Chapter 2

54 8 11
                                    

Punyeta. Kahit sa social media na conscious na ako.

Hindi ko kinonfirm yung friend request ni Jayden saakin. Maya't-maya pa ay may dumating pang follow request sa instagram ko at nung icheck ko yung account ay kay Jayden din yun. Isama mo na pati twitter ko. PUNYETA NILAHAT EH?

Hindi naman ako active sa social media. Ni mag story nga ay ginagawa kong one in two months. Minsan nga hindi pa. Depende lang kung may gala. Hindi din naman ako lumalabas ng bahay. In short, boring akong tao.

naglinis na muna ako ng kwarto at saka naglaro ng COD kasama yung dalawang balahurang kaibigan ko. Yan kasi yung madalas na bonding namin eh. Nagtatanga-tangahan lang kami kababaril.

Pagkatapos ay nagluto na din ako ng kanin para sa hapunan namin at pinaliguan yung apat naming aso.

ulirang anak huhu

Nag-open naman ako ng tiktok at nanuod ng mga videos. Mas komportable pa rin talaga akong nasa bahay lang kaysa sa labas. Ganito lang halos yung daily routine ko.


 ‧₊˚✩彡══━一


Its been a month. Yung sabi kong magreresign ako, eto pa rin ako ngayon, nasa work. Sayang kasi eh. Bakasyon pa at wala pang online classes.

Si Jayden? Ayon bumalik na sa closing shift. Hindi naman kami nag-uusap at hindi ko pa siya inaaccept. Until now, inaasar pa rin ako sakanya. Halos lahat na atang crew dito, kami na yung shiniship. Mabuti na lang at hindi siya pang-umaga. Minsan, nakakasabay ko siya pero hindi ko pinapansin. Nahihiya kasi talaga ako.

may isang beses sa crew room habang nagbibihis ako pauwi, dumating din siya para umpisahan yung duty niya. Ininterview siya ni ate Rica para sakin kahit hindi ko naman hininging gawin niya iyon.

"Jayden, ilang taon ka na?" Tanong ni ate Rica

"20 po ate" sagot niya

palangiti si Jayden at mabait. Kapag nakikita niya namang may binubuhat ako ay nagpe-presenta siyang tumulong.

Hindi naman ako sobrang kagandahan. Tama lang. Siguro, napapansin lang. Marami na ding nagtangkang manligaw saakin pero wala namang tumutuloy. Hindi ko trip eh. Kaya natatakot din ako sa fact na baka nacha-challenge lang si Jayden saakin dahil yun ang sabi-sabi nila dito. What if ipagmayabang lang na magaling siya kasi napasagot niya ako? Diba?

Umuuwi ako kaagad kapag kasabay kong pumasok si Jayden. As in hindi na ako nago-overtime.

Nung gabi ay napansin kong inadd ulit ako ni Jayden sa facebook kaya inaccept ko na din. Wala naman siyang makikita kundi memes. Yun na lang halos nagpapasaya saakin sa araw-araw.

Isa pa, ANDAMING NAGMEMENTION SAKANYA SA MEMES NA SHINI-SHARE KO. Kunyari na lang eh yung shinare kong mahilig ako sa Museum dates. Minention nila si Jayden na "uy ayain mo na!"

Mas marami akong nakita nung naging friend ko na sa facebook si Jayden. Mahilig din siya mag-share ng memes at nakita kong gamer siya. Typical boys. Parang kuya ko lang eh. Tiningnan ko din yung ibang pictures niya. Hindi ko pa kasi siya nakikitang walang face mask. Naninibago ako sa mukha niya. Mata lang kasi yung lagi kong nakikita eh. HAHAHAHA

okay lang. Hindi naman sobrang gwapo sa mga pictures niya pero mabait siya. Payat siya at matangkad. Akala ko nga ay bading siya nung una. Puro pa nga nognog pics yung nandito eh. Hindi rin gaano pala post.

Kinaumagahan ay naghanda na ako para sa trabaho. Maaga din kasi ang pasok kapag opening. Minsan 5 am ako pero kadalasan ay 6 am. Nung palabas na ako ay saka ko chineck ang cellphone ko. Nakita kong may dalawang unsent messages si Jayden saakin.

MALAMANG MACU-CURIOUS AKO. BAT BA NAMAN KASI NAUSO YANG UNSENT NA YAN?!

Me: Slr! Ano yan?

Sino ba naman kasing timang yung magcha-chat ng 3 am? Tulog na yung mga normal na tao eh.

Hindi na ako nag-bother pa at pumasok agad sa trabaho. Offline din naman siya. Siguradong tulog pa yun. Hindi pa rin naman gising yung mga normal na tao ng 5:30 am eh.

Pagka-out ko ay dumiretso agad akong umuwi. Sobrang init din kasi kaya nakakatamad gumala. May na eh. Tag-init sa Pilipinas.

Naligo ako kaagad pagkatungtong ko ng bahay dahil ayaw ni mama na papasok ka sa bahay na madumi. Baka daw ay may dala akong virus kaya naliligo muna kami bago pumasok at lalabhan na yung damit na ginamit.

Kumain na rin ako pagkatapos at natulog. Hindi rin sapat ang tulog ko dahil body clock ko na atang matulog ng late at gumising ng maaga. Chaka.

Pagkagising ko nang bandang alas sais ng gabi ay may reply na si Jayden.

Jayden: Ah wala naman. Yayayain sana kita mag-laro kaso tulog ka na ata.

natuwa naman ako. Baka bobo din siya, edi madadagdagan kaming bobo ng mga kaibigan ko diba.

Me: Sige! Sabi ka kung kailan mo gusto maglaro.

nakita kong active 26 mins ago siya pero nagulat ako nung biglang nag-reply.

Jayden: ngayon na kung gusto mo

agad naman akong napachismis sa mga kaibigan ko at na-excite sila saakin. Maglaro lang daw ako kahit wag na daw ako matulog. HAHAHAHA

Binigay ko na sakanya yung IGN at ID pero bobo pa ata kasi kaka-install niya lang kaya ako na lang naghanap sakanya.

at least naman mas magaling ako sakanya kahit paano. HAHAHHA baguhan siya eh.

Naririnig ko naman siya since naka on mic kami. Bigla siyang tatawa, hihinga ng malalim, tatawa tapos may sasabihin pero hindi na uulitin. Halatang nahihiya. Ang cute. HAHAHA luh

Nakatatlong laro kami at umayaw na ako. Lowbat na ako eh. Sabi ko mamaya ulit pero hindi na kami naglaro sa mamaya na yun. Magkausap na kami!

at starting that day, nagchat ako sa manager namin ng "ma'am, hindi po ako makakapasok bukas. Nilalagnat po ako" at hindi na nga tuluyang pumasok magpakailanman.

Awkward talaga and at the same time, ayoko ng issue. Isa pa, yung age gap namin. Pano na lang kung mahulog ako? Hindi yan impossibleng mangyari kaya iiwas na lang ako. He's kind. Malalahanin din. Ma-effort. Imagine mo kasi nag download pa ng game na pagkalaki-laki ng gb para lang makalaro ako.

Wala naman akong previous relationship kaya hindi ko rin alam kung kaya kong ihandle ang ganito. 









You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 29, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Dear LunaWhere stories live. Discover now