"Tin ready kana ba? ikaw na next na magpeperform" bigla akong nakaramdam ng kaba this is my first time, I'm going to show what I've got. Hindi naman kase ako ganitong mahilig sa pagpeperform pero kailangan kong gawin kase nga kailangan ko ng extra income.
Nandito ako ngayon sa isang restobar, tantya ko mga nasa alas nueve na ng gabi. Nilibot ko ang tingin ko sa mga tao ghad kinakabahan akoooo sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Baka mamaya magkalat ako dito, baka hindi nila magustuhan performance ko and worse baka batuhin nila ako ng kung ano ano. No hindi pwedeeeeeeeee sigaw ng munting isip ko. Naiisip ko palang gusto ko ng maiyak, gusto kong magback out pero hindi pwede.
Kaya mo yan Tin, tatlong kanta lang yan magkakapera kana panay ang pagpapalakas ko ng loob kase wala namang gagawa sakin nun.
"Tiiiin!"
"Ay kalabaw!"
"You scared meeee!" kapos na hininga kong sabi at napahawak sa dibdib ko na ngayon ay sobrang lakas ng tibok na animo'y tumakbo ng ilang metro.
"Hahahahahha ang lt ng reaction mo, kabadong kabado lang?" at nagawa pa talagang mang asar kinakabahan na nga ako e.
Btw she is Yne Santos sila yung may ari ng resto bar na to and she is my bestfriend.
"Akala ko ba dika makakapunta kase may ginagawa ka?" nagtatakang sabi ko habang pinapakalma sarili ko dahil di pa rin ako makaget over.
"Edi surprise?" nakangising sabi nya at tinuloy nya ang pagtawa. "Tsaka pwede ba naman yun, syempre susuportahan ko bestfriend ko" dugtong pa nya.
Aww natouch naman ako
"Pakiss nga" akmang ikikiss ko na sya ng iharang nya yung kamay nya sa labi ko.
"Tumigil ka nga iwww" nakangiwing sabi nya at umarteng nasusuka suka. Napatawa nalang ako medyo gumaan yung pakiramdam ko kase nandito yung bestfriend ko.
"Bes tinatawag kana goo shuuuupi, kaya mo yan pakyuuu" sabay taas ng middle finger nya sa ere. Napapailing nalang at natatawa ako, biglang nawala yung kaba ko.
Thanks bes pagpapasalamat ko sa isip ko.
This is it.
"Hello po ako po si Tin Mendoza this is my first song for you guys" natanggal man yung kaba ko ay may konting nginig pa din sa boses ko habang nagpapakilala.
Umupo na ako sa may upuan sa gitna ng stage sinukbit ko na din yung gitara ko at tinugtog ang unang kantang inihanda ko para sa manunuod sakin.
Now Playing: Back to december
"I'm so glad you made time to see me
How's life, tell me how's your family?
I haven't seen them in a while
You've been good, busier then ever
We small talk, work and the weather
Your guard is up and I know why"This is my favorite song, ewan ko ba simula nung narinig ko to hindi ko na sya maalis sa isip ko the beat and the lyrics is so lit.
"Because the last time you saw me
Is still burned in the back of your mind
You gave me roses and I left them there to die"Patuloy parin ako sa pagkanta, iniisip ko nalang nasa banyo ako walang taong makakakita sakin. Ako lang, sarili ko lang tsaka para maging natural lang din yung boses ko at inenjoy ko nalang ang nangyayari ngayong gabi.
"So this is me swallowing my pride
Standing in front of you saying I'm sorry for that night
And I go back to December all the time
It turns out freedom ain't nothing but missing you
Wishing I'd realized what I had when you were mine
I'd go back to December, turn around and make it all right
I go back to December all the time"Hanggang sa natapos ko na nga ang kanta, nakarinig ako ng palakpak galing sa mga tao na halatang nagustuhan naman kahit papaano yung pagkanta ko. Dumako yung tingin ko kay Yne binigyan nya ako ng thumbs up at may nakatutok sakin na camera at paminsan minsan ay nililibot nya sa mga tao. Vinideohan pa nga ako napailing nalang ako.
Kumanta pa ako ng dalawang piyesa it goes well naman thanks God!
"Thank youuuu poooo" nakangiting sabi ko at nag bow na din ako. Patakbo akong bumaba ng stage ng may nabunggo ako
"Ano ba naman miss, di kaba tumitingin sa dinadaanan mo?" matalim nya akong tinignan at nakasalubong pa ang mga mata na halatang iretado sa nangyare.
"Sorry" yan lang ang tangi kong nasabi habang nakayuko
Gwapo sana kaso mukhang masungit
"Bro nandito kana pala" biglang may nagsalita, sa tingin ko kasama to ni mr sungit
"Ohh diba ikaw yung nagperform kanina?" biglang napaangat yung tingin ko. Medyo maamo yung mukha neto kumpara sa nakabungguan ko.
Apat na sila ngayong nakapalibot sakin wews.
Wala namang reaction yung tatlo. Yung isa lang talaga yung mukhang friendly.
Binigyan ko nalang sila ng kabadong ngiti at dahan dahang tumango.
"Alis na ako" hindi ko na sila hinintay na makapagsalita pa at dali dali akong tumakbo papunta kay Yne.
"Yyyynnneeeee!" bigla ko nalang syang niyakap.
"I did it!" maluha luhang sabi ko. Hinagod nya yung likod ko at niyakap pabalik. "I'm so proud of you, bili tignan mo yung performance mo ang galing mo grabeeeee" nakangiting sabi nya.
"Maya nalang gutom na ako" nakalimutan ko hindi pa nga pala ako kumakaen, sa sobrang kaba ko kanina nakalimutan ko ng kumaen.
"Bruha ka, halika kumaen na tayo tas umuwi na din may class pa tayo bukas" hinila nya ako sa may dulo at umorder na sya ng pagkaen namin, maya maya lang din ay hinatid na samin at galit galit muna.
Duh food first syempre!
Parehas kaming maganang kumaen nyan e, kaya tignan mo naman ang mga katawan namin naglulusugan at wala naman kaming pakealam mas masarap talagang kumaen.
"buurpppp"
"buuuuurppp"
Natawa nalang kami ng parehas kaming dumighay ng malakas, okay lang naman walang makakarinig. Tsaka pake ba nila edi dumighay din sila.
"Sayo muna tong camera ko, panuorin mo mamaya yung naging performance mo" inabot nya sakin at nilagay ko agad sa bag ko, baka mabagsak ko wala akong pamalit kaya dapat ingatan.
"Thanks bruhaaa"
Then we parted ways
YOU ARE READING
Still into you [Love Series]
Teen FictionMay tamang oras at panahon nga ba ang pagmamahal?