Prologue

43 5 0
                                    


Bakit naman kasi sa milyon-milyong lalaki sa buong mundo, doon pa ako na-in love sa lalaking hindi ako gusto?

I heaved a sigh and take a sip from my frappe.

Nasa cafe ako sa labas ng condo niya. Waiting for him. Alam ko kasing hindi din ako makakapasok sa unit niya kahit ilang beses ko pa siyang katukin. Ilang beses ko na ba siyang sinusundo para sabay na kaming papasok sa studio? Sinusundo ko siya kahit ayaw niya. Sinusundo ko siya pero hindi ako nagdadala ng sasakyan, kaya ang ending sa sasakyan niya din ako nasakay. Oh diba, parang siya lang ang sumundo sa'kin, ang kaso ako ang napunta sa kanya.

Nailing ako sa mga ginagawa ko. Kailan ba ako nagsimulang mabaliw sa lalaking 'yon? Since second year college, I guess. He was a freakin' FA newbie while I'm in my second year of being an Archi student.

The first day I saw him, I knew he was the one.

Napatayo ako nang makitang ipinark na ng valet sa harap ng condominium ang sasakyan ni Caleb. Dali-daling akong lumabas ng cafe at lumapit na sa sasakyan niya. And there, after minutes I saw him walking towards me, but I know his actually walking towards his car, duh!

"What a pleasant morning, Caleb!" I said smiling and opened my arms wide waiting for a hug but he ignored and walk passed me. Nang lingunin ko siya ay nakita ko ang sasakyan niyang humarurot na paalis. Leaving me dumbfounded together with the valet man. Damn! Hindi na dapat ako nagugulat sa ganitong pangyayari. May parang kumurot sa puso ko. Ilang beses na ba niyang ginawa 'yon? Ang iwan ako kahit alam niyang nandito ako para sa kanya.

Ngumiti lang ako sa valet at sinabing nag-away lang kami kaya ganon. Tinanguan lang naman ako nito at pumasok na din sa loob. Ako naman ay nag-book na lang ng grab para makasunod na sa studio.

Bumaba na ako sa sasakyan nang makapag-bayad. Ngumiti lang ako sa guard ng batiin niya ako, at saka naglakad papasok. Naalala kong it-text ko nga pala si kuya kaya hinanap ko ang phone ko.

Nasan na ba 'yon? Kinakalkal ko ang sling bag na dala ko, not minding anyone. I'm busy looking for my phone when I bumped into someone.

"Oh my god!"

"Oh shit!"

Magkapanabay kami ng reaksyon sa nangyari. Natapon niya sa shirt ko ang hot choco na hawak niya. Damn! Ang init! Hawak ko ang parte ng damit ko na natapunan para hindi madikit sa dibdib ko ang mainit na choco.
Nang tingnan ko ang babae ay galit na galit ito habang pinupunasan ng tissue ang kaunting talsik sa dress niya.

"I'm sor—" she cut me off by slapping me. Nagulat ako sa sampal niya. Hindi ko inaasahang sasampalin niya ako.

"What can your sorry do?!" she said yelling. Marami nang nakatingin sa'min but no one dared to ask what's happening. "Do you know how much my dress cost?!"

I look at her. "I'm sorry. I'll just pay for it." sabi ko at bahagyang yumukod pa.

She tsked. "No need. I'll buy another na lang." Maarteng sabi nito at binangga pa ako sa balikat nang lampasan ako.

I bit my lower lip out of shame. Naiinis ako pero wala akong magawa. Naglakad na lang ulit ako at dumiretso sa elevator habang nakayuko. Nakakahiya. Hindi ko 'man lang naipagtanggol ako sarili ko. Napahawak din ako sa pisngi na nasampal 'nung babae kanina. Ang solid niyang sumampal ha. Psh. Bakit kailangan niya pa akong sampalin? Nags-sorry naman ako, ee.

Hawak pa rin ang parteng natapunan ng hot choco nung babae ay dumiretso ako sa opisina ni Caleb. He wasn't there. Siguro nagt-trabaho na. Pabagsak akong naupo sa couch na naroon at isinandal ang ulo saka mariing pumikit.

Maybe One Day (SLOW UPDATE)Where stories live. Discover now