Chapter 5

609 22 3
                                    

Chapter 5

 

 

Baekhyun’s POV

 

 

“cout>> “Enter an Integer: ” ; ilalagay ko yan para—ARGH!! Punyeta naman oh! Bakit ba kasi kailangan pa natin pag-aralan ang pisting C++ na ito?! Mas gusto ko pang gawin nalang yung tanginang flowchart na yan!” Sabi ko habang galit na galit na tinitignan ang notebook ni Kyungsoo.

Hinablot naman ni Kyungsoo ang notebook niya at niyakap ito na parang doon nakasalalay ang buhay niya. “Ya! Eh di huwag mong sirain ang notebook ko! Mahal to uy!”

 

“Tss.”

 

Tumahimik nalang si Kyungsoo. May test kasi kami sa Computer Science at C++ ANG ITETEST NAMIN!!! WALA AKONG MAINTINDIHAN DIYAN!! ANG ALAM KO LANG EH YUNG <iostream>. Mas gusto ko pang ipunta si Kyungsoo kay Jongin at panoodin silang maglandian. Oo, officially na pumayag na si Kyungsoo. Wae? Kasi Nung pangseventh month na ni Jongin sa panliligaw niya eh sinorpresahan niya si Kyungsoo. Nakita naman ni Kyungie ang effort ni Jongaen kaya pumayag na rin.

Ang XiuChen naman eh nagkaaminan na. Si Umin hyung pa nga ang umamin eh. Si Chen nga lang ang nanligaw. Natatawa nga ako tuwing naaalala ko ang mukha ni Chen nung umamin si hyung. He was like “Lol wut?”

Ang HunHan, sila na. Oo tangina ewan ko kung anong nangyari. Dati kasi one month silang nag-away at one day nalaman namin na sila na. Ang gago diba? BTW nasa China si Xiumin at Luhan hyung. Kailangan daw muna kasi nilang imanage yung Resto nila. Kaya nga every night rinig na rinig namin ni kyungsoo ang Pag iiskype nila. One night nga eh nabwisit si Kyungsoo sa ingay ni Sehun kaya hinampas niya ito ng libro.

Iba narin ang dorm namin. Nalaman namin kasi na kung kasali na kayo sa mga singer groups eh may sarili na kayong dorm. At para makapagconcentrate daw kami.

Pagkapasok namin ni Kyungsoo sa room agad kaming umupo. Pumasok agad ang teacher namin sa Math. Hingal pa ng hingal, baka tumakbo nanaman tss.

“Okay…huff… class.. haff…you will have a pair work today. SO here’s the pairs for today: Jongdae and Kyungsoo, Sehun and Taehyung, Baekhyun and CHANYEOL…”

 

What?!? Sinong Chanyeol? I have no memory of a Chanyeol lurking around our room. Charot! XD Since Katabi ko naman si Chen ngayon lumipat siya sa tabi ni Kyungsoo. May umupo naman sa upuan ni Chen na matangkad na lalaki. So… I guess this is Chanyeol?

Lumapit siya sa akin at nginitian ako. He held out his and and smiled at me, “Byun Baekhyun di ba? Ako nga pala si Park Chanyeol.”

 

“Nice to meet you. So, gawin na natin to? Paturo ha? Please~” Tumawa siya.

“Sige…”

 

Secret Admirer (BaekYeol)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon