"Fvck!"
Patay may natamaan ata akooooo.
I'm deaaaad! Mamaaaaaaaa
"Ano bang problema mo?" hindi ko namalayan na nasa harapan ko na pala sya. Malakas nya akong sinigawan kaya nakuha nya yung atensyon ng tao.
Parang biglang umurong yung dila ko hindi ako makapagsalita. Gusto ko nalang tumakbo at umiyak sa isang sulok.
I hate it! ang hirap maging mahina.
"S-sor-ry" kinakabahan at natatakot man ay nagawa ko pa ding bigkasin ng mahina at nanginginig ang salitang yun.
"Siguro sinadya nya yun para mapansin sya ni Tam" narinig kong sabi ng mga nakikiusyoso.
Hindi ko naman sinasadya ah, hindi ko naman alam na may tatamaan ako. Hindi ko nga to kilala e, bakit ako magpapapansin.
"Kawawa naman si ate girl" sabi pa ng isa.
"Tsk" yan nalang yung narinig ko sa lalaking natamaan ko ng bato. Hindi naman malaki yun e kung makapagreact wagas, kala mo namang kay laki laki ng nagawa kong kasalanan hyst.
Binangga nya ako sa balikat dahilan para matumba ako sa lakas ng impact. Napa aray nalang ako sa isip ko at ininda yung sakit ng pagbagsak ko.
"Don't mess up with me again or else." bigla akong nakaramdam ng panginginig. Kahit na nakabagsak ako sa lupa naramdaman kong nanlambot ang mga tuhod ko.
"The nurve of that guy, ang sungiiiit" mahinang sabi ko sa sarili ko. Mahirap na baka marinig ako ano pang gawin sakin.
"Oh bes anong eksena yan? feeling mo ba may photoshoot ka dito?" mapangasar na sabi sakin ni Yne.
"Tulungan mo kaya akong tumayo, ang dumi na ng uniform ko." pagmumuryot ko sakanya. At tinulungan naman nya ako.
"Sino ba kase may sabing umupo ka dyan? aber!?" paninita nya sakin at pumunta kaming locker para naman magpalit ako ng PE uniform. Lunes na lunes naka PE uniform ako. Lagot ako, paktaaaay.
Ganito kase yun, tas kinuwento ko sakanya yung nangyari sakin nung hindi pa sya dumadating.
"My ghad bes hindi mo kilala si Tam? okay ka lang saan kaba galing na planeta at hindi mo sya kilala?" takang takang tanong nya sakin at pinanlakihan ako ng mata.
"Hindi ko sya kilala okay, alam mo namang hindi ako friendly and yung mga kilala ko lang dito sa school natin ay yung naging classmate lang natin." pagpapaliwanag ko sakanya.
Naging magclassmate kase kami nung grade 8 kami then ayun naging friends na din.
Totoo yun, i never make friends to everyone. Pero Yne came into picture, luckily we click clang barabim barabum charooot nudaw?
"Nasa restobar sila kagabi kasama barkada nya." sabi bigla ni Yne pagkatapos kong sabihin yun.
Binalikan ko yung nangyari kagabi kumanta ako tas nagperform tapos
tapos
tapos
...
Flashback
"Ano ba naman miss, di kaba tumitingin sa dinadaanan mo?" matalim nya akong tinignan at nakasalubong pa ang mga mata na halatang iretado sa nangyare.
"Sorry" yan lang ang tangi kong nasabi habang nakayuko
"Bro nandito kana pala" biglang may nagsalita, sa tingin ko kasama to ni mr sungit
YOU ARE READING
Still into you [Love Series]
Novela JuvenilMay tamang oras at panahon nga ba ang pagmamahal?