Chapter 33

193 8 3
                                    

Maureen's POV

"Monica, iha pinapatawag ka pala ng papa mo sa opisina niya" tawag saken ni nanay Luding habang abala ako sa pagdidilig ng halaman dito sa garden.

"Ahh sige po nanay" paalam ko rito at siya ang nagpatuloy ng aking ginagawa.

Masayang ngiti ang binigay ko kay papa ng makapunta ako sa opisina nito dito sa bahay. Nakaupo siya sa swivel chair ang mukhang malalim ang iniisip. Tumikhim ako upang mapansin niya na naririto na ko.

"Anak ikaw pala. Take a seat" sabi nito

"Pinapatawag niyo raw po ako papa"

"Yes iha. Gusto ko lang linawin sa yo na hindi nagbago ang isip ko sa pag alis naten ng bansa"

Tila para akong napaatras sa sinabi ni papa

"Pa, alam niyo naman pong buntis ako diba?" Sabi ko pa rito.

"Oo anak, at dahil sa pagbubuntis mo ay mas lalong akong naging desidido na ilabas ka ng bansa. Dahil nakakasiguro ako na ano mang oras ay maman-manan na tayo ng kaaway."

Hindi ako umimik. Paano si Kaiser

"Kung iniisip mo ang lalaking yon. Sabihin mo sa kaniya ang tunay mong kalagayan. Nakakasiguro ako na pipiliin rin ni kaiser kung ano ang makakabuti sa yo. At sa kanyang anak." Dagdag pa nito.

Tungo na lamang ang aking naisagot at napag desisyunan na magpaalam na kay papa.

Nakaupo ako ngayon sa veranda at nakatitig sa malaking pool nang may umupo sa king tabi kaya napatingin ako.

"Ang lalim ng iniisip naten dyan ah. Share naman" biro ni Jeff

Napatungo ako at napahawak sa king tyan na medyo lumaki na. Di pa man halata ang aking anak sa sinapupunan ay ingat na ingat na agad ako saking kinikilos.

"Si papa kase. Desidido na siya sa pag alis namin dito. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Siguradong mapapalayo ang  anak ni Kaiser sa kaniya." Sabi ko rito.

"Hindi ko alam kung anong gustong  mangyari ni boss sa inyo ng anak mo. Pero isa lang ang alam ko. Lahat ng plano ng papa mo ay makkabuti sayo, Monica. Sa inyo ng magiging anak mo. At kung may pakielam paren sayo si Kaiser sasang ayon siya sa plano ni boss."

"Yun nga ang problema eh. Gakit na galit si kaiser kay papa. Pinagbantaan pa niya ko ng hindi maganda laban kay papa. Natatakot ako. Natatakot ako Jeff. Natatakot ako sa pwedeng mangyari samin ng anak ko" sabi ko habang pigil na pigil saking luha.

"Kung mahal ka niya Monica, tatanggapin niya lahat lahat. Kahit masakit. Tanggap ka niya kung sino ka, noon at ngayon"

"P-pa-paano kung hindi iyan mangyari" sagot ko

Malamig na mga ngiti ang ibinigay saken ni Jeff.

"Andito ako Monica. Andito kami nila Nanay Luding. Hindi kailangang sarilihin niyo ni boss ang lahat ng problema. Andito pa kami"

Sa sinabi niyang yun. Nakaramdam ako ng assurance na may mga kaibigan kami ni papa. May nga taong nagmamahal at nagmamalasakit samen ni papa.

Mahigpit ko siyang niyakap. Nung una ay para pa itong nagulat saking ginawa. Ngunit sandali lang ay naramdaman ko rin ang kaniyang kamay saking likuran.


Narrator's POV

"Mommy, baket po kinukuha niyo ang mga damit ko sa closet?" Tanong ng batang si kaiser ss kaniyang ina na nagmamadaling mag impake.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 03, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Asawa Kong AsexualTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon