Chapter 3: Going back home

17 5 2
                                    

Issele's POV

Parang mababaliw na ako sa dami daming tanong na pumapasok sa isipan ko. Hindi parin maproseso nang utak ko kung ano ang nakalagay sa sulat na nabasa ko. Dahil sa kagustuhan kong malinawan nang isip, nandito ako ngayon sa airport. Uuwi na ako sa Pilipinas, hindi lang dahil sa gusto kong masagot ang mga katanungan na bumabagabag sa isipan ko dahil narin sa namimis ko na ito. Matagal tagal na rin nang huli ko itong nakita maliit pa ako nun. At isa pa baka dun.. mas lalo ko pang makilala amg sarili ko.

Dinala ko na ang maleta ko papunta sa plane. Hinanap ko na ang upuan ko at komportableng umupo. Tumingin lang ako sa kawalan at isinuot ang earphones sa tenga ko. Idadaan ko nalang sa music ang kabagutan na nararamdaman ko. Wala naman akong kausap. Napasimangot nalang ako at napahinga nang malalim. Dahil sa antok pa ako, ipinikit ko nalang ang mata ko at natulog.

Nagising ako dahil sa biglang may nagsalita sa speakers. Sa wakas, nandito na ako sa Pilipinas. Kinuha ko na ang bagahe ko at dumeretso sa labas at sumakay sa taxi. Pupuntahan ko ang address ni Tito Harry. Sa kanya ko malalaman ang lahat. Kailangan ko na syang makausap sa lalong madaling panahon dahil sasabog na ang utak ko kakaisip sa mga nangyari. Pagkababa na pagkababa ko nang taxi bumungad sa akin ang isang napakalaki at napakagandang bahay ay este mansiyon pala, mas malaki pa ito sa mansiyon namin sa US. Nanginginig ang buong katawan ko habang papunta sa pintuan, nagdadalawang isip ako kung pipindutin ko ba ang doorbell. Humugot ako nang malalim na hangin at pinindot ang doorbell. Pagkalipas nang dalawang minuto, bumukas ang pinto at bumugad sa akin ang isang lalake. Matangkad, matipuno, at mga nasa 30 ang edad. Tiningnan niya ako nang nakakonot ang noo.

"Magandang umaga sa iyo iha. Ano ang maitutulong ko sa iyo?" nakakunot parin tanong sakin nang lalake sa harapan ko

"Are you Giovani Kent Easton?" tanong ko sakanya "Yes, its me."

"I-Im Issele Gray Easton the daughter of Amanda Marie Easton and Cedrik Red Easton." pakilala ko sa sarili ko

Bigla syang napasinghap. "Cedrik's daughter?" hindi makapaniwalang sambit ni tito. "Kung anak ka nga nila, nasaan si Cedrik? Pati si Amanda nasaan din?" tanong niya habang palinga linga sa likod ko.

"T-They're gone. Namatay sila dahil sa accident, car accident to be specific. Pumunta ako dito dahil sa sulat na nakita ko, galing yun kay daddy. Nakalagay dun na pumunta raw ako dito, dahil sayo ko daw malalaman ang lahat. Ano ba ang kailangan kong malaman?! MABABALIW NA AKO!!!" sambit ko na may halong galit. Hindi ko na kasi mapigilan ang damdamin ko.

"Ok. Ok. Calm down, I get it now. Pumasok ka muna at sasabihin ko sayo ang lahat." pagpapakalma sakin ni tito. Pumasok na kami sa bahay niya at pinaupo nay ako sa couch, pumunta siya sa kusina para kumuha nang maiinom. Nilibot ko ang mata ko sa buong bahay, sobrang laki nito at ang lahat nang gamit dito ay puro mamahalin.

"Here, drink this first." sabi ni tito sabay abbot sakin ng isang basong juice. Kinuha ko ito at ininom.

"Anong sulat ba ang tinutukoy mo?" kinuha ko sa maleta ko ang sulat na nabasa ko at inabot kay tito

"Here."

Tito Kent's POV

Inabot sa akin ni Issele ang sulat na galing kay Cedrik. Binuksan ko ito at binasa.

Dear baby Ishy,

Kailangan monang malaman ang katotohanan bago mahuli ang lahat. Dahil alam namin na malapit na kaming mawala sa piling mo. Ang kinikilala mong lolo ay impostor, hindi siya ang totoo mong lolo. Kakambal siya nito at ang totoong mong lolo ay pinatay nang impostor na yan. We just recently found out the truth. But he found out that we know his secret. He's now making a move. Nangangamba kami na gawin niya samin nag ginawa niya sa totoo moong lolo. That's why we wrote this letter just in case. Kapag may mangyari sa aming masama umuwi ka sa Pilipinas magiging safe ka dun. Puntahan mo ang tito Kent mo dun, kapatid ko siya. Yes yes his your tito. Paki sabi nalang sakanya that im sorry, sorry dahil hindi ako naniwala sa kana noon. Dun mo narin ipagpatuloy ang pag-aaral mo. Alam kong madami nag katanungan ang pumapasok sa ulo mo habang binabasa mo ito. Lahat ng mga yan masasagot ng tito mo. Alam niya ang lahat. Just always remember that your mom and I love you.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 02, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Weak Girl's DarksideWhere stories live. Discover now