, baka mamaya hindi ko pala 'to kaibigan. Pinabayaan ko na lang siya at tinapos ko na laro ko. 

Nakakainis! Talo pa pero MVP naman ako, gamit ko Pharsa. Kakausapin ko na nga lang itong nasa harap ko!

"Bakit ang ---"

"Hi"

Naputol ang sasabihin ko. After a year of no communication, andito na ulit siya sa harap ko. He's smiling at me pero his smile doesn't reach his eyes. There's something behind the way he looks at me. Regret? Pain? Sadness?  Hindi ko alam at wala akong balak alamin. Why am I even trying to find out?!  After what he had done to me!

"Bakit ka andito?" tanong ko sa pinakamalamig kong boses.

"Sinabihan ako nila Aaron na magmemeet daw ngayon," kalmadong sabi niya sakin. Kung makaasta akala mo walang kasalanan sakin! Take note, hindi pa siya nagsosorry sakin!

Tinignan ko lang siya ng matagal bago ako nakapag-decide na ichachat ko sila Aaron sa gc.

Avi Monteverde: ANONG GINAGAWA NIYA DITO?

Once Upon a SummerWhere stories live. Discover now