"oh,mabuti gising kana, ang tulog mantika mo talaga."sabi sa akin ni mama nong nakita nya akong bumaba sa hagdanan namin, ay joke.
nakalimutan ko pala na wala kaming hagdanan hehehe.Napakamot ako sa ulo ko, at nakita ko ang kapatid ko na umiinom ng kape.sinamaan ko siya agad ng tingin nong masulyapan nya ako, at aba, inirapan lang ako ng loko.sarap sapakin, yung mabasag talaga yung bungo niya.joke
"Pano banaman ma, tong si Ryle binuhusan banaman ako ng tubig habang tulog ako, ang sarap na ng panaginip ko e."reklamo ko.
Tumingin si mama sa kanya ng nagtatanong ng mga mata.
"Bat mo binuhusan Ryle?"tanong ni mama sa kanya.
"E kasi ma, tong si Rain ang hirap gisingin, kaya binuhusan ko na lang para sigurado na gigising siya."sagot niya sabay irap, tika lang kanina patong irap ng irap ah, bakla ba siya?
At syempre si ako hindi nagpatalo."puwede mo naman akong gisingin ng maayos ah, kailangan talaga buhusan?! tadyakan kita diyan eh!"sabay amba ko ng tadyak pero umilag siya.
"Sige!ibabato ko to sayo!"sigaw niya habang may dalang baso sa kanyang kamay at ibabato sa akin.
"Sige ibato mo!"sigaw ko rin sa kanya.
"Bruha!"sigaw niya, abah iniinit niya talaga ang ulo ko.
"Bakla!"balik kung sigaw sa kanya.
"Bruha"
"Bakla"
"Bruha"
"Bak----"
Napahinto ako pati narin si Ryle, nang marining namin na may humampas sa lamesa.dahan dahan akong lumingon doon at nikata ko si mama na may dalang sandok, siguro ginamit niyang pang hampas kanina sa lamesa. Masama at galit ang tingin sa amin ni mama, kaya tumahimik na ako pati narin ang loko.
"Hindi pa kayo titigil ha.
para kayong mga bata ang lalaki nyo na!"saway samin ni mama."Eh kas----"pinutol ni mama ang dapat sasabihin ni Ryle.
"Tumahimik kana, pareho lang kayong matitigas ang ulo.umupo na kayo at kumain."sabi ni mama kaya umupo na kami at sinimulang kumain.
Pagkatapos kumain ay niligpit ko na ang pinag-kainan namin at hinugasan narin, ng natapos na ako ay pumasok na ako sa kwarto at naligo, pagkatapos bumihis at nagsuklay.lumabas na na ako at kinuha ko na si Blue yung aso ko, oo may aso ako, kaya blue ang ipinangalan ko sa kanya ay dahil mahilig ako sa blue or should i say na favorite ko ang color blue kaya ganon.nagpaalam na ako kay mama na lalabas lang dahil ipapasyal ko si Blue sa park malapit sa amin.meron kasi kaming park dito sa aming probinsya, ewan ko lang kung matatawag ba yon na park, e walang swing at at kung ano ano pa na makikita mo palagi sa ibang park, plain lang sya, may mga upo-an, mga puno at higit sa lahat, maraming BASURA.katulad na lamang ng mga dahon na parang hindi winalisan ng ilang taon at mga plastic na pinagkainan at ang hahaba pa nang mga Damo, hay nako.pero ok lang at least may park diba?
Habang naglalakad kami ni Blue sa gilid ng park ay biglang may sumigaw ng pangalan ko sa likuran, kaya lumingon ako upang makita kung sinong puntsopelato ang tumawag sa akin.nang makita ko kung sino ang tumawag ay napa-irap ako.
"Hoy, Rain kanina pa kita tinatawag, bingi ka ba? O sadyang bingi ka lang talaga."sabi niya.
Abah, kita mo to sarap bigwasan ng loko.
"Hoy Vince!"sigaw ko sa kanya
"Oh ano!"balik niyang sigaw sa akin.
nag-isip pa ako kung ano ang sasabihin ko sa kanya bago makasagot.
