Chapter 30

103 2 3
                                    


Maureen's POV

"P-papa a-ano pong ginagawa niyo dito?" Sabi ko na halos pabulong sa di inaasahang tao na matagal ko ng hiniling na makita.

"Monica, iha thank God at nahanap din kita" sabi ng aking ama sabay ng pagpatak ng mga luha nito.

"Papa" mabilis ko siyang niyakap at napahagulgol. Maraming mga katanungan ang pumasok sa isip ko. Na kung bakit niya nagawang  iwan ang isang bata na katulad ko noon, na kung papaano niya ko natiis na wala sa kaniyang tabi. Ngunit sa mga oras na to. Mas nanaig ang pangungulila at pagmamahal ko sa king ama.

"Sorry anak sa lahat ng nagawa ko noon. Sa lahat ng mga sinabi ko sayo noon kaya kita iniwan. Mahal na mahal kita anak kaya ko yun nagawa. Kaligtasan mo ang inaalala ko kaya mas pipiliin kong masaktan ka sa ganong paraan kaysa sa makita kang pinaparusahan gawa ko. Hindi ko hahayaang may mangyari sayo gaya ng iyong ina. Mahal na mahal kita anak" paliwanag nito. Di man malinaw na malinaw sakin ngunit sapat na malaman ko na mahal ako ng aking ama. Mahal na mahal.

"Monica anak, sorry pero kailangan mong sumama sakin. Hindi magiging maayos ang lahat hanggat nasa puder ka ng lalaking y-

"Finally the two evil reunited" tugon ng isang lalaking isa rin sa nagpapagulo ng isip ko.

"K-kaiser?"

"Im glad that you finally met your dad, Maureen. Or should I say Monica?" Sarkastik na sabi nito.

"Ka-kaiser its not what you think. Ma-magpapaliwanag ako-

"You don't need to" matigas na sabi nito na nagpakunot sakin.

"Ang galing mo ren ano. Talagang willing kang ibigay yang puta mo para lang mapaniwala ako? Nice.! But sorry to dissappoint you. Im not satisfied. Galingan mo pa sa kama next time" sabi pa nito.

"A-ano bang sinasabi mo?" Tugon ko rito habang hirap na hirap na pigilin ang aking luha

"Narinig mo ang sinabi ko. Kaya Umalis ka na. "

Ngunit nanatili pa rin akong nakatayo sa kaniyang harapan. Tila pinapakiramdaman kung totoo ba ang mga sinasabi niya.

"Ano pang hinihintay mo? Last word?, ok fine. Thank you Maureen for everything. You did a great job as my secretary." Ngisi nito. "I know you did everything more than a secretary. I couldn't say that you satisfy me. Maybe you should practice it sometimes. Para hindi agad nananawa ang mga lalaki sayo."

Halos di ko alam kung may susunod paba akong ihihinga sa mga sinabi niya, pero pinilit kong magsalita

"I- i thought y-you love m-

"At naniwala ka naman? Sino ka ba para maging iba sa mga babaeng kinakama ko. Hindi moko lubusang kilala.. walang ibang taong nakakakilala ng pagkatao ko kundi ako lang. Ako lang. "

"P-please kaiser w-wag namn ganito"

"Im. Not. Inlove.With.You. I'm done with your game Ms. Monica Guerrero"

Wala sa sarili na nakatitig lamang ako sa kalangitan. Tila ginigising ang sarili sa panaginip na kahit kailan ay hindi ko hiniling. Kasabay ng pagdating ng taong matagal ko ng pinagdarasal na makabalik sa buhay ko ay siyang pag iwan sakin ng taong nanatili sa king tabi.

Narinig ko ang pagbukas ng pintuan ng aking jwarto at alam kong si papa yon. Sumama nako kay papa simula ng paalisin narin ako ni Kaiser sa bahay niya. Sa buhay niya.

Nsramdaman ko ang kamay ng aking ama sa king balikat na parang nag sasabing magiging maayos rin ang lahat.

