Famewhores - Meron akong classmate na famewhore, hindi 'ko na sasabihin yung name nya kasi ayoko namang sigawan ako ng parents ko dahil pinatawag sila sa office dahil nag-sumbong si Famewhore na sina-cyber bully ko sya. Let's name her, Fatima.
Si Fatima, yung tipo ng babae na, ipinagmamalaki yung mga gamit nyang bagong bili or bigay ng boyfriend nya. Hindi sa naiinggit ako kasi kung ano yung meron sya, meron din naman ako. Ang problema lang, hindi 'ko pinagmamayabang yung akin, para lang sumikat.
Sometimes, nagpapanggap syang naglalaslas. Dadrawingan nya ng pulang ink yung kamay nya tas pipicturan nya at ipopost with caption na "Aray Ko Bh3, Laslas tayo?". Tas pag-pasok ko sa school, pinagkakaguluhan sya nung mga classmate ko. Naririnig ko na tinatanong nung mga classmates ko kung nasan yung scar tas ang sinasabi nya, "wala na, ambilis nga nawala e." Minsan natatawa na lang ako kasi, antanga ng mga fans nya. Hindi ba naman magets na isa syang, sinungaling? Tsk. Mga isip-bata kasi.
BINABASA MO ANG
ReaLTalK (For GirLs)
Literatura FemininaRealtalk para sa mga nagmamaganda, famewhores, plastic, papansin, mang-aagaw, malandi at kung ano-ano pa. Kung may kina-iinisan kang ganyan, basahin mo 'to makaka-relate ka!