Forgotten Past: Chapter 4
Pagkapasok nya sa room 203, kung saan ang magiging bago nyang classroom, nakita nya kaagad si Fey na nasa harapan kausap si King at isa pang babae. Doren sighed in relief, knowing that the two of them are classmates. Pumasok si Doren sa classroom na may intensyon na kausapin si Fey. Alam nyang magiging mahirap ito pero kailangan nya itong gawin.
"Fey..."
Tinawag nya si Fey para kausapin pero hindi sya pinansin nito at nilagpasan lang para lumabas sa kanilang classroom. Doren tried to follow her, but King interrupted before he could.
"Nangyari dun? Nag-away ba kayo? Yan, suplado mo kase." Sabi ni King sa pinsan nyang si Doren sabay hawak sa balikat nito na with matching 'tsk tsk' pa. Tinignan lang ng masama ni Doren ang pinsan nya na agad namang iniwasan ni King. Agad nyang iniba ang usapan at pinakilala ang kasama nya kay Doren.
"Insan, si Jubilin nga pala. And Lin, this is Doren."
"Hi!" Masayang bati ng babae at hinila si Doren para yakapin ito at makipagbeso-beso. Nabigla si Doren sa ginawa ng babaeng ito sa kanya, pero bakit parang pamilyar ang boses na ito? Nang makalayo na sila sa isa't isa ay tumingin si Doren sa babaeng pinakilala ni King at laking gulat nya nang tumambad sa kanya ang isang pamilyar na itsura.
"My prince charming..."
Bigla nyang naalala ang mga salitang ito.
The girl in front of her was the one who chased her the other day, the vending machine girl!
~~
"I'm an esper, Fey. And in this world where magic exists, we are cursed by fate to be apart forever."
Hindi maalis sa isipan ni Fey ang mga sinabi sa kanya ni Doren kahapon.
Esper? Magic? Cursed? Apart forever?
Iilan lang ito sa mga katanungan nasa isip nya ngayon. Natigil ang mahabang pag-iisip nya nang mapansin nya si Doren na nasa isang tabi habang bahagyang nakaluhod. Hingal na hingal ito at pasulyap-sulyap din si Doren sa hall na parang may tinatakasang kung sino man.
Pinagmasdan nya lang si Doren at biglang sumagi sa isip nya ang misteryosong lalaki kahapon. Ang tinatakasan nya bang tao ay ang lalaki kahapon? Kinakabahan na sya sa mga naiisip nya ngayon. She was about to call him but stopped when he suddenly stand up and sighed, a kind of sigh that says; 'what a relief!' She was about to get away from him when suddenly their eyes met accidentally.
"Fey!"
Napatingin silang dalawa sa direksyon kung saan nanggaling ang boses at nakita nila si Jubilin, kumakaway-kaway pa habang si King ay nasa likod nya na hingal na hingal na. She felt relieved nang makita nya na si Jubilin lang pala ang pinagtataguan ni Doren at hindi ang misteryosong lalaki.
Tumakbo si Doren at hinila si Fey para takasan si Jubilin. She was shocked.
Gusto nyang kumawala sa hawak nito pero hindi sya hinayaan ni Doren na gawin ito. Doren held her hands, strong but tender. Mahigpit nyang hinawakan si Fey nang hindi ito nasasaktan. Thinking about how he held her hands like that makes her blush. Ang pagtakas nya sa paghawak ni Doren ay naudlot dahil sa mga naiisip nya.
Fey was taken back into reality when Doren sighed in relief. Hindi nya namalayan na kanina pa pala sila huminto sa pagtakbo.
"Sorry." Binitawan na ni Doren ang kamay ni Fey. She looked at him confused. Why is he running away from her?
"Long story, please don't ask me." Sabi ni Doren with his eyes looking tired sabay buntong-hininga. Napapadalas ang pag-sigh nya. Dalawang beses palang sila nagkikita ni Jubilin pero ganyan na sya ka-stress dahil kay Jubilin. At nadadag pa sa stress nya ang misteryosong lalaki kahapon at ang sumpa. All of that happened on the span of 3 days! On his new school! How unfortunate. He sighed once again bago magsalita.
"Fey, can you help me break this curse?" Tanong ni Doren.
Tumahimik lang si Fey. Fey wanted to get away as soon as she can but seeing his eyes and how he sighed,and once again, ang plano nyang pagtakas ay naudlot nanaman. He must be tired because of that mysterious guy, because of Jubilin, for whatever his reason are that Fey can't understand, and about that curse. The curse that pulls them apart.
He's suffering because of me. She thought.
Gusto nyang sabihin na hindi sya ang babaeng isinumpa kasama nya. Gusto nyang sabihin na hindi sya ang babaeng 'yon. Gusto nyang sabihin na baka mali ang lahat nang ito, but what can she do? Kung sya mismo ay walang tiwala sa sarili nya, sa mga naaalala nya? Memories can be deceiving. Someone told her that in the past.
Nahihirapan na si Doren dahil sa mga nangyayari. They were both confused, and both lost, yes. Pero ngayon ay naiintindihan nya na si Doren. She understands him now. Dalawa lang ang pagpipilian nya, yes or no. Sa kanyang pag-iisip ay nakapagdesisyon na sya. Alam nyang wala na itong balikan sa oras na ibigay nya ang sagot nya.
"Yes. I'll help you."
ʕ•̫͡•ʕ•̫͡•ʔ•̫͡•ʔ•̫͡•ʕ•̫͡•ʔ•̫͡•ʕ•̫͡•ʕ•̫͡•ʔ•̫͡•ʔ•̫͡•ʕ•̫͡•ʔ•̫͡•ʔ
.
BINABASA MO ANG
Forgotten Past
RandomThis is a story of a boy and a girl finding the truth from a uncertain past and memories full of doubts. All Rights Reserved