Tumabi sakin ang aking ama kaya't napatingin ako sa kaniya.

Ngayon ko lang napansin na tumanda ang itsura ni papa. Mukhang mahina narin ang pangangatawan nito na lalong nag pa alala sakin.

"Papa, ano pong ginagawa niyo noon nang malayo ako sa inyo?"

Nakita ko naman ang pagka gulat ng kaniyang mukha na tila'y di niya inaasahang matatanong ko yun sa kaniya.

"Ginawa ko lahat. Lahat ng makakaya ko para maiwas kayo ng mama mo sa panganib. Ginawa ko lahat. Lahat lahat kahit na mali"

Bigla akong napatingin sa king ama sa sinabi niyang yon.

"Papa, i could'nt understand"

"College student palang ako ay matalik na kaibigan ko ang papa ni Kaiser"
Panimula nito na ikinagulat ko. I didn't expect na magkakilala pala sila papa at ang papa ni Kaiser. Alam kaya ito ni Kaiser

"Nangako kami sa isa't-isa na sabay kaming magpapatayo ng pangarap naming kumpanya at palalaguin iyon. Hanggang sa parehas na kaming mag karoon ng asawa. Nanatili kaming magka sosyo sa kompanya. Hanggang sa nagkrus ang landas namin ni Edgar at ni Pablo. Edgar ang pangalan ng papa ni Kiaser, Samantalang si Pablo school mate namin siya ni Edgar. Inalok kami ni Pablo ng isang kalakalan. Pero iligal. Parehas naming ginusto. Inaamin ko nasilaw ako sa pera. Nasilaw kami sa pera. Kaya inisip kong umatras nung  nalaman un ng ina mo, ay nag away kami. Pero huli na para umatras pa. Dahil malaki na ang nagagawa ng drugs na yon sa kumpanya at sa mga buhay namin. Pero pinilit ko paring makaalis. Pinilit namin ni Edgar na tahakin ang tamang daan. Pero may nangyari. Yung aksidente na nangyari satin ilang taon na ang nakakaraan, sinadya yun anak. Aalis tayo non papunta sa ibang bansa pero huli na ang lahat. Naharang tayo ng mga tao ni Pablo. At sa tingin ko ganon din si Edgar. Dead on arrival ang mama mo. At ikaw namn ay kinuha ng mga tauhan nila. Sila ang kumidnap sayo anak. "

"Pati na rin si Kaiser papa. Si Kaiser pala ang batang kasama ko noon nung ikinulong kami" singit ko rito na tila ay di na ikinagulat ni papa

"Alam ko anak. Dahil ang buong akala ni Edgar ay pinagtaksilan ko siya. Akala niya ay ako ang may pakana lahat lahat ng nangyari sa pamilya nila."

"Alam ba nila na napahamak rin tayo noon papa"

"Hindi anak"

"Kung ganon bakit hindi natin ipaliwanag sa papa ni Kaiser ang lahat?" Sabi ko rito na nagpabigay saken ng konting buhay na maaring maayos pa ito.

"Ibubuka ko palang ang bibig ko ay paniguradong napaputukan na ako ng baril" kita ko sa itsura ni papa ang pagkawala ng pag asa.

"Eh kung kay Kaiser kaya papa. Kung sasabihin mo sa kaniya lahat lahat baka makatulong siya saten" sabi ko dito.

"Hindi anak. Hinding hindi. Matapos niyang sabhin ang mga masasakit na salita sayo. Sigurado akong di rin siya maniniwala. Mas gusto kong manatili sa ganito kaysa sa makaharap mo ang lalaking sumisira at patuloy na sumisira sayo Monica. Ikaw nalang ang meron ako. Gusto ko maging masya ka na. Maging malaya ka na. At lahat gagawin ko para lang mangyari yon." Sabi ni papa at muli akong napaiyak at niyakap siya ng mahigpit.

Ang Asawa Kong AsexualTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon