CHAPTER 1

5 0 0
                                    

After a few minutes, dumating na rin yung iba sa bahay at complete na kaming magbabarkada.

"Wow naman tita! Ang daming niluto ah," masayang sabi ni Megan kay mama. 

Close si mama sa lahat ng barkada ko kaya naman okay lang kay mama kahit andito silang lahat ngayon. Nagluto si mama ng lumpiang shanghai (my favorite), garlic parmesan chicken, adobo, and carbonara tapos nagpadeliver din siya ng 4-cheese pizza sa yellow cab. Alam talaga ni mama mga favorite ko at alam niya yung mga namiss kong kainin. Actually, favorite naming barkada ang carbonara at lumpiang shanghai ni mama. Gamit kasi ni mama ang family recipe sa paggawa nung dalawa.

"Girl, kamusta ka naman? Ang tagal mo ring walang paramdam ah," biglang tanong sa akin ni Choleen.

"Nako, tita meron daw mga nanliligaw sa anak niyo sa Manila," sumbong naman sa akin ni Aaron. Pinanlakihan ko naman siya ng mata sa sinabi niya. Hindi ko nga sinasabi kay mama kapag may nanliligaw sakin eh. Wala naman talaga akong balak magka-jowa.

"Naks naman, naka-move on ka na?" mapang-asar na tanong sakin ni Keane. Napatahimik naman kaming lahat sa sinabi ni Keane at tumingin kami kay mama. Yung bibig talaga niyang lalaking yan, daig pa babae eh.

"Loko kayo! One year na ang nakalipas, malamang sa malamang naka-move on na ako," sabay tawa ko para naman mawala yung tension. Alam ni mama na nagkaroon ako ng jowa dati, pero saglitan lang. Hindi lang namin binabanggit yung pangalan ng lalaking yun dahil malaki ang galit ni mama sa kaniya nung naghiwalay kami.

Patuloy lang kaming kumain at nagkwentuhan. Pina-kwento nila sakin ang buhay ko sa Manila, kung saan ako madalas kumain, pumunta, at sino ang mga nakakasama ko. Dinescribe ko naman sa kanila kung anong itsura ng UP. Gusto nilang malaman lahat, hindi pa tapos yung kwento ko ay may tanong na agad sila.

"Uy, saan tayo pupunta ngayong bakasyon?" biglang tanong ni Emil sa amin. Oo nga pala, may tradition kasi kami na tuwing bakasyon ay dapat may bago kaming pupuntahang lugar.

"Gusto ko bumalik sa Anda," sabi naman ni Charity. Last year lang pala naging part ng barkada si Charity, simula nung naging jowa niya si Aaron. Hindi pa siya masyadong familiar sa tradition ng tropa.

"Cha, hindi naman sa ayaw namin yung suggestion mo pero kakapunta lang natin dun. Dapat sa bagong lugar naman," sabi naman ni Jem. Si Jem talaga ang pinaka-mabait at masipag sa barkada.

"Paano kung sa Patar?" 

"Maganda raw dun. G ako," sabi naman agad ni Megan. Sumang-ayon naman silang lahat sa suggestion ko. 

Patar. White sand beach. Malayo sa city. Fresh air. Higit sa lahat yun yung pangarap namin puntahan dati. There's no reason to be sad dahil kasama ko naman mga kaibigan ko.

"Tita, okay lang po ba kung mag-overnight kami sa Pangasinan sa katapusan ng June," pagpapaalam agad ni Carl kay mama. Medyo strict kasi si mama sa mga gala namin. Minsan sinasama na namin siya para lang payagan niya ako.

"Oo naman, basta mag-iingat kayo ah. Matatanda na kayo. Oh siya, aalis na muna ako. May ipapabili pa ba kayo?" 

Sinabi naming wala at nag-desisyon na manood na lang ng movie. We decided to watch Harry Potter, all of its movies. Sigurado naman akong mag-oovernight itong mga to ngayon sa bahay. Sinet-up na namin lahat yung speakers at tv, in-arrange na rin namin yung sofa at naglabas ng mattress para yung iba nakahiga sa tapat ng tv.

Nagulat ako ng biglang may tumapik sa sakin, pag lingon ko si Keane lang pala. "Usap tayo," seryosong sabi niya sakin. Tumayo naman kami at dumiretso sa kusina.

"Okay ka na ba talaga?" tanong niya sakin. Alam ko naman tinutukoy niya. Si Keane yung nandyan nang maghiwalay kami.

He saw me get hurt and cry every night. Nakita niya kung paano ko tinulak lahat ng tao palayo. Nakita niya kung paano ko ginugol lahat ng oras ko sa pag-aaral para makalimot. He saw my eyes lost light. He saw me lost my happiness.

"Oo naman! As I said, one year na nakalipas."

"Pero one year din kayong hindi nagkita. Paano ka nakakasiguradong wala na?" nag-aalala niya pa ring tanong  sakin.

"Just trust me," then I smiled sweetly at him.

" The reason I'm asking you is because he wants to join our summer. He wants to ask for forgiveness. Start a new life."

And that was something I wasn't expecting. I'm going to see him, again? After everything that happened...

"Well, before we broke up naman, we were all friends," I told him then walked out of the kitchen.

When we returned, wala atang nakapansin na nawala kami. May dala na rin kasing popcorn and chips si Keane pagkalabas niya ng kusina. When everything was settled, they started playing Harry Potter and the Philosopher's Stone.

They didn't notice that something was bothering me.

Once Upon a SummerWhere stories live. Discover now