Hinanakit

26 5 0
                                    

Nagsimula tayo sa puro kalokohan
Na nauwi sa puro seryosohan
Di mabilang mga matatamis na salita
Na ngayon ay wala na
Nandyan upang sumaklolo sa mga oras na kailangan
Pero ngayon ay wala na
Tayong dalawa , mali ikaw at ako ay pinagtagpo sa maling oras lalo na't sa maling panahon
Mga araw dati na sabik na makausap
Mga araw na lagi kitang kausap
Kay sarap sa pakiramdam
Dahil may taong nandyan sa aking tabi na nag aantay pala sa akin
Mga pangakong di na makakamtan at kailangan ng kalimutan
Dahil sa maling nabitawang salita ay nagbago ang lahat
Di sinasadya
Di sinasadya na ika'y masaktan
Di sinasadya na ika'y napaasa ng mga pangakong aking binitawan
Di sinasadya na nagdesisyon ako ng basta basta,
Ngunit sa desisyong iyon ay di ko pinagsisisihan
Bagkus para sakin ay tama lamang
Di ako sapat para sayo
Dahil alam kong may dadating na tunay na para sayo
Pasensya sa lahat ng aking ginawa
Pasensya sa pang ghost at pasensya kung ika'y nasaktan
Di mapapalitan ng salita ang naidulot
Dahil ito'y makakalumot sa pusong nadurog
Pusong parang baso kung madurog
Pusong iniingat ng lahat
Ngunit sa isang iglap
Kay daling mabasag
Walang oras na hindi ka sumasagi sa akin isip
Iniisip kung okay ka lang ba?
Ako'y nagpapakita ng halaga
Sapagkat naging parte ka ng aking buhay
Guilty ang namutawid saking isipan
Nang nagbitaw ako ng desisyon
Nag iisip kung ano ang mararamdaman mo
Noong di ka nagparamdam
Napag isipan ko na ,
Siguro kailangan kitang bitawan
Siguro hindi talaga tayo para sa isa't isa
Kung tayo man dadating din ang panahong yun
Sana mapatawad mo ako ....

Yan ang isa sa mga message ko ...
Madaming akong hinanakit hindi ko alam sasabay ka pa ...

Alam mo ba? Ang isa sa mga ayaw ko?
Yung ikinukumpara ako sa iba na hindi naman ako
Iba, iba siya at iba ako
Di kami iisa

Antagal ng panahon na lagi tayong mag kachat
Lagi tayong magkausap
Pero di mo pala alam na sensitive ako
Sensitive ako lalo na kung inahalintulad moko sa isang tao lalo na't di ko pa nakakasama o nakakasalamuha ...

Bumababa ang tingin ko sa sarili ko
Kasi once na inihalintulad ako di na mawawala sakin yun
Iisipin ko yun hanggang sa maging hinanakit ...
Di ako nag cocompare sa mga tao
Kasi alam ko yung feeling

Masakit man pero wala ih nabitawan na yun ng taong mahal mo ... Big deal sakin?
Syempre kala ko pamilya ko mang cocompare sakin yun pala maging siya magagawa ....

I miss her ... I really do but pag sumasagi sa utak ko haha napapangiwi ako

Masama ba? Masama ba nabitawan ko siya? Binitawan ko siya kasi alam kong makakabuti sa kanya yun ... Babalik siya? Edi bumalik siya basta maging happy ka lang sapat na sakin yun ... Kahit na nasaktan ako sa sinabi mo na nagkakamabutihan kayo uli ....

Iniwan moko na gulo sa huling mensahe mo tas babalik ka oo nag sorry ka pero ano magagawa ko? Kung di ko mapagbigyan? ... Buo na isip ko alam ko pati kayo maguguluhan pero nasabi ko na yun sa kanya hayssss...

Hindi lahat ng nangyari dito sa story nangyari sa totoong buhay ...

Di ko Sinasadya ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon