[Yael]
Nakatayo ako sa labas ng bahay nila Theo, hinihintay na lumabas siya. Hindi na ako pumasok sa loob dahil baka hindi sumama sakin si Theo mamaya, tsaka sabi niya sakin wag daw muna ako mag papakita sa kapatid niyang si Tricia at baka daw hindi na naman siya tigilan kakatanong
Kasalanan ko bang magandang lalaki ako sa paningin ng kapatid niya?
"Stop smiling like that you look weird" Sabi ni Theo pag kalabas niya sa pinto
"Hindi talaga uso sayo iyong Hi Hello no?"
he shrugged and sit at the doorstep "Why are you here? We didn't have plan today as far as I can remember" reklamo niya pa. Gulong gulo pa ang buhok niya pero naka ayos na siya ng damit
"Kakagising mo lang ba? Mag aalas 3 na sa hapon ah"
"You ruined my siesta you should apologize" sabi niya at pinandilatan pa ako kaya hindi ko mapigilang tumawa
"Okay okay, I apologize. Now get up, we're going at Heather's house. Her Mom wants to see us"
nalukot ang mukha niya at tumingin papalayo, walang balak na tumayo sa kinauupuan niya
"Oh come on Theo. Get up, mamaya sasamahan kita sa opisina ni papa" I said
his face lighten up just a little bit, a small curve crept his lips as he stood up, brushing the dust in his pants "You promise. Let's go"
Hinawakan ko ang balikat niya bago pa siya mag lakad papalayo "Now remember, do not be rude to her. Not in front of her parents, okay? Do not be afraid of them I'm with you, do not panic, don't scare them."
"You sounded exactly like my Mother" sabi niya bago hinawi ang kamay ko sa balikat niya
ngumiti ako at inakbayan siya. Heather will be happy to see him, hindi man niya halata pero alam kong nag eeffort si Heather na mapalapit kay Theo kase gusto niyang makipag kaibigan dito. I'm just hoping that Theo will open up to other people, other than me. Not that I'm planning to leave his side of course.
sumakay kami ng taxi papunta sa bahay nila Heather. Hindi ganoon kalaki ang bahay nila Heather kung ikukumpara samin, puti ang pinturang ginamit sa buong bahay pero mahahalata ang mga nag hahabaang mga halaman sa paligid ng bahay.
Bago paman ako makapag ring sa doorbell ay lumabas na kaagad si Heather. Ngiting ngiti siya habang nakatingin kay Theo "Buti nalang sumama siya" sabay tawa pa niya
"Yael's mum made this cookies" Sabi pa ni Theo.
Nag bake si mama noong sinabi kong pupunta kami ni Theo sa bahay nila Heather. Mas excited pa nga siya kesa sakin kanina eh
pinapasok kami ni Heather sa loob ng bahay nila. Sinalubong kami ng mama at papa niya na naka holding pa
Dideretso na sana si Heather sa kusina para ihanda ang cookies pero agad siyang hinawakan ng mama niya sa damit "Hindi mo ba muna ipapakilala silang dalawa anak" ngiting ngiti na sabi ng mama niya
"Ay oo nga pala! Ma, Pa, si Yael at Theo" pakilala ni Heather samin sabay bulong pa na "Englishero si Theo Ma kaya kailangan natin ng tissue mamaya" biglang tumikhim si Theo kaya kinurot si Heather ng nanay niya kaya napatakbo ito papunta sa kusina
"Pag pasensyahan niyo na ang ugali ni Heather ah" Sabi ng mama ni Heather
"Okay lang po. Sanay po kami sa kanya" sagot ko
giniya kami ng papa ni Heather sa sala para maupo. Nag usap kami saglit tungkol sa trabaho ng mga parents namin
"Doctor si Papa habang isang history Teacher naman po si Mama" I said
YOU ARE READING
AESTHETIC MIND
РазноеAt an early childhood Theo met an unfortunate accident. Since then he has been living a bizarre life inside his aesthetic mind. Cover made by the awesome @richanzai