Prologue

44 5 10
                                    

Someones's POV

Nakita ko siya sa hindi kalayuan umiiyak at nagdudusa dahil sa pagkamatay ng mga magulang niya habang ako'y nagsasaya dahil sa tuwa. Hindi naman kayo mamamatay kung hindi kayo nangingialam eh. Kagaya rin kayo ng bweset niyong kapatid. Mabuti nga pinalayas ko lang yun at ang minamahal niya ang pinatay ko at hindi siya. Maswerte kayo dahil hindi ko ginalaw ang anak niyo. Wala naman siyang kwenta, lalampa-lampa lang naman yun, wala namang magagawa yun laban sakin.

"Wala nang magiging sagabal sa mga plano ko. Ang sikreto ko ay mamamatay kasama nang mga magulang mo at hindi na kailanman mabubunyag pa."

Tiningnan ko siya ulit at umalis na

"Your empire will forever be mine and no one can take it from me. Even you."

Sumakay na ako sa sasakyan ko at tumawa ng malakas.


***


Issele's POV

Umuwi na silang lahat at ako nalang ang natira rito sa puntod nina mommy at daddy. Hindi parin maproseso ng utak ko ang mga nangyari. Hanggang ngayon hindi ko parin matanggap na patay na sila. Mabilis ang lahat ng pangyayari. Kakagaling ko lang nun nang mall para kunin ang cake na binili ko para sakanila pero pauwi na ako may tumawag sakin at sinabi nito na sinugod raw sa ospital ang mga magulang ko. Nung una ayaw ko pang maniwala pero sabi nang tumawag sakin na car accident daw sina mommy at daddy. Nag kabanggaan daw sila nang truck. Pumunta ako sa hospital kung saan sila dinala pero pagdating ko wala na silang buhay. A-ang mga pinakamamahal kong magulang wala na at hinding hindi na babalik pa. Sa araw pa nang anniversary nila sila namatay, ang saya- saya pa namin kahapon pero p-pero... Humagulgol ako sa iyak dahil sa alaalang iyon. Masakit rin isipin na walang tao ang dumadamay ngayon sakin dahil ang taong pwedeng gumawa non ay patay na.

"Mommy, Daddy, bakit niyo naman ako iniwan. Diba sabi niyo hindi niyo ako iiwan. Paano na ako ngayon, wala nang bibili sakin ng teddy bears, wala na ring hahalik at yayakap sakin, at higit sa lahat wala nang magmamahal sakin. Kayo lang naman ang nagmamahal sakin eh at kayo lang din ang mahal ko. Sana masaya kayo diyan. Alam ko na binabantayan niyo ako ngayon at alam ko rin na ayaw niyo akong umiyak. Para sa inyo susubukan kong wag nang umiyak, para sa inyo susubukan kong maging malakas. Tuturuan ko ang sarili ko na wag nang mag paapi sa iba." Pinahid ko ang luha sa mga mata ko. Umuwi na ako sa mansiyon at nagmukmok sa sariling kwarto. Nakatanga lang ako sa kawalan at nakayakap sa sariling tuhod. Hindi ko kinakausap ang sino mang sumasalubong sakin sa loob ng mansiyon. Lumipas ang tatlong araw at ganoon parin ako. Nilibot ko ang mata ko sa kwarto ko kahit saan ako tumingin lahat dun may alaala ako kasama sila, hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko. I remember the days when they are still here. Palagi kaming masaya at nagtatawanan, palaging maingay ang bahay na ito dahil sa amin. Pero sobrang tahimik na ito ngayon at sobrang lungkot ng paligid. Sorry, sobrang hirap gawin ang wag umiyak. Ang sakit lang talaga. Tumingin ako sa mga teddy bears na niregalo nila sakin biglang kumunot ang noo ko nang may naaaninag akong isang papel na nakatago doon. Nilapitan ko ito at tumambad sa akin ang isang papel na nakatupi. Kinuha ko ito at tiningnan. May nakalagay dun na 'For Baby Ishy'. Isa itong sulat galing kina mommy at daddy. Binuksan ko ito at binasa. Nagulat ako sa nabasa ko. Napaluhod ako at unti unting tumulo ang mga luha sa mata ko. Mas lalong gumunaw ang mundo ko sa nalaman ko. P-Posibleng hindi aksidente yung nangyari? So ibig nitong sabihin i-it was him? H-He was the one who killed my parents? B-But why?

Weak Girl's DarksideWhere stories live. Discover now