Chapter 1

84 0 0
                                    

3rd Person's POV

"Krys, Krys, Krys, alam mo ba?" Masayang pagkakasabi ni Kai habang pahakbang-hakbang na palapit sya sa kanyang best friend na si Krystal.

"What?" Sagot ni Krystal.

"May new student na dadating." Ngiti ni Kai.

"Oh, talaga? Excited ka ba dahil babae yan?" Panjojoked ni Krystal at pinalo si Kai sa braso.

"Ano!? Hindi, lalaki sya and he's someone we both know." Sabi ni Kai at ngumiting palaro.

"Talaga? Who?" Tanong ni Krystal na curiosity ang nakasulat sa muka nya.

"Makikita mo kapag dumating na sya dito." Ngiti ni Kai at umupo na sa desk na kalapit ni Krystal.

Kim Jong-in or Kai and Krystal Jung. Lahat ng studyante sa SM High kilala kung sino sila. Parehas matalino, attractive, at mayaman. In short, they are whole package.

Si Kai,isa syang captain ng Basketball Team at isang student council president. Mabait sya sa lahat ng nag-aaral sa SM High, so impossible namang magkameron sya ng haters, pero almost lahat ng kalalakihan, inggit sa kanya.

Krystal Jung naman ay isang vice president at hindi sya member ng kahit anong athletics team. Kilala sya bilang Ice Princess kagaya lang ng older sister na si Jessica Jung, ang real Ice Princess. Pero hindi talaga sya cold. ang hobbies nya ay eating, going out with her friends, working out.

Kai and Krystal have been best friends since, well they can remember, at napaka close ng dalwa, which is napapagkamalan silang couple ni Kai kahit hindi naman.

Pagkatapos umupo ni Kai, dumating na ang Teacher nila na si Mr. Lee.

"Okay, okay settle down class." Panimula ni Mr. Lee.

"Ngayon, I know na alam nyo na to lahat, but we have a new student joining us today." Announced ni Mr. Lee at tinawag ang new student na pumasok.

"Annyeonghaseyo, Lee Taemin-imnida, but just call me Taemin. Please take care of me." Pagpapakilala ng matangkad na lalaki.

Pagpasok na pagpasok ng gwapong lalaking toh, napasigaw at kinilig naman ang mga kababaihan sa klase at para sa mga lalaki naman, sinamaan sya ng tingin.

"Omo~ Kamuka nya si Kai. Sana mabait rin sya at caring tulad ni Kai." Sabi ng mga girls.

"Tsk, isang Kai nanaman." Reklamo ng mga lalaki.

"Okay settle down, Taemin you can sit behind Miss Krystal Jung." Sabi ni Mr. Lee bago ituro yung vacant seat sa likod ng Vice President na ang muka ay parang nakakita ng multo.

"Taemin...." Bulong ni Krystal sa sarili nya habang diretso naman ang pagpunta ng lalaki sa kanyang upuan.

Pagkatapos makaupo ni Taemin, humarap rito si Kai at binati ito.

"It's nice to see you again, Taemin" Ngiti ni Kai.

"Oo nga eh, hindi ako makapaniwala na dito kayo nag-aaral. Grabe, it's been awhile." Ngiti rin ni Taemin.

"Oo, mga.....5 years na diba?"

"Yup." Ngiti ni Taemin at dinala ang kanyang attention sa babaeng nasa harap nya.

"Kamusta ka na Krys?" Tinapik ni Taemin ang balikat ni Krystal.

"Fine." Ang ikli nyang sagot and binalik ang attention nya sa lecture.

KAI'S POV
Wow. 5 years ng nakakaraan mula nung makita ulit namin si Taemin. Namiss ko yang Dancing Machine nayan. Sya yung kaibigan namin nung middle school, pero kinailangan nyang lumipat bago yung last na year nalang ng middle school matapos. Ngayong bumalik na sya, mas lalong ngingiti si Krystal. Lagi akong may kutob na may gusto si Krystal kay Taemin. Since nung umalis sina Taemin, lagi nalang tulala si Krystal kapag wala ako. Haayyy... Sana masabi ko na sayo ang nararamdaman ko, but we promised not to fall in love with each other EVER. Ni hindi ko nga manlang nalaman kung paano yun nangyari, pero nangyari nalang. I fell in love with you Krystal, I fell in love with my best friend, pero kailangan kong maitago toh, dahil nandyan na ang nagmamay-ari ng puso mo. Ang magagawa ko lang ay bantayan ka at alagaan ka ng malayuan.

KRYSTAL'S POV
Taemin. Lee Taemin. It's been 5 years now. Tumangkad ka, pumuti ka, at lalong nagin gwapo, kahit naman muka kayong kambal ni Kai keke. Pero hindi parin ako makapaniwala na nandito ka na. I missed you, and I still regret not telling you how I feel about you. Sa totoo lang, simula nung umalis ka, lagi kitang iniisip. May naramdman akong weird na loneliness nung umalis ka, but thankfully, Kai, my best friend forever, ay laging nandito sa tabi ko, laging nandyan kapag kailangan ko, ang taong nagasaya sakin at nagpangiti. Mabuting kaibigan si Kai, lagi nya akong binabantayan, he's like a brother that i never had. Ngayon, sana masabi ko lang kay Taemin, amg nararamdaman ko sa kanya kung hindi baka magsisi ako. Magpatulong kaya ako kay Kai?

TAEMIN'S POV
I'm back, Lee Taemin is back in Korea. It's great to be back at buti naman nakita ko na ulit si Kai at Krystal. Namiss ko sila, lalong-lalo na si Krystal. Hindi ko pa pinag-sasabi to kahit kanino, na in love ako kay Krystal, simula nung nakilala ko sya. Dati akala ng lahat silang dalwa ni Kai, kahit mag best friend lang yang dalwa, pero takot parin ako mag confess sa kanya. Ang ibig kong sabihin ay paano kung gusto nya si Kai at tinatago nya lang yun? At isa pa, ayokong masira ang new found friendship namin, so tinatago ko lang yung nararamdaman ko sa sarili ko. That is until now. I promise na aaminin ko na sa kanya ang nararamdaman ko, magpatulong narin kaya ako kay Kai? He knows Krystal better than anyone.

The BestFriend ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon