Chapter 30

509 26 0
                                    

[Chapter 30]



(GARNETT POV)

Marahan akong napapadilat .. a-ang sakit ng ulo ko.

"G-Garnett, gising kana."

Pagtingin ko sa gilid ko si George, napaupo agad ako pero napahawak ako sa ulo ko bigla. Tsk!

"Dahan-dahan, saan ang masakit? Wait tatawagin ko lang yung nurse."

"H-Huwag na."- tumingin ako sa kanya, ngayon ko lang napansin na nandito pala ako sa clinic.

"Sure? Ano bang nangyari? Naabutan nalang kita na sinugod kana dito sa clinic, they think na baka nadulas ka daw sa cr. Mabuti at nagising kana."- napangiti naman ako saglit, bakas kay George ang pag-aalala sa akin.

Pero napasalubong agad ang dalawang kilay ko sa sinabi nya, naalala ko agad yung nangyari kanina.

"Hindi ako nadulas, natulak ako ni Sarrah."

"W-What?"

Tumango ako at hinimas-himas yung ulo ko, ang sakit nun ha. Tsk! Yung Sarrah talaga na 'yon hays!

"By the way, ayos kana ba? Wala na bang masakit sa'yo?"- he ask

Ngumiti naman ako sa kanya.

"Don't worry, I'm fine."- i smiled

Ngumiti naman sya at napatango nalang. Napatingin naman agad ako sa bag ko sa gilid, naalala ko bigla yung pag-sira ni Sarrah sa Card Invitation ko. Tsk!

Hindi pa ako nagsasalita nang tumayo na si George, kinuha nya ang bag ko at inabot nya sa akin agad.

"S-Salamat."- i said, tapos binuksan ko agad ang bag ko. Halos manlumo na naman ako nang hindi ko makita dito yung invitation card ko, hays oo nga pala sinira 'yon ni Sarrah. P-Paano ako makakapunta doon sa activity? A-At tsaka kapag nalaman 'to ni President Cruz baka kung ano pa ang matanggap kong kaparusahan. Tsk!

"Are you okay? Bakit parang nalungkot ka?"

"My one and only card invitation para sa activity na gaganapin next week outside the campus .. s-sinira ni Sarrah."

"Ano ba talagang problema ng Sarrah na 'yan?!"

Nagulat naman ako bigla nang magalit si George.

"S-Sorry ha, pero nakakainis na kasi yang Sarrah na yan eh! Ilang beses kana nyang sinasaktan."

Imbes na mainis ako, natawa ako sa reaksyon ni George.

"Alam mo simula nang makilala kita, ngayon lang kita narinig magsalita ng pagalit."

Napakamot naman sya sa ulo nya.

"Sorry, nadala lang hehe."

Ngumiti naman ako.

"Thank you."

"Para saan?"

"Dahil napatawa mo ako."

"Talaga? So saan mo gusto pumunta ngayon?"- nakangiti nyang tanong

"Wait, anong oras na ba? Diba pupunta tayo sa Mama mo?"

"5pm, yes pupunta tayo pero labas muna tayo kahit sandali."

Napangiti naman ako.

"Sige-sige basta treat mo?"

"Oo akong bahala."

After that nagpalit muna ako ng damit then umalis na kami agad.

__________________________________


Love GeniusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon