Yna's POV
Eto na ako sa school. Mga 20 mins pa siguro mag sstart yung klase namin kaya nasa labas pa kami
Tinignan ko yung mga kaibigan kong baliw. Nakaupo lang kasi ako sa bench at nagbabasa lang ako. AT I can see them, Hiwa hiwalay sila at iba iba yung ginagawa. Mga baliw talaga to! Hahaha Pero may isang nakakuha ng atensyon ko. SI DANIA Kanina pa tingin ng tingin sa paligid nya na parang may hinahanap.
Hay nako! Wala akong pakialam sa mga kalokohan nila. Babalik na sana ako sa pagbabasa ng..
"GIRLSSSS! ANDYAN SA SIYA!" Sigaw ni Dania, Shet. nahulog ako sa bench. dahil sa sigaw nya. At nakita ko nalang isang kumpol na yung mga letse kung mga kaibigan. at kung saan nakatingin.
Titignan ko sana yung tinitignan nila kaso bigla ng rumami yung tao. Psh. Nevermind. Who's that guy anyway? Kasing pogi ba sya ni Liam Hemsworth at kasing HOT ni Zac Efron? I guess not. Di sya pasa sa standards ko. Mataas na kung mataas. Maganda naman ako eh. Hahahahah! :D
Umupo nalang ulit ako sa Bench at nagbasa uli.
"Hoy Yna! LONG Time no see!" Sabi ni Drew. Isa sa mga bestfriends ko, take note: first love ko. Yes!! First love. Im inlove with him since we're kids. At ako lang nakakaalam non. Kase alam kong tingin nya lang saken ay kapatid. Ayokong ma kapatid zoned
"Uy Drew! Mas gumwapo ata ah?Long time no see din." Sabi ko at lihim akong napangiti..
"Hahaha! Bolera ka talaga Yna! Tumangkad ka nga eh! Oh? Asan yung iba? " Tanong nya. Oh, He's referring dun sa tatlong Nakikipag siksikan dun sa kumpulan.
"Andon." Tinuro ko yung maraming tao.
"Bakit andon?" He asked.
"Nakikipag harang taga! joke! Andon ata yung crush nila." Sabi ko na natatawa habang nakatingin parin sa libro ko.
"Ahh. I see. Ba't di ka sumama?" Tanong nya. Gusto ko sanang sabihin na "syempre, ikaw lang naman hahabulin ko sa tanang buhay ko." Pero syempre, di ko sinabe yon.
"Hu! Di ko pinangarap ang maging Fangirl!" Sabi ko at tumawa lang sya.
I took a glance at my friends na nakalabas na pala mula sa kumpulan kanina.
"GAWWWWWD! Ang hot talaga ni Psylem!!" tili ni CD
(A/N: Pronounced as Saylem)
"Yah! He's the man! Napaka macho! MAN OF MY DREAMS!" Habang sinasabi to ni Kara aba ang bruha kilig na kilig.
"Waaaah! Ang Pogiiii!" NAKO! isa pa tong si Dania.
"Hi!" Masayang bati ni Drew sa kanila.
"UY DREWWWW! tumangkad ka!" Sabi ni Dania.
"Hoy! Yari na ba kayo sa mga kaekekan nyo?! Aba 5 minutes na lang at magkaklase na tayo!" Sabi ko, 7:55 am na oh!
Pumunta na kami sa building namin at tinignan kung anong section kami. Section4- B kami. YES4- B. Matalino ako pero mas gusto ko dito sa Class4- B, Kasama ko yung mga kaibigan ko. Tsaka dun kasi sa class A masyadong Seryoso dito fun fun! HIHIHIHI , Pero pantay ang curriculum. Pili lang talaga yung mga students don. Pero si Drew sa Class4- A, Matalino din yun eh. Ngayon ko lang nalaman 4-a pala sya. Haysss..Nga pala Fourth year High school na kami!
papasok na sana ako sa room namin ng mapansin ko na wala na pala sa tabi ko yung mga kaibigan ko. TEKA?! ASAN YON?! Tumingin ako sa likod ko,at nakita ko, ABA! Pasimpleng lalakad kad sa tapat ng bintana ng Class4- A. If I know. Andyan yung crush nila.
Pinuntahan ko na sila at hinila sila papunta sa room.
"Mag sstart na yung klase." Sabi ko habang hitak parin sila.
![](https://img.wattpad.com/cover/28851303-288-k985898.jpg)
BINABASA MO ANG
Butler in Charge
RomanceAng lalaking pinapantasya ng mga Kabarkada mo, magiging butler mo?! ABA MATINDE! Pero PAANO?! copyright© 2015 flandraepou Story Written:December 21, 2014 Published: August 3, 2015 ON GOING