Chapter 1

1.1K 48 13
                                    

Baekhyun’s POV

 

Yawn! Inaantok parin ako. Nakakabwisit naman kasi yang mga projects. Bigla biglaan, aber sino ako wonderwoman para gawin yan?! Argh!

Pumasok na lang ako sa room namin. Langya naman kasi sila Kyungsoo. Hindi man lang ako ginising.

“Baekhyun, itsura mo? Mukha kang zombie.”

 

“Tumahimik kang kwago ka.”

 

“PMS ka ba ngayon? By the way baki—” Hindi natapos ni Kyungsoo ang sinasabi niya dahil may sumigaw.

“KYUNGSOO HYUNG!”

Tinignan namin ni Kyungsoo kung sino yun. Si Kai pala, ang manliligaw ni Kyungsoo. Hanggang ngayon nga hindi parin makaaniwala si Kyungsoo na nililigawan siya ni Kai. Kilala kasi si Kai bilang the ultimate playboy. Kaya nagulat kami nung biglang nagconfess si Kai kay Kyungsoo sa harap ng BUONG school. Ayaw ni Kyungsoo na paasahin si Kai kaso sadyang makulit si Kai. By the way, four months na niyang nililigawan si Kyungsoo. Ewan ko lang kung may nararamdaman si Kyungsoo.

Dahil alam kong makikipaglandian nanaman si Kai, iniwan ko na sila. Medyo creepy din kasing manligaw si Kai. Subukan lang niyang lokohin si Kyungsoo kung gusto niyang makatanggap ng hapkido skills ko.

Nagulat ako nang makakita ako ng isang starbucks coffee sa table desk ko. Binasa ko ang nakalagay na not sa tabi ng cup.

Yo Wazzup Hyung!

 

Alam kong nagtataka ka kung sino ang nagbigay nito. Huwag kang mag-alala, wala yang gayuma o lason. Alam ko din kasing nagpuyat ka dahil sa mga requirements natin.Sana sa susunod hindi ka na magpupuyat. Sige ka papanget mukha mo. Kaso huwag kang mag-alala ikaw pa rin ang love ko.

 

Mwah! Labyu!


 Bacon lover

P.C: Nakalimutan mo nanaman eyeliner mo. L Baka hindi ka maging comfortable kasi wala kang eyeliner. Don’t worry, may nilagay akong eyeliner sa tabi ng drink. J

XIUTANG INA!! Nakalimutan ko nga pala mag eyeliner sa kakamadali ko! Kaso wait sabi niya may eyeliner daw?

Hinananap ko kung nasaan ang yung eyeliner na sinasabi niya. Nang makita ko isang malaking WOW lang ang masasabi ko. This brand is one in a million! Mahal na mahal ito! Iisa lang nga ang ganyan ko eh!

Sa sobrang saya ko nainom ko agad yung coffee at dumiretso sa restroom para mag eyeliner.

Pagkatapos kong nag eyeliner pumasok ako agad sa room. Wala na pala si Kai umalis na. Nandito na rin si Chen at Sehun.

Secret Admirer (BaekYeol)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon