—
"Sir hindi nga po pupwedi dahil wala po kayong resita"
"I don't care! Just give me the medicine because my sister needs it. NOW!"
Napukaw ang atensyon ng iba pang mga costumer dahil sa lakas ng kaniyang tinig. Gigil na gigil na siya. Kailangan niya ng gamot na ito dahil may sakit ang kaniyang nakakabatang kapatid.
"Sir huwag po kayong mag eskandalo rito. Andiyan po ang may-ari nito sa loob." paalala ng Pharmacy Assistant sa kaniya na kanina pa niya kinakausap at tinatanggihan ang kaniyang bibilhin. Pang sampo na itong botika na kaniyang nadaanan at wala pa rin siyang nabibili.
Kapag may nangyaring masama kay Nica ay hindi niya mapapatawad ang mga ito.
"Miss ibigay niyo na kasi ang gamot na gusto nitong si pogi." saad naman ng ginang na nasa tabi ni Izo. Ang mga mata niyang tila nagniningning dahil sa gandang tangi ng ginoong katabi niya.
"Hindi po talaga pwedi maam. Antibiotics kasi ito at labag po ito sa aming etiko at nasa batas po iyon. Walang resita, walang gamot. Kaya sa iba na lamang kayo bumili sir." paliwanag nanaman ulit ng PA.
"Grace, anong nangyayari rito?" biglang sambit ng babaeng hindi katangkaran at mayroong malumanay na boses.
"Ma-maam Lou! Eh kasi po nagpupumilit po si sir na bumili ng antibiotics kahit wala pong resita." nauutal subalit mabilis na saad ni Grace sabay turo sa lalaking nakaitim at inip na inip na.
Nanlaki ang mata ni Lou sa nakita niya. Ang nakadepinang panga nito ay umiigting na sa pagkainip at inis marahil ay dahil sa hindi pagbibigay sa kaniya ng gamot nito. Ang mapupulang labing tila namumula na dahil sa pagkakagat nito na indikadyon na malapit na siyang sumabog at ang kilalang kilala niyang mga mata na tila walang pinagbago. Ito pa rin ang taong nakilala niya makalipas ang maraming taon.
"O-oh?" natulala at nauutal na saad ni Lou.
Izo smirked. Sa lahat ng oras at lugar, dito pa nagtagpo muli ang kanilang landas. Namamangha siya sa nakikita. Mas nagmature siya pero ang kaliitan nito ay ganoon pa rin. Ang magandang matang nagpahulog sa kaniya noon ay ganoon pa rin. Nakaawang ang labi nito sabgulat at hindi napigilan na tignan ito.
"I-izo." muling sambit ng babae.
"Louisa."
Napatigil ang hininga ni Lou.
"Maam sorry po talaga! Naabala pa kayo sa ginagawa niyo. Tatawag nalang po ako ng security sa labas." dali daling saad ni Grace at aalis na sana para tawagin ang nagmeryenda nilang gwardiya.
"Huwag na Grace!" tigil ni Lou. Napatingin siya sa lalaking nasa harapan niya na nakataas na ngayon ang kilay na tila hinahamon siya.
"Ako na ang kakausap sa kaniya." saad ni Lou na nakatingin pa rin sa mata sa lalaki sabay talikod nito at bumalik sa loob ng kaniyang opisina.
Nakibalikat na lamang si Izo at sumunod sa loob. Hinayaan naman siya ng mga PA dahil boss na mismo ang nagsaad.
Prenteng binuksan ni Izo ang pinto at nilibot ang mata nito sa loob. Puro gamot at papel. Wala pa ring pinagbago. Workaholic pa rin ito.
Tinutok niya ang mata sa babaeng nakaharap sa kaniya at hinihintay siya matapos magmasid.
"Uhm... ano ba ang bi-bibilhin mo?" ingat na saad nito.
"Kailangan ko ng gamot para kay Nica." diin na saad nito.
Lumaki naman ang mga mata ni Lou at bumalot ng pag aalala sa kaniyang mukha.
"Hindi pa rin siya gumagaling?! Teka lang, tatawagan ko si doc Ann para makahingi ng reseta!" gulat at nagmamadaling saad ng babae at patakbong lumabas para yata kumuha ng gamot.
Hindi na niya kailangan pang sabihin kung ano ito dahil sa haba haba ng kanilang pinagsamahan, alam na alam ni Louisa ang mga bagay na ito.
Pagkalipas ng ilang minuto ay bumalik ito ng may bitbit na mini ecobag.
"Eto na. Bilisan mong bumalik at baka napano na iyon. Kumpleto na yan. Sa susunod ay kumuha kayo ng resita para hindi ka mahirapan bumili. Mas mabuting—" didiretsong paliwanag ni Lou subalit napahinto ito ng unti-unting lumakad si Izo patungo sa kaniya hanggang nabunggong ang likod nito sa kaniyang lamesa.
"A-anong ginagawa mo?" tila kinakabahan na saad ni Lou at napapayuko na lang.
Napasinghap siya ng ilagay ni Izo ang dalawang kamay nito sa kaniyang lamesa.
He caged her using his both hands.
Napatingala si Lou at agad naman nagsisi ito. Tila hinihigop ang kaniyang hininga sa tuwing tumitingin ito sa mga mata ng lalaking ito.
Lalo siyang napasighap ng biglang sinakop ni Izo ang isa niyang kamay sa kaniyang bewang dahilan upang mapalapit sila ng lubusang dalawa. Dumikit ang dibdib nito sa lalaki.
"I-izo!" ingat nitong saad at itutulak na sana ang lalaki ng biglang siniksik ni Sam ang mukha sa leeg ng babae.
Napahinto itong gumalaw at tila kinakapos ng hininga si Lou. Nararamdaman nito ang init ng hininga ng lalaki sa kaniyang leeg at kahit bagusbos ang aircon nito sa kaniyang opisina ay pawis na pawis ito.
Lumambot ng tuluyan ang tuhod ni Lou ng naramdaman ang munting halik ni Izo sa kaniyang leeg. Napahawak siya sa braso nito para hindi tuluyan maupo. Humigpit naman ang kapit sa kaniya ni Izo sa kaniyang bewang tila inaalayan ito.
"I-izo anong ginagawa mo?!" tila natauhan si Lou at buong pwersa nito tinulak si Izo palayo sa kaniya.
He just smirked. Nabalutan ng dilim ang kaniyang mga mata.
"I missed you baby. This time, you can't run away from me." saad nito at agad na tumalikod palabas ng kaniyang opisina.
Napahawak sa dibdib si Lou. Nagkita sila. Nagkita sila! Hindi niya alam ang gagawin at tuluyan na lamang napaupo sa kaniyang lamesa.
After 5 long years— he finally found me.
Napangisi na lamang si Izo habang umaalis sa lugar bitbit ang gamot para sa kapatid. Subalit bago tulayang umalis ay tumalikod siya at tinignan ng mabuti ang karatulang nakasabit sa ibabaw,
Louisa Drug store—retail and wholesaler
"So, this is is my baby's business huh?" sambit nito at tuluyang umalis.